Chapter 2: The Lesson

134 7 0
                                    

Paula's POV

Nakababa na ko ng taxi sa tapat ng bahay namin saka ko binuksan ang gate namin para makapasok na. Naabutan ko sa loob ng bahay sila Mama at Papa na kumakain at sabay pa sila napatingin sakin.

"Ma, Pa.."

"Upo ka muna Paula, kain ka muna—" aya sakin ni Mama.

"Teka lang po Mama.." sagot ko naman at agad na muna ako umakyat sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

Mahirap na at baka maamoy nila ako na alak. Mabuti nang makasiguro. Namili agad ako ng pamalit kong damit saka sinuot ito saka nilagay sa cabinet ko ang aking pouch na dala ko pa sa gala namin saka lumabas na ko ng kwarto.

"Sensya na po kung hindi na ko nakapagpaalam sa inyo kagabi na kila Gwen muna ako nakitulog—" sabi ko naman pagkababa ko at agad dumiretso sa dining namin.

"Ayos lang Paula, besides nakiusap na rin naman samin si Gwen kung pwede sa kanila ka na nga muna makitulog dahil nasa Ilocos pareho ang magulang niya. Sayang nga lang di ka nakapagbaon ng damit mo." sagot naman ni Papa habang kumakain at sumenyas na umupo na ko.

"Hindi na naman iba samin si Gwen lalo na kaibigan naman namin yung parents niya sayang nga lang hindi kami nakasama sa reunion alam mo naman diba, parehong busy sa work."

"T-teka bakit naman po sasama kayo?" nagtataka kong tanong habang kumukuha ng pagkain.

Napapoker face sila Mama at Papa sakin saka natawa.

"Remember Paula, taga Ilocos kami ng tatay ni Gwen at maghigh school classmate kami." natatawa naman sabi ni Papa sakin nang marealized ko.

"Ah oo nga po pala, iniisip ko po kasi na taga dito talaga tayo sa Manila and I remember na si Mama nga lang pala taga dito." natatawa kong sagot na medyo nahihiya.

Naalala ko din na Ilocos ang aking birthplace at mga 7 years old ako noong huling punta ko ulit noon. Dahil dito nakahanap ng opportunities sila Mama, dito na kami nanirahan. Nakakamiss din ang Ilocos, I hope na makauwi ulit ako doon.

"Nga pala, kita ko na naman sa facebook na madami na naman bumabatikos kila BBM." panimula ni Mama nang nagtingin-tingin na naman siya sa phone niya."

"Hay naku, aasahan na natin yan alam mo naman na madami lang talaga inggit sa kanila at gusto pa rin nila siraan si BBM. Alam ko darating din ang panahon na lalabas talaga ang katotohanan tungkol sa iniisyu sa kanilang pamilya."

Usapang Marcos na naman. Kung sila napaniwala ng mga Marcos ako never magpaparevise ng mga nalalaman kong mga isyu sa kanila. Palibhasa mga loyalista itong magulang ko at doon lang ako naaasar sa kanila like bulag pa rin ba sila sa katotohanan tungkol sa mga Marcos.

"Hay naku Mama puro na naman kayo Marcos eh.."

"Bakit Paula? Wag mong sabihin na tutulad ka sa ibang mga kabataan na nabrainwash ng mga kalaban nila." sabi ni Mama sakin.

"Naku makikita mo rin Paula yung sinasabi namin na ito, hindi man ngayon pero alam kong malapit na malaman yung totoo talaga tungkol sa kanila." dagdag pa ni Papa.

Naaasar man makipagtalo if ever, pero tumahimik na lang ako at kumain na lang. Ramdam ko pa yung hang over ko kagabi, buti di nila ako naamoy pagpasok ko kundi lalo ako malilintikan. May problema na nga ako sa pagiging anti-social ko, ayoko na naman dagdagan yun.

"Oo nga pala Paula, napag-usapan ka namin ng Mama mo about what your attitude hmm." pagseseryoso ni Papa na kinakaba ko at kinatigil ko sa pagkain.

As far as I know wala naman akong ginagawang kalokohan para sabihan niya ako ng ganyan, except nga lang sa pag-inom ko kasama sila Gwen na di nila alam at wala akong balak ipaalam sa kanila. Sa katunayan nga lagi lang ako nasa bahay at tumutulong naman sa gawaing bahay.

Political Destiny [A Marcos Fanfic]Where stories live. Discover now