WYFOL: Twenty-Seven

65 1 0
                                    

Typo and grammar's ahead!

..

"were here"

Bumaba na ng sasakyan si Ken, kinarga nya ang dalawa pababa at akmang aalalay pa sya sa akin ng sabihon kong kaya ko ang sarili ko.

May kalakihan ang bahay, maputi ang buhangin at peaceful ang alon. Sa hindi kalayuan ay napansin ko ang isang yatch. Kung siguro lalapit yun dito ay malaki. Kinarga ng kasama namin yung mga gamit, ako ay iniikot ikot ang tingin sa isla.


May shark dito? May balyena? May dolphin?


Gulat rin ako ng makita ng husto ang labas ng bahay, ay grabe. Ang ganda. May dalawang naka park na sasakyan, dalawang itim na range rover. Ibang klase. Yayamanin palibhasa.

May malaking swiming pool sa kabilang side, Unexpected kung sasabihin. Dalawang palapag ang bahay, muka syang modern. May mga naka sabit pang hanging plants. Maraming tanim.

Ng makapasok sa loob, hindi ko inaasahan na ganito pala kalapad. Malaki ang sala, ganon rin ang kusina. Sa itaas, mayroong apat na kwarto, kanya kanya ba kami?

Visitors room, Master's bedroom at ang magkaibang kwarto nina Rein at Travis. Hindi ako aware na malaki pala talaga ang bahay.


May dalawang cottage sa labas, may sementado rin namang daan, kaya hindi ka na mahihirapang magmaneho dala ang sasakyan mo. Pagka labas ko, nakita ko kaagad ang mga anak kong naglalaro sa buhanginan.


Pati ang mga laruan nila ay kumpleto, talagang napagplanuhan ng maayos ni Ken.


"you like it?"

Tanong nya sa gitna ng pag iikot ikot ko. Tumango naman ako at dumiretso sa kusina. Kahoy ang lamesa, malapad at malaki iyon. Sa ibabaw ang ang glass. Yung upuan ay kahoy lang rin, pero may kutson'g naka lapat.


Yung mga stove ate oven ay kumpleto, kung ano mang kusina ng mayayaman ay ganoon in ang kusina namin ngayon.


"gusto ko, pero bakit hindi naging kahoy yung dingding? yung sahig? bakit halos lahat ay simento?" taka kong tanong, ganoon naman kasi ang picture na ipinakita nya sa akin nung nakaraang araw.



"what? hahaha cement? tingnan mo ulit yung dingding at sahig... muka pa ba silang semento?"



Sinunod ko ang sinabi nya. Kinatok ko ang dingding at laking gulat ng hindi matigas iyon, gaya ng semento. Kahoy nga. Pero bakit ngayon ko lang napansin? Kung hindi pa siguro sinabi ni Ken ay hindi ko pa malalalamang gawa sa kahoy pala ang bahay namin?



Bumalik na ako sa kusina, nadatnan ko si Ken na naka upo at nagmumuni-muni. Iling iling akong naglakad patungo sa ref.


Punong puno, ganoon rin sa refregerator. Kung ano anong laman. May isang karton pa ng chocolate, malas nila ako ang kakain nun at hindi sila, kasi baka mabulok yung ngipin nila. May mga chuckie at dutch milk rin, may yakult pa.


Mga frozen meats at goods. At kung ano ano pa. Kasya lang ilang bwan ang laman ng bahay, pwede ka ng hindi mag grocery sa susunod na linggo.


Magluluto ako ng adobo, nagugutom narin ako. D na kasi kami dumaan sa mga restaurant pagka dating na pagkarating namin. Kaming apat nalang ang nandidito.



"private ba tong isla?"


Humarap sya sa akin, at tumango. "yes, for us only"


"d pa.ba nauubos pera mo? magkano lahat ng ginasto mo dito?"



Natawa sya sa mga tanong ko. Napakunot naman ako ng noo. "i don't know, maybe 12 million? 10? 15? Hindi ko na binilang... and, hindi pa ubos ang pera ko I have lots of it, I mean infinite money..."



When you fall out loveWhere stories live. Discover now