CL-64

186 5 0
                                    

Messenger
The Poke Pokes

07:39 PM, Thursday

Aaliyah Jade
Hoy @Daphne Skye !
Anong nagyayari sa’yo at tatlong araw ka nang hindi umaattend sa klase natin?
You’ve missed a lot of discussions.

Liah Jasiel
Totoo.
Hinahanap ka na rin ng mga prof natin
Sinabi na lang namin na masama ang pakiramdam mo
Mabuti nga naniwala sila 😣
Nako kung hindi malalagot talaga kami ni Aaliyah

Daphne Skye
Thanks for saving my ass😗
Hahahah

Aaliyah Jade
Tangina mo masaya ka pa niya?
Andoon kaming halos magputukan na ang mga ugat sa utak dahil sa mga recent discussion sa integral cal, tapos ikaw patawa-tawa ka lang
Ano bang nangyayari sa’yo?

Liah Jasiel
Ayos ka lang ba, Daph?
May problema ba?
Pwede ka namang magsabi anytime eh
Makikinig kami niyan ni Aaliyah kung ‘yan ang inaalala mo

Daphne Skye
Hoy ang drama niyo ha
Wala akong problema
Masama lang talaga pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako umaattend ng olc😌

Liah Jasiel
Alam ba nila Tita?
Sabihin mo

Daphne Skye
Oo alam na nila
Uminom naman na akong gamot
Baka papasok na ako next week, wala naman tayong class bukas e

Liah Jasiel
Sure ka ha?

Daphne Skye
Oo nga

Aaliyah Jade
Gusto mo bang puntahan ka naming diyan?
Baka kulang ka lang talaga sa chismis

Daphne Skye
Tangina mo hahaha
‘wag na baka kung ano pa ‘to
Ayos lang talaga ako
Hindi lang ako nakapagchat rito gawa ng tinatamad ako tapos walang gana

Aaliyah Jade
Sabi mo ‘yan ah
Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang.

Daphne Skye
Salamat mga dzai.

Liah Jasiel
Pahinga ka na.
Get well soon🥰

Aaliyah Jade
Get well soon💗
Hinahanap ka rin ni mayor hehe

Daphne Skye
Urur niyo
Mga haup HAHAHAHA

Aaliyah Jade
Aguy bigla yatang sumigla ah?

Liah Jasiel
Baka biglang gumaling ‘yan?
Si mayor lang pala ang katapat hahahaha

Daphne Skye
Manahimik na kayo
Papahinga na ako
Adios!

Seen by everyone

Connection Lost Where stories live. Discover now