CL-34

211 4 0
                                    

Messenger
The Poke Pokes

06:16 PM, Monday

Daphne Skye
Tapos na rin ang reporting sa wakas!

Aaliyah Jade
Hoy totoo!
Pero may quiz pa sa Wednesday sa integral cal.
Gosh hindi pa ako nakapagreview😭

Daphne Skye
Hindi lang ikaw.
Baka bukas na ako magrereview.

Liah Jasiel
Congratulations sa inyo ni Ethan @Daphne Skye
Kayo ang pinakamataas 🎉
Naks naman!

Daphne Skye
Thank you! ❤️
Worth it ang pagpupuyat para maayos ang presentation tapos worth it ang pagpapakapal ko ng fezlak para makausap siya 😩😩
AHAHAHAHAHA

Aaliyah Jade
Aysus eh okay na yata kayong dalawa?
Nagtatawanan at naglolokohan nga kayo kanina bago kayo mag-start.

Liah Jasiel
Iyong ngitian pa HAHAHAHA
Tas focus na focus sa kaniya si Ethan kanina nung siya iyong nagsasalita.

Daphne Skye
Manahimik nga kayo.
Syempre focus siya para hindi siya mawala sa report naming eh siya kasunod ko.
Tae kayo! Magpapaasa na nga kayo hindi pa kapani-paniwala ah🙂😌

Liah Jasiel
Hoy totoo iyong sinasabi namin!
Kaya nga nagtataka kami kanina ni Aaliyah eh.

Daphne Skye
Pinagchichismisan niyo na naman siguro ako sa PM niyo noh
Nako mga marites talaga kayo

Aaliyah Jade
Baka nga kapag f2f, sa’yo lang nakatitig si Ethan habang nagrereport ka
Yie! Hindi na sila LQ 😅

Daphne Skye
Kingina niyo talaga.
Medyo oks na nga yata kami eh.
Okay na ako doon sa pagiging casual niya sa akin.

Liah Jasiel
Bakit nakakausap mo na siya?

Daphne Skye
Yup. Tungkol doon sa reporting.
Tapos na edi hindi ko na naman makakausap.
HAHAHAHAHA sadnu

Aaliyah jade
Akala ko sapnu!😩😭
Kingina ka @Daphne Skye, ayusin mo nga

Daphne Skye
Mahalay ka lang talaga kamo HAHAHAHA
Ang layo ng letter D sa letter P tanga!
Epekto ba ‘yan ni Miguel sa’yo? Yayks!

Aaliyah Jade
Bwesit ka!

Liah Jasiel
Hindi ako naniniwalang about sa presentation lang ang pinag-uusapan niyo.

Daphne Skye
Edi don’t!
Ayoko na kasi maulit iyong nangyari noong nakaraan.
Ang bigat sa pakiramdam na may taong umiiwas sa’yo
HAHAHAHAHA
Pero nag-vc kami kagabi ehe😁

Aaliyah Jade
Ang landi!

Liah Jasiel
Sus naaya mo siya mag-vc?

Daphne Skye
Uu! Ako lang ‘to 🙂
Tas nagdry-run na rin kami ng presentation kagabi thru gmeet.

Aaliyah Jade
Silay kung silay ah!
HAHAHAHAHA

Daphne Skye
Hoy manahimik ka bwesit ka!

Aaliyah Jade
Totoo naman ‘di ba?

Daphne Skye
Gagi ang pogi niya na nga sa umaga, lalo pa sa gabi 😳😩😭
Lalo na rin kapag pumupungay iyong mata niya sa antok
Ehe
Sorry po rold🥺

Liah Jasiel
Aba’t sinasabi na nga at marupok itong kaibigan namin!

Daphne Skye
Ma’am Buenaluz, kahit araw-araw na po ang reporting sa Rizal.
Willing na willing po ako ehe🥺❤️

Liah Jasiel
Ginamit mo pa talaga si Rizal para makasilay ka sa crush mo ah
Hanep ka rin 😅

Daphne Skye
HAHAHAHAHA ano ba minsan lang naman eh

Seen by everyone

Connection Lost Where stories live. Discover now