Chapter VI

44 10 0
                                    


Ikatlong Persona

“Wait!” Buti at huminto nga si Chrome, nagkaroon na nang pagkakataon si Ace na hubarin ang robe niya. Nagiging sagabal na kasi ito sa pagkilos niya, maging ang mask nalilimitahan ang range ng paningin niya. Pinagilid niya na lang ang pagsuot dito kaya ngayon litaw na ulit ang mukha ni Ace, ganun pa man sa mapaglarong ngiti niya natutuon ang mata nina Ivy. Halos bugbog na ang katawan ni Ace, pero nakuha pa talaga nitong ngumiti? Para pa ngang nasisiyahan siya sa nangyayari, masokista ba siyang bata?

“Puwede bang mag-usap na muna tayo?” Bumagsak ang balikat ni Ace nang imbis na sumagot ay isang beses na humakbang si Chrome, then naglaho na naman ang pigura niya. Antisipado na ni Ace ang paglitaw ni Chrome sa harap niya, pero hindi sina Ivy kaya naman sabay-sabay  silang napasinghap. Mas lalo pang naging exaggerated ang paghinga nila nung sanggain ni Ace ang sipa ni Chrome, ramdam ang lakas nun sa tensyon na tila lumabas sa likod ni Ace. Nagsanhi pa nga ito sa paglipad ng alikabok sa paligid, at pagkabuwal ng ilang puno sa likuran ni Ace.

Nung bumaba ang tingin nina Ivy nakita nila na nakabaon na sa lupa ang paa ni Ace, halos umabot iyon sa tuhod niya. Gaano kalakas ang sumusugod kay Ace? Parang wala itong limitasyon. Hindi rin nila naramdaman na gumamit ito ng mahika kaya pare-pareho na lang silang napalunok ng laway. Kung sila kaya tumanggap ng atakeng iyon? Malamang mapupuruhan sila. Hindi na nga nila malaman kung kanino ba bibilib? Kasi naman kung malakas si Chrome, malakas din si Ace. Biruin mo ba naman direkta niyang sinalo ang sipa ni Chrome, pero lumubog lang ang paa niya sa lupa. Wala siyang visible na sugat. Pasasalamat ito sa diamond body ni Ace kung wala siya nito, malamang bali ang buto niya sa braso, pati likod niya magtatamo ng pinsala.

Muling nagpatuloy ang pagsasalitan ng suntok at sipa ng dalawa, para nilang pinag-usapan na huwag na muna gumamit ng espada. Although, mas lamang pa rin si Chrome dahil nga may mahika siya, samantalang hindi naman biniyayaan ng ganitong kakayahan si Ace. Ganun pa man, sa pisikal niyang lakas at bilis ay kayang-kaya niya sabayan si Chrome. Iyon nga lang stalemate sila. Nagtagal pa ng ilang minuto ang pakikipaglaban nila ng ganito, hanggang sa sabay nga silang paatras na tumalon.

Akala nina Ivy makakahinga na sila ng maluwag, pero bubuga pa lang sila ng hangin ay nasa gitna na naman ang dalawa. This time mas dinagdagan nila ng pwersa ang atake, bawat suntok at sipa na nagtatagpo ay nagkakaroon ng malakas na shockwave. Halos hindi na makita ang katawan ng dalawa sa kapal ng alikabok sa paligid.

Kung hindi lang nagsasanhi ng ingay laban nila, iisipin mo na wala sila roon.

Masyadong tutok sa katawan ni Ace si Chrome kaya hindi niya nakita ang pagtiim ng bagang nito, halos maging silver na ang asul na mga mata ni Chrome. Nangyayari talaga ito kapag nakakaramdam siya ng matinding emosyon. Sa ngayon, sobra siyang naiinis kasi minamaliit ba siya ni Ace? Bakit hindi pa rin ito nagseseryoso? Iniisip pa rin ba niyang sparring ang ginagawa nila?

“Ayaw mo magseryoso, ah.” Nagulat si Ace nang umiba ng direksyon si Chrome, huminto pa siya dahil hindi niya alam bakit nag-iba ng direksyon si Chrome. Then, sabay na nanlaki ang mata nila ni Ivy nang sa isang iglap nasa harap niya na si Chrome, ang ice sword nito ay pababa na at malapit nang tapyasin ang mukha ni Ivy, kung hindi siya niyakap ni Harley at hindi umabot si Ace para sanggain ang espada ni Chrome, malamang nahati na sa dalawa ang katawan niya. Ganun katalas ang espada ni Chrome. Magmimistulang tofu ang katawan ng tao o kaya halimaw na tatamaan ng espada ni Chrome.

“Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit mo ba ginagawa 'to? Dahil ba ito sa nangyari? Galit ka pa rin ba dahil iniwan kita? Chrome!” Pwersahang sinangga ni Ace ang sunod na atake ni Chrome, hindi kasi nito pinansin ang tanong niya. It's as if binubulag si Chrome ng galit o inis na nararamdaman nito sa kanya. Napaka-unusual nito dahil madalas na kalmado lang si Chrome, siya yung tipo ng tao na sumasabay lang sa agos ng buhay. Pero may mga pagkakataon din na lumalabas yung fiery personality niya. Ngayon, hindi masabi ni Ace kung kabilang ba itong nangyayari ngayon sa fiery personality ni Chrome o bago lang ba ito?

LuminousWhere stories live. Discover now