CL-73

195 8 3
                                    

Messenger
Lorde Ethan Cuevas

08:34 PM, Sunday

Daphne Skye
Thank you for sending me home, Ethan.
Thank you also for accompanying me today☺️
Naabala ka pa tuloy sa pupuntahan mo, baka kasi importante eh.

Lorde Ethan
It’s fine. I’ll just go next time.
And I’m just worried about you earlier.
You look pale and exhausted.

Daphne Skye
Sinabi ko naman sa’yo kanina ‘di ba na ayos lang ako 🙄
Napupuyat lang kasi ako lately kaya ayon mukha akong anemic.

Lorde Ethan
Then you should stop staying late at night.

Daphne Skye
Concern ka na niyan?
Friend mo na ako? Friends na tayo?😝

Lorde Ethan
Tss 😏

Daphne Skye
Oh napakasungit na naman oh.
Oo nga pala sinabi mo kaninang friends na tayo 😅
Akala ko hindi na lelevel-up eh ehe

Lorde Ethan
Gusto mo bang bawiin ko?

Daphne Skye
Luh walang ganoon.
Nakita mo na akong umiyak at magmukhang batang uhugin tapos babawiin mo friendship mo?
Ha! Baka i-expose mo pa mukha ko kanina bwesit ka 😖

Lorde Ethan
Pwede na ngang panakot sa daga eh 🙂

Daphne Skye
Hayup ka!
Ganiyan ba ang kaibigan?

Lorde Ethan
Uh huh.
So, how are you feeling right now?

Daphne Skye
Ayos na.
Sobrang gumaan ang pakiramdam ko.
Salamat sa pagsama sakin kanina sa simbahan at sa plaza😭🥺
Mabuti na lang at pwede nang lumabas kahit paano.

Lorde Ethan
No problem.
Anong naisipan mo pala at sa simbahan at plaza ang pinuntahan mo kanina?

Daphne Skye
Iyong simbahan na ‘yon doon sila kinasal si mommy and daddy tapos trip ko lang pumunta doon kanina.
Tapos isa sa bucket list ko na kung isang araw ay maikasal ako, doon sa simbahan na iyon ako ikasal😀
Then isa pang dahilan kaya pumunta ako roon kasi naalala ko iyong isa sa mga childhood memories ko.
It was Valentine’s Day that time and I’m with my parents and cousins.
Tapos nung papalabas na kami may nakabangga akong bata na chubby nun.
He looked so cute tapos bungi pa siya nun😂
Then he gave me a sampaguita garland, wala raw kasing rose doon sa simbahan at ‘yon lang ang afford niya hahaha
Nanghingi pa nga siya ng sampung piso sa mommy niya😭❤️
Saka na raw ang bouquet kung may trabaho na siya at magkita kami uli
Eh hindi ko na nakita iyong batang iyon.
Tinanong ko naman si Mommy, sabi niya baka bisita lang raw dito ang bata na ‘yon.

Lorde Ethan
Hindi mo rin ba siya hinanap?

Daphne Skye
Gaga ang luwang kaya ng metro 🙄
Tsaka hindi ako palabas nung bata ako kapag wala akong kasama
May trabaho kaya ‘yon ngayon?
O nag-aaral pa?
Nako may utang pang bouquet iyon sa akin ah 🤣

Lorde Ethan
Uh huh.
Then how about the plaza?

Daphne Skye
Ah that!
Isang childhood memory na naman.
It was summer vacation that time at kung sinuswerte naman ako ay nakita ko na naman siya sa plaza.
I am 8 years old that time.
Kasama ko si Simon tapos iyong bata kasama niya iyong yaya niya.

Lorde Ethan
And what happened this time?

Daphne Skye
Ang weird kasi nung batang ‘yon
Nung una kalaro niya si Simon tas nag-uusap sila.
Tapos nung lumapit ako kay Simon, nakita ako nung batang yun
Alam mo kung anong binigay sa akin?

Lorde Ethan
What is it?

Daphne Skye
Iyong lobo na may tali
Tsaka tinali niya sa may palasinsingan ko😂
Tapos ang sabi na naman niya, sa susunod raw na magkita kami ang ilalagay niya na roon singsing 🥺❤️
Syempre bata pa ako noon edi hindi ko pa nagegets ang mga bagay-bagay hahaha 🤣
Tas ngayong naalala ko kinikilig ako amp
Nako engage na pala ako dati pa hayup na ‘yan
Kung hindi ako magkakajowa, hahanapin ko iyong batang ‘yon.
Sisingilin ko siya sa mga utang niya sa akin sa ayaw niya man o sa hindi 😖😌
HAHAHAHA
Teka nandyan ka pa ba?
o nakatatulog ka na?
Hanep ka rin ah
Good night, Ethan!

Delivered

Connection Lost Where stories live. Discover now