Restart

10.1K 194 65
                                    

Dani



Tita duties today. Namimiss ko na din kasi si Issang Kulet eh, sobra. I asked Kuya Thirdy to drive me to Ate Mika's condo.



Cap, check.

Kicks, check.

OOTD? Check!



Lumabas ako ng kwarto pagtapos kong magbody check. Nakasalubong ko si Manong, syempre awkward nanaman. He smiles at me.



"San punta mo Dan?" Manong asked me, poker face nanaman ako. I don't mean it pero sa tuwing nakikita ko siya parang kusa na lumalabas na iyon.



"Kanila Ate Miks, bantayan ko si Issa." Sagot ko with less enthusiasm.



"Ah. Ilalabas mo ba si Issa? Gusto mo ipadrive ko kayo kay Kuya Fred?" He offers but I decline.



"Wag na po, doon lang kami sa condo nila. Saka ihahatid at susunduin ako ni Kuya Thirdy." Tumahimik na lang siya at tumango, ever since that incident happened ganito na lang kami magusap. Nakakamiss na tawagin ko siyang Manong, nakakamiss kulitin siya pero kasi kung nasaktan niya si Ate Mika nasaktan niya din ako.



Ni hindi ba pumasok sa isip niya na paano kung mangyari sa akin yun? Babae din ako. O kaya kay Mama? Nakakainis kasi, sila si Papa, Kuya Thirdy at Manong ang standards ko sa magiging future boyfriend ko. Pero ngayon? Anong ginawa niya?



"Sige... Ah, magingat kayo. I-text mo ko kung may kailangan ka." Paalala niya, tumango lang ako saka nilagpasan siya.



"Ah. Dani, paki-kiss at yakap na lang ako kay Issa." Tumigil lang ako pero di ko na siya tinignan.



Tumakbo ako pababa nakita ko si Kuya Thirdy at nangulit ako. Sinampahan ko siya sa likod.



"Daniella!!" Sigaw ni Kuya, bumaba din ako agad baka itapon ako eh. Tawang tawa ako kasi inis na inis siya.



"Akala mo ang gaan mo eh no?" Kuya Thirdy is nagging me, I'm just making faces.



"Happy ka na? Tara na. Inaantay na ko ni Issa."



Pagpasok namin sa kotse niya, nakita namin si Manong sa pintuan. Kahit malayo alam ko siya yun. Tinignan ako ni Kuya Thirdy.



"Miss mo na din?" Tanong niya. Tumango ako.

Us HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon