Chapter V

47 10 0
                                    


ɴᴏᴛᴇ: ʜɪ, ꜱᴀɴᴀ ᴏᴋᴀʏ ᴋᴀ ʟᴀɴɢ.

Ace

Nagising ako na may nalalasahang metallic. Iyon pala naliligo na naman ako sa dugo.

“Umuulan b—shit!” Mangiyak-ngiyak na hinimas ko yung pang-upo ko kasi nahulog ako sa hammock na sinabit ko sa malaking branch ng puno. May kataasan din iyon. Hindi ko na nagawang sagipin sarili ko kasi nakatingin pa rin ako sa malaking pugot na ulo ng ahas ilang inches ang layo sa mukha ko. Kasyang-kasya ulo ko sa malaki niyang bunganga pwedeng-pwede kami magsama ng kaaway ko sa bunganga nun.

Para kaming nag-indirect kiss dahil sa dugo niya na nasa bibig ko. Ugh. Wala pa akong kinakain pero nagtatawag na ng uwak ang tiyan ko. Then kung minamalas ka nga naman sa butas na katawan pa ako ng ogre bumagsak. Kadiri! Anong klaseng atake kaya ginawa ni Erza dito? Parang pinalunok niya ng granada, eh.

Pagtayo ko, muntik pa ako madulas dahil sa kulay puting slimy liquid na nakakalat sa paligid. Naipikit ko tuloy ng sobra ang mata, pinipilit na burahin sa isip ko yung mga image na nagfaflash sa isip ko. Seriously? Bakit ang daming parte ng halimaw ang nakakalat sa pinagpapahingahan ko? Sa dami ng uri ng halimaw na nakikita ko, tiyak na nagsanhi na ng ingay ang ginawang pagpaslang ni Erza sa mga halimaw na 'to. Unless secret ninja talaga siya? Ahh! Parang gusto ko tuloy magmakaawa sa kanya na turuan niya ako sa paraan ng isang ninja.

“Ace, ayos ka lang? Hindi naman tumama ang ulo mo, saka ang clumsy mo pala 'no?”

“Oi!” Magtatanong na lang kasi if ayos lang ako, may kasama pang insulto 'no? Insult yun 'di ba? Sabihan ba naman akong clumsy kahit na totoo 'yon, itatanggi ko pa rin. Saka hindi niya ako masisisi, natulog ba naman ako na peaceful ang paligid tapos paggising para akong natransport sa isang sementeryo. Libingan ng mga mababangis na halimaw.

Inismiran ko na lang si Erza, gamit ang »elemental sight« nakakita ako ng maliit na batis. I forgot to check if may kakaiba ba sa tubig kaya halos ayaw ko na umahon after marealize bakit lumiwanag ang katawan ko.

Unconciously ko na nga lang na sinamaan yung crystal ball na dala-dala ni Erza, nagkaroon kasi ako ng feeling na pinagtatawanan ako nina Karrie. Karma ba 'to? Hindi ko pala dapat ipinagyabang na infinite ang luck na mayroon ako, 'yan tuloy sunod-sunod na kamalasan ang nangyayari sa akin. Kababalik ko nga lang sa totoo kong height at edad tapos ay lumiit na naman ako.

This time hindi ko iniwan yung pants ko, aba ikalawang beses na nangyari, I'm sure hindi ito ang huli kaya baka maubusan ako pants kung lagi ko iiwan pants sa mga tubig na pinapabata ako. Tawagin ko kaya itong »water of youth«? Baka totoo talaga yung »fountain of youth« kumalat lang yung tubig sa iba't-ibang panig ng no mans land.

“Ang sama, hindi man lang ako tinulungan.” Sinadya ko talaga lakasan boses ko, pero parang walang narinig si Erza. Bakit ko kamo siya pinariringgan? Simple lang, hirap na hirap ako umahon kasi ang bigat ng pants ko. Lahat kasi ng damit ko mayroong seal na nagpapabigat nga sa kanila. Hindi sanay yung bata kong katawan sa pagbubuhat ng mabigat kaya ilang beses ko lumubog. Buti na lang kako halos kasing height ko lang yung ilalim ng batis kaya may breathing room pa rin ako.

“Oh, come on! Not again! Lumiit akong lalo.  What the fuck?! May possibility ba talagang bumalik ako sa pagiging baby? But I don't understand, saglit lang naman ako lumubog dito, how come na mas bumata ako rito kumpara nung naligo ako sa talon?” Siyempre sa sarili ko lang ito tinatanong kaya medyo nakakagulat na sumagot si Erza.

“Simple lang, mas potent ang epekto kapag mas kakaunti ang tubig.” Ah, ganun pala.

Anyway, bumubulong-bulong pa rin ako habang tinatago sa »storage ring« ko ang pants. Hindi na ako nag-abala na hubarin ang cloak ko at t-shirt kahit pa sumasayad ito sa lupa dahil mas malaki ito kumpara sa akin. Dagdag paawa effect sa kung sino mang makakakita sa akin or sa makikita ko. Hindi na rin ako bumalik sa pinagpahingahan ko since siguradong dinudumog na ng ibang magical beast ang lugar na yun. Sa dami ba naman ng dugo at carcasses ay tiyak na pagpipiestahan ng mga halimaw ang lugar na yun, inaalala nga lang ang hitsura ng lugar ay naduduwal na ako. Nagugutom ako, pero ayaw ko rin kumain. Iwas karne muna ako, nakakadiri kasi talaga. Sa laki ng intenstine ng ogre pwedeng-pwede ako magjumping rope gamit yun, eh.

LuminousWhere stories live. Discover now