Chapter 30- My Savior

173 11 6
                                    


MB was sure that he heard Iris's voice before the call end but he was confused on what he's doing there, and he seemed to know uncle Willem well.

Pagkarating nila sa Airport hinanap nila ito pero hindi nila nakita kaya humingi siya ng tulong para makita ang CCTV at malaman nila kung anong nangyari at kung nasaan ito. Walang record ang CCTV na nandon si Oom Willem mukhang may nagbura nito kaya kinuha niya ang phone at tinignan kung malolocate nila ang matanda, buti na lang bukas ang location nito kaya nakita niyo kung nasaan ito. Ang pinagtataka niya ay kung paano napunta si Oom Willem sa forest, dahil iyon ang nakalagay sa location. May kalayuan daw ito sa Airport ngunit pinagdrive niya ng mabilis ang driver para makarating agad don.

Pagkarating nila doon ay nagsimula na siyang maghanap, pinaiwan na lang niya ang driver sa sasakyan at inutusang kung sakaling hindi siya makabalik ay saka siya hanapin, napansin kase niyang parang hindi maganda ang pakiramdam nito kaya sinabi niya na siya na lang muna ang maghahanap.

Tiningnan niya ulit sa location sa kanyang phone kung nasaan na ito ngunit nawala na ang signal kaya pinagpatuloy na lang nila ang paglalakad hanggang sa maaninag nila ang maraming kalalakihan na nakikipaglaban kasama na doon si Oom Willem, kahit may edad na magaling pa rin ito sa iba't-ibang martial arts, tinuruan nga din siya nito noon ng martial arts kahit ayaw niya para naman daw hindi siya lalambot-lambot at laging mapagkamalang bakla.

Sa may kanan nito ay nakita niya si Iris na may dalang arnis, walang duda na magaling din ito, hindi niya alam kung bakit arnis ang natripan nitong maging sandata ngayon siguro ay idolo nito si Sanggre Danaya, halos lahat kase ng mga kalaban nila ay baril o kaya naman Samurai ang dala kaunti lang ang mga kakampi nila Iris kumpara sa mga kalaban nila pero sa tingin niya ay kaya nila itong talunin dahil lahat sila magagaling.

Wala sana siyang balak tumulong sa mga ito at hihintayin na lang niyang matapos ang labanan dahil tinatamad siya ngunit nakita siya ng kalaban at pinaputukan kaya tumakbo siya sa may puno na malapit kay Iris para magtago.

"What? Are you just going to watch there forever?!"Masungit na sigaw nito habang nakikipaglaban pa rin gamit ang arnis nito ng wala na itong kalaban ay kina-usap niya muli ito.

"Penge ng baril" sabi niya dito, agad naman nitong pinakuha sa likod ng pants nito ang nakatagong maliit na baril.

"Oom, anong bang ginagawa mo dito? At kasama mo pa iyang si Iris, kamag-anak mo ba siya?" Tanong niya dito habang nakikipagbarilan, walanyang mga kalaban may magic ata nag mga ito at parang hindi nauubos.

"He's my real nephew." Sabi lang nito kapagkuwan ay sinipa sa bayag ang kalaban. "Sino pang gustong mabasagan ng bayag?! Punta dito!" Parang tangang sigaw nito na ikinailing na lang niya at ni Iris.

"Ano?!" Gulat na sigaw niya sa unang sinabi nito, wala kase itong kinukwento tungkol sa pamilya nito kaya akala niya ay wala itong kahit sinong kamag-anak.

"Ouch! Fuck you!" Sigaw niya kay Iris ng mahampas siya ng arnis nito.

"Bakit ka kase nakahara diyan?! Sinabi ng tumabi ka eh!" Galit na sigaw nito sa kanya, mamaya na lang niya aalamin ang lahat pag natapos na ang kabaliwan— este labanang ito.


A few hours later.. Natapos din ang bakbakan na akala niya ay hindi na talaga matatapos sa dami ng kalaban nila.

"Hoyyy!! Kayong dalawa, sino ba talaga kayo? Bakit may mga nanghahabol sa inyo?" Tanong niya kay Iris at Oom Willem. Nasa loob pa din sila ng Forest at nagtayo sila doon ng tent para magpahinga ng ilang oras. Tinext naman niya ang kanyang driver na huwag ng umalis don at sila ng ang pupunta sa kinaroroonan nito bukas, buti na lang at may signal sa kinatatayuan ng tent nila. Gumawa din ang mga ito ng fireplace forest para mainitan sila.

A Flower Under The Rainbow Where stories live. Discover now