Chapter 5: A promise?

13.4K 229 6
                                    

(The picture above is Mrs. Kate Yonna Clemente - Yoo)


Fracheska's POV

Andito ako ngayon sa hospital. Binabantayan si Kate..

    It was supposed to be my surprise for her. Susurpresahin ko sana siya sa pagbisita kong 'yon. But it was me who was surprised.

When I opened the door, I saw Kenneth punching her like a punching bag and what broke my heart was that picture of her, lying unconciously on the floor, hopeless. Then it hit me. I pushed Ken and rushed her to the hospital.

    She really don't deserve this. She's indeed a sweet and caring girl. She's unique. I was excited to see her. To see her smiles. Pero ang nadatnan ko, was the Kate na hopeless, na walang laban, na parang dying is the only thing that would fix everything.

                It has been three days pero hindi pa rin siya gumigising. The doctors said na over fatigue and dahil din sa bugbog kaya kailangan ng katawan niya ng pahinga.

I called her secretary to say na mag le leave siya for one month and okay naman daw 'yun. At frist, nagtaka ako, na bakit okay agad - agad to think na mabigat ang responsibilities niya. And her secretary told me that Kate indeed worked a three months advanced than needed kaya wala pa palang masyadong kailangan aside from meetings and such na pwede akuin ng VP. Kaya pala siya ganito kalanta is because, ang kapalit nung advanced works is walang solid meals and sleep. At nalaman ko rin na ang mga iniiwang works ni Kenneth ay tinatapos niya.

  Naisip ko nga, if I would be a man, I would choose Kate over and over to be my partner eh. Ganito na talaga from way back. Walang reklamo, palihim na tutulong. 'Yung kahit awayin mo siya, ngingitian ka lang niya.

   Kaya nga walang may alam na nasa hospital siya eh. I told Titas and Titos na I'm with her kaya magbobonding lang kami.

Even Kenneth. I still haven't confronted him yet. Saka na siguro. Baka may masabi pa ako sa pinsan kong 'yon. Yeah, he's my cousin.

    If he only knew the truth, maybe he would really regret doing this to Kate.

"Uhh..Uhmm" mahinang ungol ni Kate kaya napalingon ako sa kanya.

     Kasabay non ay ang unti - unting pagbukas niya ng kanyang mga mata.

    "Kate.. Are you okay? Anong masakit? Tell me! Tatawagin ko lang ang doctor" natatarantang sabi ko at akmang tatayo na sana when she stopped me by holding my wrist.

  She chuckled.

"Hey France. Relax. Okay? I'm fine." sabi niya and smiled. Her sweet and reassuring smile.

       "Anong relax? Hoy Kate! Ikaw na babae ka! Tama ba namang hayaan mo siyang gawin kang punching bag? Ha?" sunud - sunod kong sabi pero yumuko lang siya.

  "Aww. It's okay France. I'm still alive, diba? Kaya it's still okay." sabi niya at mahihimigan ng lungkot. Haay.

    Kaya hindi ko ito pinaalam sa iba eh, kasi alam kong ayaw niyang masira ang tingin ng iba kay Kenneth and ayaw niyang kaawaan siya.

"Oo! Buhay ka pa! Sa ngayon! Eh ano bang gusto mo Kate? Na madadatnan nalang kita isang araw na hindi na humihinga? Na dumating ang araw na may magsasabi nalang sakin na wala na ang bestfriend ko?" naiiyak na tanong ko.

   Ngumiti siya pero halata namang maiiyak na din siya.

"France.... Alam mo namang dadating talaga ang araw na 'yon diba? Pero I assure you na medyo matagal pa 'yon. Na at least, not now" maluha - luhang sabi niya.

   Lumapit ako to hug her..

"Kasi ikaw Kate eh! 'Wag mo siyang hayaang ganunin ka! Lumaban ka! O di kaya, ipaalam mo sa kanya ang totoo" sabi ko habang yakap siya.

  Inakap niya ako pabalik at hinimas - himas ang likod ko.

    "No France. Masasaktan lang siya" at umiling siya.

  Kumalas ako sa yakap para tingnan siya.

   "Eh, paano ka?" tanong ko. Ngumiti siya ulit.

    "Tanggap ko na. I accepted it long time ago." at ngumiti siya.

"Haay.. Why is Kenneth so lucky? Bakit hindi mo siya maiwan - iwan, ha?" tanong ko habang umuupo sa upuan ko kanina.

     I guess it's time para magkausap na talaga kami.

    "You already know France. Alam mo kung bakit kahit paulit - ulit niyang ipinararamdam sa akin na isa akong b*tch kahit hindi naman , kahit ilang beses niyang isampal na ayaw niya sa akin, kahit halos patayin na niya ako, nasa tabi niya pa rin ako. Because of that promise. A promise I must say he has forgotten."

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon