Chapter 4- The transferee

309 11 8
                                    



Maagang nagising si MB dahil ngayong araw na ito ang first day niya sa bagong school. The University of Maharlika is one of the best Universities in the Philippines. Halos puro mayayaman ang napasok dito maswerte na nga lamang siya at kahit graduating na siya ay nabigyan pa rin siya ng pagkakataon upang makapag-aral sa eskuwelahang gaya nito.

Nagmadali siyang kumain ng agahan, bago umalis sa boarding house na inuupahan niya malapit sa kanyang bagong paaralan. Naglakad lamang siya ng ilang minuto bago nakarating sa paaralan.

Pagkapasok ni MB sa loob ng paaralan, nakita niya ang iba't ibang estudyanteng naglalakad, madami na agad siyang nakitang gwapo kaya mas ginanahan siya kahit medyo kinakabahan siya dahil bago pa lamang siya dito.

Habang naglalakad siya patungo sa kanilang classroom ay napansin niyang maraming mga babaeng nakatingin sa kanya ngunit hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy na lang paglalakad.

Bago, magsimula ang kanilang klase ay inutusan muna siya ng kanyang prof na ipakilala ang kaniyang sarili sa mga kaklase na kaagad naman niyang sinunod.

"Hi! Magandang umaga sainyong lahat, ako nga pala si Mattheo Bennet Fontavilla but you can call me MB at naniniwala ako sa kasabihang ang maganda at sexying tulad ko ay nararapat lamang sa papable na gaya mo, and I thank you!" Pagpapakilala niya sa mga kaklase na parang nasa beauty pageant. Nagtawanan naman ang ilan mga kaklase niya naroon.

Kahit unang araw pa lamang niya sa paaralan ay marami na agad siyang naging kaibigan puro mga babae na may crush daw sa kanya pero alam naman ng mga ito na iba ang tipo niya, mababait ang mga ito kaya mabilis niyang nakasundo.

Niyaya pa nga siya ng mga ito sa bar dahil may birthday party daw itong pupuntahan at okay lang naman na magsama ng iba, kinabukasan naman ay weekdays at walang pasok, kaya pumayag na din siyang sumama.

Umuwi muna sila sa kanya-kanyang bahay upang magpalit ng damit at doon na lang sa bar magkita-kita.

Nagwhite shirt na lamang siya at tinupi sa kalahati ang manggas nito na naka bukas ang ilang butones  sa may bandang dibdib at tinernuhan naman niya ito ng black shorts at white shoes.. simple lang ang suot niya litaw na litaw ang pagiging pogi at neat niyang tingnan.

Pagkarating niya sa loob agad siyang kinausap at sinalubong ng mga bagong kaibigan.

"Wow, taray bakla lalo kang gumwapo akala ko mag crocross dress ka at kakabugin mo ang outfit namin ngayon."sabi ni Clara na pasimpleng hinagod ang kabuoan niya.

Nakasuot ito ng black sleeveless dress na backless ang likuran. Samantalang si Kathy naman ay hindi rin papakabog sa  suot nitong black silk bralette at high waist ripped jeans.

"Sure ba kayo na okay lang talaga sumama ako dito baka mamaya sugurin ako nung may birthday at sabihin gate crasher?"

"Ano ba kayo, ako lang to" pabirong sabi ni MB sa kaibigan.. na may kasamang pagkindat.

Kahit pa nga may pusong babae si MB, iilang beses pa lang siya nagsuot ng damit na pangbabae at kapag galaan o anumang normal na okasyon ay naka tshirt at  shorts ang pormahan niya.

"Let's go MB, ipapakilala ka namin kay Thylane she's the birthday girl and the organizer of the party"

Pagkapasok niya sa loob kitang-kitang niya ang mga imbitado na mukhang puro estudyante at  mayayaman. Kakapasok pa lamang nila ng agad na may lumapit na babaeng maganda at sexy.

A Flower Under The Rainbow Where stories live. Discover now