Chapter 25- Life is fair, but we are not

168 7 1
                                    


"Tss... May bagyo po ba Tay Melchor? Wala naman akong nabalitaan na may paparating na bagyo ah." Sambit ni MB sa kinuha niyang care-taker habang pinagmamasdan sa may bintana ang malakas na ulan at hangin sa labas ng malaking mansion sa isla. Ang isla at mansyon na kanilang tinutuluyan ngayon ay ineregalo sa kanya ng kanyang Oom Willem noong birthday niya. Ayaw pa nga niya sanang tanggapin ito dahil sobra-sobra na ang nagawa nito para sa kanya, ngunit napakakulit nito kaya wala siyang nagawa kung hindi tanggapin na lang. Tuwing free time niya ay pumupunta siya dito gaya ngayon dahil napakaganda at peaceful dito.

"Naku! Hijo hindi ko rin alam matagal na akong  hindi nakakapanuod ng balita." Sabi nito habang nagvavacuum sa living room. "Nga pala hijo gusto kong itanong sino yung kasama mong bata, kamag-anak mo ba? may hawig sayo eh." Tukoy nito sa batang natutulog sa kanyang kwarto.
Pagkatapos nitong umiyak kanina ay nakatulog agad ito kaya binuhat siya sa kanyang kwarto ang bata.

He still clearly remember what happened earlier. The little girl asked him if he could be his father even just for one day. It broke his heart so much, to see how an innocent little kid would dare to asked someone to be her father because she had never experience the feeling of having a father, that's why he happily accepted her request. He understands her because he also experience growing without father, and it was so hard that's why he promised himself before that if ever he will have a children someday, he will do everything for them, he will never leave them like what his father did to his own children.

"Hindi ho, nakita ko lang siya sa loob ng yacht ko kanina. Balak ko na nga po sanang bumalik ulit kanina sa resort dahil baka nag-aalala na ang magulang niya kaso ayaw po umandar ng yacht tapos umulan pa ng malakas kaya napagdesisyunan kong bukas na lang bumalik."

"Oo nga hijo mahirap magbiyahe ngayon, paniguradong malakas ang alon dahil sa hangin at ulan." Sabi nito at nagpa-alam na din sa kanya dahil may iba daw itong gagawin.

"Daddy!" Rinig niyang tawag sa kanya ng batang babae habang kinukusot nito ang mga mata. Hindi niya pa rin alam ang pangalan nito dahil nalimutan niyang tanungin kanina.

"Hey!  How's your sleep?" He asked when she reached him.

"I have a good sleep po. By the way, I'm Amelie Calista po pala, but you can call me AC. I haven't introduced myslef earlier po. I'm sorry. I forgot." Sabi nito na parang sobrang komportableng kasama siya kahit unang beses pa lang nilang nagkita.

"It's okay, I'm MB." Pagpapakilala niya dito.

"Pwede na po ba tayong bumalik sa resort? I still want to be with you but I know that mommy, kuya and ate Anya is already worried for me, kaya gusto ko na pong bumalik." She said while sitting on a small couch in the living room.

"Malakas pa kse ang ulan at hangin  ngayon delikadong pumalaot pero wag kang mag-alala bukas na bukas din pagtila ng ulan babalik na tayo."

"Okay po..."

"May gusto ka bang gawin ngayon?" Tanong niya dito para hindi ito mainip. Mahina kase ang signal sa isla dahil sa malakas na ulan kaya hindi sila makapanuod ng TV at wala ding internet.

"Can you cook po? I will help..."

"Gutom ka nanaman? Ilang buwaya ba ang alaga mo diyan?" Tanong niya dito na ikinanguso nito.

"Ano ito hijo? Kawawa naman yung isda mukang namurder ng sobra eh.." Natatawang tanong ni Tay Melchor sa niluto niyang isda na lasug-lasog, ulo na lang ang natirang buo at medyo sunog pa.

"Yung kawali po kase at mantika po kase eh panira." Paninisi pa niya sa kawali at mantika. Tinawanan naman siya ni Tay Melchor.

A Flower Under The Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon