Chapter 10: Reunion

84 8 2
                                    

Paula's POV

"Mag-iingat ka palagi anak ah."

"Kayo din po Mama, kayo ni kasinsin."

Nandito kami sa airport para ihatid namin si Aldrin sa flight niya. Madaling araw ang flight schedule ni Aldrin sa pupuntahan niyang bansa at ito ay sa America. Parang kailan lang, kakadating ko lang dito sa Ilocos tapos si Aldrin naman ang aalis. Nakakalungkot lang at wala man lang kami gaanong bonding.

"Yung lagi kong sinasabi sayo kasinsin ah, tanggalin mo na yung pagiging mahiyain mo. Kahit wala na ko, praktisan mo yan." bilin sakin ni Aldrin.

Hindi ko maalis ang lungkot na yung nag-iisa kong shield sa pagiging mahiyain ko ay mawawala din sakin. Pero pasalamat pa rin ako at tinulungan niya ako mag-apply ng work at hindi niya ako hinayaang mag-isa.

"O-oo naman kasinsin, salamat sa yo ah." naiiyak ko namang tugon sa kanya ko siya niyakap.

Pagkatapos namin magyakapan ay niyakap naman niya ang mama niya saka kami naggroup hug. Matapos ang ilang minutong pagpapaalam ay pumasok na si Aldrin sa airport at naiwan kami ni Tita Agnes na kumakaway sa kanya at siya din bago siya mawala sa aming paningin.

"Mamimiss ko kaagad yung kasinsin mo Paula." sabi ni Tita Agnes na maiyak-iyak pa habang papunta kami sa kotse.

"Don't worry tita, nandito naman po ko at kapalit muna ni Aldrin pansamantala." sabi ko naman sa kanya na kinangiti niya.

"Eh paano yan Paula, ngayon na nga pala yung unang araw mo sa trabaho. Sana di ka na sumama yan tuloy kulang ka pa ata sa tulog." pag-aalala naman na sabi ni Tita Agnes sakin.

"Okay lang po Tita, gusto ko din naman po kahit sa huling pagkakataon makasama ko si Aldrin." nakangiti ko naman sagot sa kanya.

Kahit alam ko na madaling araw ang naging flight ni Aldrin at may trabaho na ko, sumama pa rin ako na maghatid sa kanya. Kagustuhan ko din naman ito bukod sa pambawi ko sa kanya, matagal-tagal kami hindi nagkita. Naguilt lang ako noong may misunderstanding kami na sana kung hindi man nangyari yun, baka mahaba ang oras namin sa pagbonding. Kulang pa talaga ang isang araw na nakabonding ko siya noong nakauwi ako dito sa Ilocos.

Binuksan ko na yung kotse saka pumasok na ako sa loob. Si Tita Agnes ang nagdadrive since sanay na naman siya magdrive.

"Matulog ka na muna Paula at may pasok ka pa." sabi sakin ni Tita Agnes saka na niya pinaandar yung kotse.

Pasimple kong tinitingnan si Tita Agnes at kita ko sa kanya ang lungkot sa kanyang mata. Sila na lang kasi magkasama ni Aldrin dahil yung iba pa niyang anak nasa abroad na din. Kaya ramdam ko yung sobrang lungkot niya sa pag-alis ni Aldrin.

Bago muna sana ko umidlip, I checked my phone para makita kung anong oras na. It's already 4 in the morning na pala at nakita ko na may mga notifications ako. Hindi na naman ako magtataka dahil hindi naman ako nagpapatay ng data.

"Hey, you remember me?"

"This is me, William yung nakilala mo sa windmill."

"Sorry ah, nagising ako ng alanganing oras."

"Are you already asleep na?"

Yan ang laman ng notif ko nang binuksan ko. Nagtext pala siya sa imessages. Kadalasan sa mga text niya sakin mga 12 pa ng hating gabi ang text na ngayon ko lang napansin.

"Ikaw pala hahaha."

"Sorry ah kung ngayon ko lang napansin."

"Galing pa ako sa airport at hinatid namin yung pinsan ko na mag-aabroad."

Political Destiny [A Marcos Fanfic]Where stories live. Discover now