Chapter I

136 15 21
                                    

ɴᴏᴛᴇ: ɪʙᴀʟɪᴋ ᴋᴏ ʀᴀᴡ ᴀɴɢ ʟᴜᴍɪɴᴏᴜꜱ. ᴀᴅᴠᴀɴᴄᴇ ʜᴀᴘᴘʏ ʙɪʀᴛʜᴅᴀʏ ꜱᴀ ɪꜱᴀ ᴅɪʏᴀɴ. ᴀɴʏᴡᴀʏ, ᴍᴀʙᴀɢᴀʟ ᴜᴅ ʀɪᴛᴏ ꜱɪɴᴄᴇ ᴘʀɪᴏ ᴋᴏ ᴘᴀ ʀɪɴ ᴛᴀᴘᴜꜱɪɴ ʏᴜɴɢ ʟɢ.
-

Thud!

Napahiga na lang sa damuhan si Ace sa sobrang pagod. Talagang mahirap makipaglaban nang walang mahika na ginagamit.

Bigla kasing dumami ang wild beast na tumutungo sa training ground niya kaya akala niya mamamatay na siya. Marahil naakit ang mga wild beast sa dugo ng batang wolf na naghihingalo na nung madatnan niya. Kung hindi niya ito sinabuyan ng health potion malamang kanina pa ito namatay.

Medyo nag-alangan pa nga siya kanina dahil mahal kasi ang pagkakabili niya sa malaking potion. Marami man kasing pera si Ace ay nananatili pa rin siyang kuripot. Ganun pa man nasa nature na ni Ace ang pagtulong, tao man o hindi ang tutulungan.

Sa kasalukuyan ang batang wolf ay mahimbing nang natutulog. Kulay puti ang balahibo nito kaya sigurado si Ace na isa itong snow wolf, ang ipinagtataka niya lang paano ito napadpad sa Midori Forest? Hindi naman kasi umuulan ng niyebe sa Midori Forest. In fact walang winter season sa bayan ng Gibratal.

"Weird." Saglit pang tumitig si Ace sa batang wolf bago niya ipinikit ang mata para magmeditate. Kung mayroon lang sana siyang kakayahan na gumamit ng magic mas malaki ang benepisyong makukuha niya sa pagmemeditate.

Puwede niya kasing bawiin ang nawalang mana sa katawan sa pamamagitan nito, sa paghigop niya ng mana sa paligid lalakas ang koneksyon niya sa magic, tataas din ang antas niya. Pero bakit pa ba niya ito iniisip? Ginagawa na lang niya ang pagmemeditate dahil parte ito ng morning routine niya sa earth.

Matapos mag-meditate ay nagsimulang kolektahin ni Ace ang karne ng mga beast na pinaslang niya, karamihan sa kanila boar at blood wolf. Blood wolf dahil sa matingkad na pagkapula ng kanilang balahibo, maging ng kanilang mga mata.

Mabangis sila at mayroong burn effect ang laway. Pero walang epekto ang laway nila kay Ace. Malamig pa nga ito sa pakiramdam. Hindi na bago sa kaniya ang ganito, matagal na kasi niyang alam na hindi siya naaapektuhan ng apoy. May koneksyon kaya ito sa dahilan kung bakit hindi siya makagamit ng mahika?

Hindi na rin naman gaanong big deal kay Ace kung hindi siya makakagamit ng mahika. Sa Earth kasi baril ang main weapon niya. Mayroon na rin namang baril dito sa Luminous ngunit sa Terra Kingdom pa mabibili ang magaganda at matataas na kalidad ng baril. Kailangan pa niyang maglayag sa Isla Verde para lang mapuntahan ang Terra Kingdom, pero, hindi kung sino-sino lang ang pwedeng maglayag sa Isla Verde, kailangan pa nila humingi ng permiso sa Merfolk Chieftainess at sa Emperador ng Ignis. Nawalan kasi ng tiwala ang mga merfolk sa tao nang magsimulang dakpin ng mga adventurer ang batang merfolk saka ibebenta sa Black Market.

Kaya kasing bigyan ng mga Merfolk nang kakayahan na makahinga sa ilalim ng dagat ang mga tao, nalalaman din nila kung saan may nakatagong kayamanan. Bukod pa roon kung isa kang water mage ibo-boost pa nila ang kakayahan mo sa pagkontrol sa tubig. Makakaya na nilang gawin ang chantless magic na bibihira na lang ang nakakagawa. Ito ang dahilan kung bakit kahit may napagkasunduan na ang Emperor at Merfolk Chieftainess ay patuloy pa rin ang pangdadakip sa kanila.

Kaya bumabawi na lang sila sa paghihigpit sa mga naglalayag sa Isla Verde at kung may ginawang katarantaduhan ang mga naglalayag ay pinalulubog nila ang barko na sinasakyan nila, hindi nila kinukuha ang mga gamit ng mga pasahero kaya masasabi ngang maraming kayamanan sa ilalim ng dagat.

Mayroon lang isang grupo ng Merchant ang malayang nakakapaglayag sa Isla Verde, at sila ay ang pamilya ng mga Verdant. Umiiral na ang pamilyang ito bago pa man lumubog ang isla. Sila ang tumulong sa mamamayan ng Isla Verde na lumikas nung mawalan ng kontrol sa kapangyrihan niya ang dyosang si Selena matapos ito pagtangkaang patayin ng asawa.

LuminousWhere stories live. Discover now