Chapter 16- Piece of Crap

139 7 3
                                    

A/N: Hi! Sorry sa late update. Busy po kase ehh.. Pero sana magustuhan niyo ito.. Enjoy Reading:)

"Sa isang araw na alis mo. Naayos mo na ba yung mga gamit mo?" Tanong niya kay MB habang nakasakay sila sa sasakyan pauwi. Lahat ng mga kasama nila ay tulog maliban na lang sa kanilang tatlo nila MB at Ced.

"Oo mahirap na baka may mga maiwanan akong importante kaya habang mas maaga inayos ko na mga gamit ko".

"Buti naman. Anong oras flight mo? Daanan niyo ako dito gusto ko sumama sa paghatid sayo." Tanong niya dito

"Wag na.. baka mag-iyakan lang tayo don nakakahiya." Sabi nito sabay tawa.

"Saka.. baka mas lalo akong mahirapan umalis pag nandon ka."

"Sige... kung yan ang gusto mo" sabi niya habang humihikab.

Napansin naaman ito ni MB kaya sinandal nito ang ulo niya sa bakikat nito saka bumulong. "Pahinga ka muna, gisingin na lang kita pag nasa bahay niyo na tayo". Sabi sa kanya nito saka siya hinalikan sa noo. Sa sinabi nito ay unti-unting bumigat ang talukap ng kanyang mata at tuluyan siyang nakatulog.

"Tang-ina Ced! Ano ba?!" Gali na sigaw ni MB kay Ced dahil nagising sila dahil sa biglaang pagpreno nito.

"Beeeeeppppp!! Beeeeepppp!!!" Pagbusina ni Ced dito.

"Meeeeeeeeeeeeee!!!!!!!" Ungol ng kambing na nagulat at napatigil sa pagbusina ni Ced. Lumingon ito sa kanila at kumindat maya-maya ay naglakad muli.

"Gagi!!! Wala na bang ibang daan dito? Kinilabutan ako sa pagkindat non. Baka makasalubong uli natin yun ah. Nasapian yata yun". Sabi ni Ced

"Wala na"

"Alam mo dito rin ako nakakita ng nagmimilagro eh haha" sabi ni MB.

"Bye!" Paalam niya dito pagkarating nila sa bahay. Hinalikan muli siya nito sa noo.

"Bye po kuya MB. Ingat kayo." Sabi ng kapatid niya, lumuhod naman si MB upang yakapin ito.

"Uwi na kami. Pakisabi na lang kay tita na salamat uli sa pagpayag na makasama kita, nagmamadali na si Ced eh medyo malayo-layo pa biyahe namin" Sabi nito bago naglakad papunta sa sasakyan.

*********

"Hello! Iris, Nasa Japan ka di ba?"

"Why?"

"Can you buy me ruby roman grapes and black jumbo watermelon?"

"Why are you looking for that? Where did you know about that? Don't you know how much expensive it is?" Sunod-sunod na tanong nito.

Hindi pa nito alam na buntis siya tanging si Mina at ang mama niya pa lang ang nakaka-alam.

"Tsa. Dami mong tanong, babayaran ko naman eh. Basta ba may malaking discount."

"Why are you so moody right now? You don't need to pay for it. I thought you're generous, you're becoming stingy huh? You even ask for a discount. I didn't know that besides Thylane you also have a thick face."

"Wow! Ha, umeenglish ka na diyan nagpunta ka lang ng Japan. Tsaka bakit parang lalaking-lalaki na ang boses mo? Nawala yung pagiging malambot at maarte."

A Flower Under The Rainbow Where stories live. Discover now