CL-82

192 6 0
                                    

Messenger
Lucas Tyler Monzon

09:37 AM, Saturday

Lucas Tyler
Nakalimutan ko palang sabihin
Nakita ka raw ni Mama nung mga nakaraang araw sa may plaza
May kasama ka raw lalaki
Boyfriend mo?
Parang hindi talaga ‘to kaibigan, hindi nagsasabi

Daphne Skye
Hindi ko nakita si Tita sayang 😅
Alam mo ang chismoso mo lang talaga Lucas
Wala akong manliligaw, jowa pa kaya ?🙄

Lucas Tyler
Anong tawag mo sa akin?
Kung sinagot mo na ako edi may jowa ka na at hindi ka nagreklamo 😌

Daphne Skye
Joke ba ‘yan?
Tatawa na ba ako?

Lucas Tyler
Skye naman.
Seryoso ako sa sinasabi ko.

Daphne Skye
Anong akala mo sa akin nagjojoke rin?
Siraulo ka😬
Hindi nga tayo talo

Lucas Tyler
Sabi ko nga hehe
Hindi ko na ipipilit 😊

Daphne Skye
Goods ‘yan.
Ayaw lang kitang paasahin, Lucas.

Lucas Tyler
Naiintindihan ko naman eh.
Bakit may iba ka bang gusto?

Daphne Skye
Oo.

Lucas Tyler
Ah kaya pala.
Siya ba ‘yong kasama mo nung nakita kayo nila Mama?
Nililigawan ka na niya?😁

Daphne Skye
Hindi ah.
Tama na nga.
Nasosobrahan ka na ng chismis.
Daig mo na ako HAHAHAHA

Lucas Tyler
Sabi ni mama, bakit hindi ka pa raw bumibisita dito
Lulutuan ka niya raw nung paborito mo

Daphne Skye
Hoy totoo?
Walang halong joke?😳😳

Lucas Tyler
Kailan ba ako nagjoke sa’yo, Skye?
Lagi naman akong seryoso sa’yo ah.

Daphne Skye
Iyang mukha mo parang joke.
Punta ako dyan bukas. After lunch.

Lucas Tyler
Totoo?

Daphne Skye
Oo nga! Miss ko na si Tita.

Lucas Tyler
Eh ako? 🥺

Daphne Skye
Asa ka

Lucas Tyler
Sabi ko nga po hehe
Sunduin kita dyan gusto mo?
May motor na ako

Daphne Skye
Weh? Baka scammer ka lang na yawa ka
Mamaya niyan iyong laruan mo lang palang motor😭😄
HAHAHAHA

Lucas Tyler
Oo nga. Nakakuha na kasi ako ng license ko
Tsaka pinayagan na nila ako sa wakas.

Daphne Skye
Hoy oks ‘yan!
Mas maganda sana kung walang pandemic eh laging roadtrip
Ang galante naman na ni Monzon pala.

Lucas Tyler
Pwede rin naman,
Siraulo ka😅
Basta ah sunduin kita bukas ng ala una.

Daphne Skye
Oks.

Lucas Tyler
See you, Skye.

Daphne Skye
Gege.
See youuu

Delivered

Connection Lost Where stories live. Discover now