Chapter 42: Save Our Souls

35.5K 2.2K 239
                                    

✦✧✦

RAVEN

Isa lang ang naiisip kong paraan kung paano ako maililigtas ni Train. Hindi niya mahahanap ang mga bakas ni Diavlo dahil lumipad siya papunta rito. All I can rely on is Train's sense of smell.

Blood. Naalala ko 'yong plano ni Drey noong sinagip namin si Train mula sa Alab-Lawin. Kinailangan namin ng maraming dugo ko para ma-trace niya kung nasaan ako. I need lots of my blood.

Matibay na lubid ang pinantali ni Diavlo sa'min. Ikiniskis ko nang ikiniskis maigi ang aking pulso sa magaspang na lubid hanggang magsugat ito. Tiniis ko 'yong hapdi. Halos magkulay lila na ang kamay ko sa kakakiskis. Matapos ang ilang minuto ay may tumulo na ring dugo. May ilang luha na ring nakakatakas mula sa mga mata ko dahil sa sobrang hapdi. But I have to keep going.

Ganito lang ang ginawa ko maghapon. Nagmanhid na ang kamay ko at namumutla na rin ako sa dami ng dugong nawala sa'kin. I hope the scent of my blood reaches you, Train.

There's no sense of time inside this cave. Hindi namin nakikita ang sikat ng araw kaya hindi namin alam kung gabi pa rin ba o umaga na. Wala rin kaming ideya kung ilang oras na ba ang nakalipas. Every second feels like a minute, and every minute feels like eternity.

Nagpatuloy lang ako sa pagkiskis ng pulso ko sa lubid nang bigla kaming nakarinig ng mga yabag.

I braced myself, hinanda ko na ang sarili ko sa pagbabalik ni Diavlo at sa kung anumang balak niyang masama. I readied myself for the worst.

Pero pagdilat ng mga mata ko, hindi ako handa sa nakita ko. Hindi ito si Diavlo, at hindi rin si Train. Ang nasa harapan ko ay isang taong matagal nang pamilyar sa'kin.

"M-Mama?" I said nervously. Sinakop ng takot ang buong katawan ko. Nabanggit ni Train na ang stepmom ko ang pinuno ng Alab-Lawin. Bakit siya narito sa kuweba?

"Kumusta, anak? Nakakakain ka ba nang maayos?"

"M-Mama? Kakampi po ba kayo ni Diavlo?" nanginginig ang boses ko.

Ngumiti lang si Olivia—ang kinilala kong nanay, at naglakad palapit sa'kin. I shut my eyes tight, not knowing what she's going to do. Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko.

Hindi ako makapaniwala sa sumunod na nangyari. Naramdaman kong lumuwag ang tali sa mga kamay ko. Pagdilat ko, nakita kong pinakawalan niya na ako, at isa-isa niya na ring tinutulungan ang iba pang mga biktima kasama ko.

Natumba ako sa sahig dahil sa rami nang dugong nawala sa akin. Nang makaipon na ako ng lakas ay tinulungan ko na si Olivia na tanggalin ang tali ng mga natirang biktima.

Nang makawala sa pagkakatali, isa sa mga babae ay nagmadaling tumakas.

"'Wag kang magkakamaling tumakbo!" biglang hiyaw ni Olivia. "Kapag diyan ka dumaan, mahuhuli ka ni Diavlo at baka paslangin ka niya agad-adad."

Natakot naman bigla 'yong babae at tumigil siya sa pagtakas. Napaluhod na lamang siya sa sahig at panay iyak.

"M-Mama? Bakit niyo po kami nililigtas?" tanong ko kay Olivia.

She looked at me and said, "Hindi ito ang tamang lugar para magkwentuhan. Kung gusto niyo pang mabuhay, sumunod kayo sa'kin."

Should I trust her? Dapat ba akong sumunod sa sinasabi niya? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay wala kaming ibang choice. Tama si Olivia. Kapag basta-basta lang kami tumakbo palabas sa gubat ay mahahanap agad kami ni Diavlo at lalo itong magagalit.

Huminga ako nang malalim at tumango. "Sige po, magtitiwala ako. Tulungan niyo po kaming makatakas dito."

Sinundan namin si Olivia. Ang ilan sa mga biktima ay hindi na makalakad kaya inalalayan namin sila. Bawat segundong lumilipas, kinakabahan ako na baka biglang bumalik si Diavlo.

Pagkarating namin sa bungad ng kweba, nakita namin ang ilan sa mga miyembro ng Alab-Lawin. They are riding makeshift wagons made of forestwood. Sumakay kami sa mga iyon at sumama sa kanila.

Nakarating kami sa panibagong komunidad na nilipatan ng mga Alab-Lawin. Ibang parte na ito ng gubat, ngunit ang mga bahay ay kahawig rin ng dating komunidad nila na nilusob namin noon.

Pinagtimpla ako ng tsaa ni Olivia at nag-usap kami. "Mama, naghihintay si Papa sa bahay para sa'yo," banggit ko sa kaniya.

"Your dad is a good guy. He's too good for me," she answered with a sad look in her eyes.

"Bakit po ba kayo umalis ng bahay? Ano po ang kinalaman niyo sa Alab-Lawin?"

"Come to my room tonight, Raven. Ikukwento ko sa'yo ang lahat-lahat."

Pagkarating ng gabi, pinakain nila kami ng masasarap na pagkain. May nakatoka rin silang mga manggagamot na tumulong pagalingin ang mga biktimang nakasama ko sa kweba.

Nang matapos ang hapunan, pinuntahan ko na si Olivia sa kwarto niya. Nakita ko na naka-bathrobe lang siya. Niluwagan niya ito at ipinakita sa'kin ang maraming sugat na nagpeklat sa kaniyang likuran.

Napatakip ako ng bibig sa gulat. Mukhang malalalim ang mga ito. "S-Sino po ang may gawa po niyan sa inyo?"

Isinuot niya na muli ang kaniyang saplot at niyaya akong umupo sa kama. I can sense a mix of fear and resentment in her eyes.

"Si Diavlo ang may gawa nito sa'kin..."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, ngunit mas lalo akong nagulat sa kasunod niyang sinabi.

"I used to be Diavlo's master, and he was my pet."

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon