Chapter IV

82 13 5
                                    

ɴᴏᴛᴇ: ᴜᴅ ʀᴀᴡ ᴀᴋᴏ, ɴᴀʜᴀʙᴏʟ ᴍᴜꜱᴇ ᴋᴏ ʀɪᴛᴏ. ᴋᴀᴡᴀᴡᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ᴅᴀᴡ ꜱɪ ᴍɪᴀ, ᴀᴛ ᴍᴀɢ-ɪꜱᴀ ʟᴀɴɢ ʟᴏʟ. ꜰᴇʙ ᴘᴀ ʟᴀꜱᴛ ᴜᴘᴅᴀᴛᴇ ᴋᴏ ʀɪᴛᴏ, ʜɪᴍᴀʟᴀ ɴᴀ ɴᴀɢᴋᴀɪᴅᴇʏᴀ ᴘᴀ ᴀɴᴏ?

Ikatlong Persona

“Mabuti naman at gising ka na, kumusta ang pakiramdam mo?”

“Huh?” Halata naman sa sagot ni Delta na hindi pa siya tuluyang nagigising, pero nagpatuloy lang sa pagsasalita si Ace na para bang sinagot siya ng matino ni Delta.

“Kung si Wolf at si Charlie ang hinahanap mo, nasa labas sila. Hinihintay ka para makakain na tayo,” nung talikuran siya ng batang kumakausap sa kaniya ay doon lang tila natauhan si Delta. Naging tensyonado pa nga ang katawan niya matapos marinig ang code name ni Karrie. Sobrang casual nang pagkakasabi nito na para bang hindi iyon ang unang beses na tinawag niyang Wolf si Karrie. Isa ba ito sa kanila? Ito ang tanong na bumabagabag sa isip ni Delta habang sinusundan si Ace.

“Should have known na hindi ninyo kaya maghintay,” inis na may halong fondness na saad ni Ace pagkakita kina Karrie na humihigop na ng sabaw. Dito na napatunayan ni Delta na sundalo nga si Ace, pero sino ito? Nasa bata pa rin kasing katawan si Ace kaya hindi siya mamukhaan ni Delta. Pamilyar ang presensya nito, pero ayaw pa rin ibaba ni Delta ang guard niya.

Lalo pa't ilan sa kasama nilang sundalo na hindi parte ng Task Force ay inatake sila habang nagpapahinga.

“Relax, Delta. Baka sa talim ng tingin mo kay Ace ay bigla na lang siyang bumulagta. Hindi natin gugustuhin na mangyari 'to lalo pa't siya lang makakapagsabi sa atin kung nasaan tayo at ano ba ang dapat na asahan sa lugar na 'to,” mundo talaga ang dapat na sasabihin ni Charlie, pero habang nagluluto kanina ay nasabi sa kanila ni Ace na kasalukuyan itong nagpaparticipate sa isang test. At yung dami ng mata na nararamdaman nilang nakatingin sa kanila ay dahil sa »clairvoyance« at sa imperial mage na nakasunod kay Ace para i-monitor ang ginagawa niya, at para na rin siguruhin ang kaligtasan ni Ace.

“Ace?”

Nabura ang ngiti ni Ace sa sunod na sinabi ni Delta. “Kumusta naman ang pakiramdam na maging pandak?” Hindi pa nakatulong ang pagtutop ni Karrie sa bibig niya, halatang nagpipigil ng tawa. Habang hindi naman nagpapigil sa pagbunghalit ng tawa si Charlie, halos mahulog pa nga ito sa troso na kinauupuan niya. Kanina niya pa gusto i-address ang appearance ni Ace kasi alam nila na sensitive ito pagdating sa height. Sa unit kasi nila isa si Ace sa pinakamatangkad, at kahit na yung mas matangkad sa kaniya ay ini-stare down niya. Naniningkit pa ang mata ni Ace kapag may kumakausap sa kaniya na hindi parte ng Task Force. Dahil din dito walang nakaclose sa ibang unit or platoon si Ace, marami sa kumakalat na balita ang nagsasabing mapagmataas siya, at dumi ang tingin sa hindi part ng TF. Marami rin sa mga kapwa nila sundalo, pati trainees ang nagbalak na i-sabotage ang ginagawa ni Ace. Whether involve ang training or any important meeting na magpapasama sa image ni Ace. Hindi naman sila nagtatagumpay kasi wala naman sa humors ang totoo. Si Ace? Mapagmataas? Siguro kapag hindi niya gusto yung kausap niya. Paraan niya rin ito para asarin sila lalo or to motivate them to do better. Wala siya pakialam kahit na ilang beses lumangoy sa putikan ang pangalan niya. Kaya nga naging gawain nina Delta na ipagtanggol si Ace sa mga nagbabalak na saktan siya emotionally kasi hindi nila kayang talunin sa pisikalan na labanan si Ace. She's a great  fighter. Paborito siya ng mga field commanders, ilan sa mga high official pa nga ang nakita na personal siyang kinokonsulta. Kaya marami talaga ang naiinggit kay Ace. Iniisip pa nila na may mayaman itong backer kaya kahit na hindi napopromote ay hindi pa rin ito nasisipa sa TF.

Noong una kabilang sina Delta sa mga nag-iisip na mas maigi na ibigay ang spot ni Ace sa mas karapat-dapat. Ang antukin ba naman nito, lagi ring kulelat sa mga evaluation pero kapag may capture the flag or areas na nangyayari ay ang active ni Ace. Sure win ang team kung nasaan siya. Solid ang strategies niya at parang open book sila kay Ace. Magaling siya magbigay ng command kaya siya lagi ang leader sa mga ganitong activity. Pero pumapayag lang siya maging leader kapag sila-sila lang ng TF ang maglalaban-laban. Habang kapag hindi niya kakampi sina Delta ay laging siya ang target, kaya mabilis siya matanggal sa game na nagiging dahilan para lalong lumakas loob ng mga nangbubully sa kanya. Hindi nga lang sila manalo kasi ang focus nila laging na kay Ace, bait siya kumbaga na suhestyon niya rin kaya ang ending minsan imbis na si Ace ang mamatay or out ay yung opposite team pa ang naa-ambush. Mas priority nila na ipahiya si Ace kaya naman marami ang nadedemote or hindi pinapadala sa mga war zone. Sino nga ba naman gusto ipagkatiwala buhay nila sa mga hindi mangingimi na i-backstab ka 'di ba?

LuminousWhere stories live. Discover now