WYFOL: Twenty

76 3 0
                                    

(unedited x grammras ahead x slow update, patience needed)
...

"nice hair" nginitian ko lang si Hirro. Pumunta ako sa itaas para tingnan sina Rein at Travis.

Naabutan ko ang mga bata na naghahabulan. Ng makita ako agad silang yumakap sa akin. Pero agad ring lumayo.

"bakit blonde mama? ang pangit"

"why kulot? it doesnt suit you, mommy"

Aba aba, nakakataba ng puso ang mga sinabi nila!

"thank you" umirap ako sa hangin atsaka kinarga silang pareho. "pupunta tayo sa orange farm ni Lolo gusto nyo yun?"

Parehong tumili ang dalawa. Tumango lang ako at binihisan sila. Medyo nag ke-crave ako ng orange ngayon, at naubos ang stocks namin ng prutas dito nung isang linggo pa.

"woooowwww"

Parang ngayon lang naka punta ang mga anak ko dito. Eh, linggo linggo naman ang bisita namin.

"lolo!"

Magkasabay na sabi nila at patakbong lumapit kay papa. Yep, andito sila ngayon kasama namin medyo malayo ngalang. Pero hindi rin naman sila mag tatagal dito, uuwi rin sila ng pilipinas. May kung anong reunion lang ang naganap dito kaya sila nandidito.

May biniling farm sina papa at mama dito, sa susunod na linggo ay sasama kami sa kanila pauwi ng pilipinas.

"kamusta po?" nagmano kaming tatlo sa kanila. Agad naman nilang kinarga ang dalawang apo.

"oh mabuti't nakadalaw ka Jade, si kuya Trevor mo pupunta sana dito ang kaso, busy pa sila" tumango tango lang ako atsaka sinundan silang pumasok ng bahay.

Umupo ako kaharap ang maraming prutas. Fresh from the farm. Kumuha ako ng ubas at tinikman iyon, matamis na medyo maasim.

"daddylo! nakita na po namin si dada!!"

Gulat akong napalingon sa dalawa, ano daw? Sure ba sila dyan?


"talaga? Anong itsura ni dada? gwapo ba? matangkad? Is he rich--"

"pa" suway ko. Aba ibang klaseng mga tanong.


Tumawa lang naman sila. Ano ba kasi yan!!


"yes po! he's tall, tall pa po sa iyo daddylo! Then, he's handsome like kuya Travis, and i think hes soooo rich!" ang bunganga ni Rein kung ano ano lang lumalabas.

Hindi ba't kakagaling lang ng sakit ang batang ito kagabi? Baka mabinat, ano ba kasing katarantaduhan ang pumasok sa isip ni Ken at nagpaulan kasama ang mga anak ko.


"you want to meet him, po?" nagaabang ng sagot ang dalawa sa kanilang lolo.

Kung ako yan, siguro hindi ang sasabihin ko. Ewan ko rin kung aning rason.


"hmm, let's see daddylo's schedule, bak may free time pa ako to meet him" natawa ang dalawang bata, lumapit sila sa akin at hinila ang suot kong sundress.


"ma! ma! gusto ko ng orange" mukang tuta ang dalawa ng sabihin iyon, ang liliit ng mga kamay pero ang hahaba na ng daliri.


Walang namana sa akin ang dalawa, hindi naman mataas ang daliri ko, maputi nga't mataba tapos maliit. Oh diba, para tuloy bata ang kamay ko. Pero hindi yung sobrang taba ha. Yung normal kumbaga. Basta yun, maganda sya tingnan.


"pumitas labg kayo kahit umabot ng isang sako, Jade anak" natawa ako sa sinabi nila bago sinamahan ang mga anak ko sa labas.


Nagdala ang dalawa ng kanya kanyang basket. Yung baskte na may gulong. Para hihila-hilain nalang nila at hindi kakargahin dahil alam kong bibigat iyon kapag nalagyan na ng laman.



"ma! ma! can you pick that big one for me?" sinundan ko ng tingin ang tinuturo ni Rein. Pinitas ko ang dalawa, ibinigay ko kay Rein ang isa naman ay kay Travis. Pero mukang seryoso sya sa pagpili ng mga prutas kung kaya't hindi nya tinanggap ang ibinigay ko.


"hmm, this... mukang mabubulok na, so nope" ang attitude kahit sa prutas. Hay nako.


"excuse me mister your blocking my way!" nilingon ko si Travis ng marinig ko ang boses nyang mukang pikon.

Nilapitan ko naman sya at gulat na gulat ng makita ang pamilyar na likuran ng lalaki. Imposibleng nandidito sya, diba?

Kung sya man ito, anong ginagawa nya dito? Kukunin nya ba sa akin ang mga anak ko? Ilalayo nya ba sa akin?


"daddy?" agad na nangunot ang noo ko, ganon naba sila kaagad kapamilyar sa ama nila?

Hindi pa halos mag iisang araw silang magka kilala ah? Alam na agad nila na sya ang.daddy nila, pero bakit ganon?


Ibang klaseng mindset naman yata ang mayroon sa kanila.


Unting unti, humarap angmatangkad na lalaki sa amin. At totoo nga! Si Ken! Bakit sya nandidito? Anong ginagawa nya dito?

Wag nyang sabihing makikipitas rin sya ng mga prutas? Kasama namin? Hindi ba madami syang trabaho? Bakit sya nandidito??


Nameywang ako sa harap nya, "anong tadhana ito? bakut ka nandito?"

Natawa sya pero agad din iyong nawala dahil.napalitan na naman ng seryosong expresyon.


"I'm here for them, gusto kong bumawi as thier father. Ilang taon ang na missed ko dahil sa pag alis mo, wife"


Dumaan ang galit sa pareho naming muka. "wag na wag mo akong tatawaging wife, hindi mo na ako asawa!"

At ano? nandito sya para bumawi? Sa mga anak namin? Edi bumawi sya.


"you don't know all of it, marami kapang d alam... so please will you let ne na bumawi sa kanila? kahit ngayong week lang?"


Matagal ko ng pinagiisipan ito, matagal na itong bumabagabag sa akin. Paano kung babik si Ken? bibigyan kopa ba sya ng chance? para bumawi?


Siguro oo?, kasi tama naman sya. Sya parin ang ama,may karapatan parin sya. At ilang taon syang wala, siguro kailangan nyang bumawi?

Siguro hindi? Kasi wala narin namang mangyayari dahil ikakasal na sya at magkakpamilya na sya. Kaya wala na dapat syang paki alam sa amin?

Pero bakit sya nandito? Kasi gusto nyang bumawi sa mga anak nya yun ang rason nya, isang good reason para sa akin. Pero, hayyy.



When you fall out loveWhere stories live. Discover now