Chapter 25: Oh, Baby Deer

48.1K 2.5K 199
                                    

Leaves were rustling. A female deer has lost its way in the forest. It sensed fear as lightning struck the skies above it. The deer started to wail, desperately crying for help. Branches were wildly swaying against each other as the poor animal ran, its final breath gasping for hope.

A slashing sound was heard, and the prey was cut in half. Its legs were still moving in vain as a monster walked into the scene and took a piece of its meat.

He swallowed a mouthful. "Puweh! This tastes like shit!" He started to spit every bit and puked in disgust. "This is harder than I thought."


✦✧✦

RAVEN

I found myself doodling Train's face all over my notebook during class. Hindi ko namalayang nilalagyan ko na rin ng mga puso sa paligid. Dali-dali kong inekisan ang mga ito at pinatungan ang mga guhit ko ng maraming linya. "Wala na 'kong pakialam kahit masayang 'yong ink! Mabura ka lang sa isip ko!" I wailed. "You... You monster!"

"Miss Davis?" gulat akong tinawag ng teacher namin. "Are you calling me a monster?"

Tumawa ang buong klase. Hay nako, Train. Kahit wala ka sa eksena, sinisira mo pa rin ang buhay ko.

Wala akong ganang kumain. Hindi ako nagpapakita kina Jasmine noong lunch break. Hindi ako sumasagot sa mga text at tawag.

Hindi rin ako umuwi agad sa bahay. Dumaan muna ako sa may ilog na medyo malayo sa kabihasnan. Umupo ako sa damuhan at nagnilay-nilay.

Ang bigat pa rin ng loob ko. Ganito ba talaga ang feeling na ma-reject ka? O mas masakit, kasi pinaasa ka? Pinaasa ka nga ba, o ikaw lang ang nagkusang umasa? 'Yon ang masakit. Hindi mo kasi matukoy kung alin.

I started crying. Huh? Medyo nagulat ako dahil may naririnig din akong umiiyak kasabay ko. Tumingin ako sa paligid. Wala naman, weird.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pag-iyak ko nang biglang may narinig na naman akong umiiyak.

"Shit, nakakatakot. Ano 'to? Conjuring?"

Tumayo ako at sinundan kung saan nanggagaling ang pag-iyak. Pagtingin ko sa may talahiban, may maliit na batang usa na umiiyak.

"Aw! You're so cute!" aniko.

Nanghihina siya, hindi pa ata 'to kumakain.

"Nasan ang nanay mo? Kinuha ka ba ng pagkain?"

Umiiyak pa rin ito. Naku, kanina pa siguro 'to hindi binabalikan ng nanay niya. "'Wag ka nang matakot, baby. Hahanapin natin si Mommy, okay?"

Kinarga ko ang nanghihinang hayop at dumiretso sa gubat. Dito siguro nagpunta ang nanay niya.

***

Wala pang tatlumpung minuto ay nawawala na agad ako.

"Nakakalito naman 'tong gubat na to'!" I sighed out my frustration.

Ano ba 'tong pinasok ko? Masiyado kasi akong nagbibida-bidahan! Habang naglalakad ay bigla akong may natapakan. Pagtingin ko, isa itong malaking buto. May kasama pang kaunting laman ng katawan at buo pa ang ulo. Ulo ng isang usa.

"Ah!" takot kong hiyaw. Tumalon ang batang usa mula sa braso ko at inamoy 'yong bangkay. Narinig ko ang pag-ungol niya.

Siya siguro 'yong nanay niya. Kaya pala hindi na siya nabalikan. Kawawa naman.

I heard the creaking of a branch. "A-Ano 'yon?"

Biglang tumayo nang tuwid ang batang usa at tumakbo palayo nang takot na takot, para bang may nilalayuan siya. "Wait, baby!" I walked forward.

Mga ilang metro lang mula sa akin ay may malaking puno na may kuwebang gawa sa mga ugat na umangat at nagkahiwa-hiwalay.

May narinig akong humihilik. Pagsilip ko sa loob ng maliit na kuweba, may nakita akong hugis ng natutulog. Isa na naman bang usa? Nang luminaw na ang aking paningin ay biglang bumigat ang dibdib ko.

It wasn't a deer—a monster is taking refuge underneath this tree.

"Train..."

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now