WYFOL: Eighteen

69 5 0
                                    


(Warning unedited, wrong grammars and slow update!)

...

Kakagising ko lang mula sa mahimbing na tulog. Kanina pa ako kinukulit ng dalawang bata. Gusto nilang gumawa ako ng sunny-side-up. Wala.naman akong nagawa dahil kanina pa nila ako kinukulit.

"Travis, Rein kakain na" pagtatawag ko.

"maaa! gusto ko nung boiled!" gusto kong sumabog sa inis. Kakaibang bata! Kakatapos ko lang lutuin ang mga sinabi nila tapos ngayon? Mag iinarte pa?


"Kuya, you're so mapili... tingnan mo si mama oh magkadikit na ang kilay!" turo naman sa akin ni Rein.


Ibang klase ang dalawang ito. Inilapag ko ang dalawang plato na may kanin.


"ma soy please..." agad ko namang inabot iyon kay Travis.


"I want ketchup ma.." iniabot ko rin iyon kay Rein.



Bakit gustong gusto nilang lagyan ng mga iyon? Ako kasi diretso na't walang arte pa. Ewan ko ba kung kanino nag mana ang mga ito.


Sumabay ako sa kanilang kumain. Mamaya ay pupunta kami ng park, yun kasi ang minsna routine namin. Pupunta kami sa park tuwing biyernes at linggo.

Nakakalaro nila ang mga kaklase nila. Si Travis ay sumali sa soccer samantalang ang kapatid nya ay volleyball.


"ay hala! D ko nalabhan yung susuotin mo nak!" taranta akong tumayo at hinanap ang tee shirt ni Travis.

Agad ko iying nilabhan at inilagay sa dryer. Siguro ay maya maya. Nakalimutan ko kasi, na busy ako sa laptop.


Kinuha ko ang bag ng dalawa. Inilagay ko ang mga kailangan at gagamitin nila para mamaya. Syempre isa na doon ang, extra tee shirt. Tubig tsaka pulbo narin.



Halos matawa ako ng nakitang may inilagay si Travis sa bag nya. Kahit anong liit ng hawak nya ay kita ko parin iyon. Ayan na naman sya, ipapasikat nya naman ang maliit nyang hot wheels. Bigay yun ni Hirro. Ewan pero halos napuno na ang collection cabinet ni Travis ng mga hot wheels.



Natapos ako sa ginagawa, plinansya ko na rin ang mga susuotin nila. Atsaka ko hinintay si manang Ashana. Sasama sya dahil sya ang nanny ng dalawang anak ko.




"good luck!" hinalikan ko ang pisngi ng dalawa kong anak bago sila pinanood palayo sa akin.




Sa gitna ng pag titingin sa kanila. Hindi ko napansin na naka titig na pala ako sa lalaking naka tayo sa may bandang gate. Naka sulyap ito sa field.




"pamilyar ang lalaking yun... sya hindi ba yung lalaki sa magazine? maam?" Hindi ko nilingon si manang.




Kumunot ang noo ko, KEN?! Anong ginagaw anya dito? Hindi pa ba sya naka uwi?! Bakit sya nandito?




Iniwas ko ang tingin ko ng makitang naglakad sya. Diretso ang lakad nya at alam kong papunta iyon sa amin. Anong kabaliwan ito?





"wife..."




Napalunok ako, nilingon ko ang mga anak ko na papalapit narin sa amin. Tapos na ang game nila.





When you fall out loveWhere stories live. Discover now