WYFOL: Thirteen

67 2 1
                                    


(WARNING: Unedited and wrong grammars ahead!)

...

Nasa kalagitnaas kami ng pagmamaneho ng may mapansin ko sa daan. Pinanliitan ko po ng maayos ang mga mata ko habang naka tanaw sa labas.

"Ken... ihinto mo nga" maiin kong sabi. Nagtataka man ay sinunod nya parin. Bumaba ako ng sasakyan, at walang pasabing tumakbo sa lalaki.

"h-hoy! Teka teka!" mukang narinig naman iyon ng lalaki pero imbis na huminto at lumingon sa akin, tumakbo pa ito. Palayo.


Pangamba ang mababakas sa muka ko habang pinapahinto ang lalaking iyon! Sya yung lalaki! Tama! Tama!

Narinig ko ang sigaw ni Ken sa akin pero hindi ko iyon pinansin, naka tutok lang ang atensyon ko sa lalaking tumatakbo na palayo.

Hindi sya pwedeng maka wala. Bumabalik na ng buo ang ala-ala ko. At isa ang lalaking iyon sa mga bumabalik.


"bwisit! Teka! Hoy!" halos mapaos ako kakasigaw sa lalaki. Hindi sya pwedeng makawala. Sya yung kasama ni Ariel. Yung lalaking sinasabi nyang asawa nya. Aiishh!




Tumigil ako sa pag takbo at tumingin sa likuran ko. Nakita kong bumaba si Ken ng sasakyan nya, naka sunod pala sya sa akin. Agad ko syang pinigilan.


"wag ka ng bumaba, ipagmaneho mo ako hanggang sa mahabol natin yung gagong yun!" inis kong saad. Tumango lang sya.


Mabuti't hindi na umaangal si Ken. Kailangan nya akong sundin, dahil anak namin ang nakasalalay dito.



Nakita kong pumasok sa may eskinita ang lalaki. Lagot na! Hindi mag kakasya ang sasakyan sa liit ng eskinitang iyon.


Agad na naman akong bumaba, napapagod na ako. Sumasakit na ang mga paa ko, nawawalan narin ako ng boses dahil sa kaka sigaw ko. Pero kaipangan kong mahabol ang lalaking yon!



Pumasok sya sa may kaliitang bahay. Natulala naman ako. May karga karga syang dalawang bata. Ha?



Umiling iling pa ako. Pumasok ako ng walang paalam, lakas loob kong pinasok ang bahay nya.


"ikaw!" turo ko. Gulat na gulat syang humarap sa akin. Ng humarap sya sa akin, humarap rin ang mga karga karga nyang bata. Nagulat ako ng makitang hindi iyon sina Travis at Rein. Pero nasisiguro kong sya ang asawa ni Ariel.




"nasaan ng mga anak ko?" mahinahon kong tanong. Ngunit hindi man lang sya sumagot.

"hindi ko alam ang sinasabi mo misis.." nangunot ang noo ko. Paano nya namang nalaman na may asawa na ako? Imposible talaga ang lalaking ito!



"inuulit ko, nasan ang kambal ko?" nagsisimula ng uminit ang ulo ko.


"wife" hindi ko pinansin si Ken sa likuran ko. Matalim kong tiningnan ko ang lalaki.



Nakita kong mahigpit nyang hinawakan ang dalawang bata sa mga bisig nya. Hmm.. Sorry lird pero kailangan ko itong gawin, para sa mga anak ko naman ito.



Mabilis kong nahablot ang isa sa mga bata. Iyong isa ay nahulog pa, kaya napapikit ako. Hindi ko sinasadya yon. Nakuha ko ang lalaki. Pasensya na hijo at ginawa kitang pa'in.





Nag aalala ang muka naming tatlo ng umiyak ang nahulog na bata sa sahig. Alam kong nabagok ang pwetan nito, at masakit iyon. Dahil, simento ang sahig.




"i-ibalik mo sa akin ang a-anak ko.." alam kong nagagalit na sa akin ang lalaki. Ah, anak nya pala ang dalawang ito? Hindi halata.



When you fall out loveWhere stories live. Discover now