Chapter 43: Poisonous Love

36K 2.1K 382
                                    

"I used to be Diavlo's master, and he was my pet."

Nahirapan akong lunukin 'yong sinabi ni Olivia. Dati rin siyang master tulad ko? At si Diavlo ang pet niya noon parang si Train at ako?

Nakinig ako habang isinasalaysay niya ang nakaraan.

"Kasing edad mo rin ako noon no'ng una kong makilala si Diavlo. Ngunit hindi tulad ni Train, walang muwang sa mundo si Diavlo," kwento ni Olivia. "Malaki na siya pero para siyang bagong silang na sanggol. Ni hindi man lang siya marunong magsalita."

✦✧✦

OLIVIA

Seventeen years ago, isa ako sa mga nature conservationists na nagvo-volunteer sa pag-aalaga ng gubat. Naging masungit ang panahon no'ng bumisita kami. Bumagyo nang malakas na siyang nagdulot ng matinding landslide.

Nasaksihan mismo ng mga mata ko ang pagkamatay ng mga kasamahan ko. Nalunod sila sa baha, nilamon ng lupa, at ang iba ay nabagsakan ng mga puno. Hindi ito naging madali, lalo na't labing-walong taong gulang pa lang ako noon.

Ako lang ang natirang buhay, at kinailangan kong gumawa ng paraan para mabuhay. Habang nag-iikot ay napadpad akong mag-isa sa isang kuweba, sa kuweba kung saan namin kayo natagpuan.

Habang basang-basa sa ulan at giniginaw ay tumahan muna ako doon para magpalipas ng bagyo. Hindi ko inakalang tatagal ito nang isang buong linggo. Nahirapan akong makatulog noong mga panahong iyon dahil na-trauma ako sa mga nangyari sa mga kasamahan ko. Halos mabaliw ako noon at hindi nakakatulong ang masamang panahon.

Sa unang gabi na naglagi ako doon ay may kakaiba akong naramdaman, para bang may nagmamasid sa'kin. Sa takot ay kumuha ako ng isang sanga pang-depensa. Kapit-kapit ko ito habang yakap-yakap ang sarili ko.

Bumungad sa akin ang isang malaking lalaki na may hawak na mga prutas—si Diavlo. Hindi siya marunong magsalita dahil doon na siya sa kuweba lumaking mag-isa. At dahil hindi siya marunong makipag-interaksyon sa mga tao, bigla niyang isinungab sa bibig ko ang mga dala-dala niyang prutas. Doon ko napagtanto na wala siyang alam kung paano makipag-usap.

Sa sobrang gutom ay kinain ko ang mga dala niyang pagkain. Bigla niya rin akong hinatak para ipakita ang isang malinis na sapa kung saan maaaring inumin ang tubig. Sa tulong ni Diavlo ay nagawa kong mabuhay sa kuweba habang bumabagyo.

Sa loob ng isang linggong iyon ay tinuruan ko rin siya kung paano magsalita. Natutuwa ako dahil para talaga siyang bata kahit na malaki ang kaniyang katawan. Sa sobrang bait niya ay nahulog ang kalooban ko sa kaniya. Kahit tumila na ang bagyo ay nanatili pa rin ako sa gubat kasama niya.

Natutunan ko ang mga bagay-bagay kung paano maka-survive sa gubat mula sa kaniya, kung paano gumawa ng mga kagamitan mula sa mga punongkahoy, kung paano depensahan ang sarili sa mga hayop, at kung paano ang pasikot-sikot sa buong gubat.

'Yong isang linggong pananatali sa gubat ay naging isang taon. Hindi nagtagal ay nahulog na kami para sa isa't isa. Dalawa lang kami sa gubat—isang lalake at isang babae, kaya natukso rin kami sa katawan ng isa't isa. Kahit saan sa gubat ay hindi namin mapigilang makipagtalik sa isa't isa. Bawat sulok ay pinagtalikan namin. Sa may tabi ng lawa, sa loob ng kuweba, sa ilalim ng puno...

"Wait lang, Mama! Gets ko na! Hindi mo na kailangang idetalye ang sex life niyo," sumingit bigla si Raven.

Natawa lang ako nang mahina at pinagpatuloy ang kwento ko.

Ngunit may nagbago bigla kay Diavlo. Ang mga pagtatalik namin ay nagbunga ng pagiging mapag-angkin niya sa'kin. He became obsessive and too possessive over me. Kapag gusto kong mapag-isa ay nagagalit siya sa'kin at pinag-aawayan namin. Ayaw niya rin kapag minsang nababanggit ko na bumalik na kami sa sibilisasyon.

Our relationship became toxic. It was unhealthy—no, it was poisonous. Kapag nagagalit siya ay hindi niya ito nakokontrol at sinasaktan niya ako. Isang beses ay hindi ko na kaya ang pagbubuhat niya sa'kin ng kamay. Sinubukan kong tumakas ngunit kinulong niya ako sa kuweba at itinali tulad ng ginawa niya sa inyo. Inabuso niya ang katawan ko habang naroon.

Nawasak ang mga alaala kong masasaya kasama niya. Isang masamang Diavlo ang umusbong mula sa pagmamahalan naming dalawa. Para makatakas, kinailangan ko siyang akitin at lokohin. Nang ibaba niya ang mga depensa niya ay doon na ako nagtatatakbo palayo.

Mabilis siya at malakas ang pang-amoy, ngunit ginamit ko ang talino ko at ang mga natutunan ko sa kaniyang pasikot-sikot sa gubat upang makatakas.

Nang malapit na ako sa kabihasnan ay nawalan na ako ng lakas. Doon na ako natagpuan ng tatay mo, Raven. Hubo't hubad, bugbog-sarado, at sugatan.

Nakita kong walang tigil ang pag-iyak ni Raven habang nakikinig sa istorya ko.

"Mama, patawad. I had no idea that you went through so much pain." Niyakap niya ako nang mahigpit. "Mula sa pagkamatay ng mga kaibigan mo, hanggang sa ginawang kababuyan ni Diavlo."

Hinimas ko ang likuran ni Raven para pakalmahin ang paghagulgol niya. "Ang mga ganoong klaseng sugat ay iyong tipong hindi naghihilom. It's not true that time heals. May mga bagay na nananatiling malalaking sugat sa pagkatao mo."

Inangat ko ang mukha ni Raven at pinahiran ang mga luha niya. "Pero ginamit ko ang mga sugat na iyon bilang lakas. Ang mga kaalaman sa pasikot-sikot ng gubat ay ginamit ko upang itayo ang komunidad ng Alab-Lawin. It's the only good thing that I received from Diavlo."

"Pero Mama, may mga pakpak si Diavlo. Ibig sabihin ba noon ay mahal ka pa rin niya?" inosenteng tanong ni Raven.

Ngumiti ako sa kaniya at sinabing, "No. Diavlo is in love with himself. His big wings came from his own narcissistic selfishness."

Nakita kong tila nanginig sa takot si Raven sa sinabi kong iyon. Hinarap ko ang mukha niya sa'kin at sinabi sa kaniya ang mga masasakit na salitang kailangan niyang malaman.

"Monsters are poisonous, Raven. And that's why Train is not good for you."

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now