ANG PAGBABALIK-LOOB

0 0 0
                                    


Ang lahat ng nangyayari sa
buhay ni Tessie tungkol sa re-
lasyon niya kay Magno at kay
Jovito ay nakakarating kay Je-
remias sa Riyadh sa pamama-
gitan ng voice tape na ipinada-
dala ni Leni sa kanya. Parang
nakapanood si Jeremias ng
bold o sex movies sa dialog ni
Leni sa voice tape. Kumpleto
rikado kung magkuwento at
may dagdag na rin na kung
baga sa pelikula ay rated x.
Lalong nabubuo sa dibdib ni
Jeremias ang galit sa asawa
kung bakit sa kabila ng kan-
yang pagsisikap para mabig-
yan ng magandang kinabuka-
san ang pamilya ay ganito pa
ang iginanti sa kanya. Muling
sinira ng asawa ang mga pa-
ngako nito na magbabago na
siya. Subalit ang pangako ni Tessie ay pangakong napapako.
Gayunpaman, ay patuloy si-
yang nagsikap para sa mga anak na lamang niya at hindi
sa napakahilig niyang asawa.
Dati ay malaki kung magpada-
la siya ng pera sa asawa. Nga-
yon ay kalahati na lang. Baha-
la na ang makating babae kung
papaano ito pagkasiyahin. Pag-
uwi niya ay hihiwalayan na ni-
ya ang asawa. Kukunin niya la-
hat ang anak nito. Sa Antipolo
o sa Pasig siya titira. Aalis na siya sa Boni Avenue. Para sa kanya ay malas ang lugar na ito sa kanya. Ipapaubaya na ni-
ya sa asawa ang bahay nila di-
to na nabili niya ng murang
halaga ay Romulo na isang Caddie dahil umuwi na ito sa Pangasinan buhat nang mag-
asawa ito ng isang Teacher sa
Binalonan, Pangasinan.

Araw ng Biyernes. Day-off ng
mga OFW sa Riyadh. Nakita ni
Jeremias sa Batha (pasyalan ng
mga OFW sa Riyadh ) ang ka-
bata niyang si Irene na isang
DH sa Riyadh din. Si Irene ay
biyuda ng Tiyuhin ni Jeremias
na si Donato.
" Hindi ko sukat akalain na
nandito ka rin pala sa Riyadh.
Kailan ka pa ba dito? " tanong
ni Jeremias kay Irene.
" Dalawang taon ang kontra-
ta ko at malapit na akong umu-
wi. Ikaw, nakailang taon ka na
dito Jeremias? "
" Pangalawang kontrata ko na ito. Malapit na rin akong
umuwi pero babalik pa rin
ako dito. Walang nangyari sa
unang dalawang taon, nauwi
lang sa utang ang kita ko. "
" Talagang ganoon lang sa una. Pero kung marunong hu-
mawak ng pera ang asawa mo,
siguro yung mga susunod na
kontrata mo ay baka medyo
makaluwag-luwag ka na. "
" Baka pabalik-balik na lang
ako dito sa Saudi. Balak ko ka-
si bumili ng lote sa Pasig at pa-
tatayuan ko na rin ng bahay. "
Hindi lang masabi ni Jere-
mias kay Irene na nagluko ang
asawang si Tessie noong unang
dalawang taon niya sa abroad.
" Okey yun. Ano pa nga't nag-
abroad tayo at nagtiis na mala-
yo sa mga mahal sa buhay na
wala naman palang asenso. "
" Tama iyon Irene. Pero nasa-
sabik na ako sa asawa ko at sa
mga anak ko. "
" Tiis-tiis lang Classmate, ma-
kakaraos din tayo. "
Ang pagkikita nina Jeremias
at Irene ay nasundan pa hang-
ga't nabuo ang isang relasyon.
Nangyari ang hindi dapat mangyari.
" Uncle mo ang naging asawa
ko. Hindi ba bawal itong gina-
gawa natin Jeremias? Kung tu-
tuusin ay pamangkin na rin ki-
ta. Mali ito. "
"Mali na kung mali Irene. Pe-
ro pareho tayong uhaw, pareho
tayong tigang. Kailangang ma-
diligan ang tigang na lupa. "
" Sige na nga. Sabagay, ilang
taon na rin akong biyuda. Ipi-
nangako ko noon sa sarili ko
sa harap ng bangkay ng Uncle
mo na hindi na ako iibig pa.
Pero eto ako na nauuhaw din
sa pagmamahal ng isang lala-
ki at sa pamangkin pa niya. Ka-
salanan ito sa Diyos Jeremias
dahil may asawa ka. "
" May ipagtatapat ako sa iyo
Irene. Ang unang dalawang taon ko dito ay kinaliwa ako ng
asawa ko. Pumatol siya sa iba.
Kaya walang nangyari sa pi-
nagpagalan ko dito sa Saudi
dahil hinuthot ng walang hi-
yang lalaki niya na binatang
taga Bikol. "
" Kawawa ka naman pala.
Ito bang pakikipagrelasyon mo
sa akin ay para ka nang guma-
ganti sa asawa mo o talagang
tinamaan ka sa akin? "
" Tinamaan talaga ako sa iyo
at para na rin akong gumagan-
ti sa asawa ko. Tama ba itong
ginagawa ko at ginagawa na-
ting dalawa Irene? "
" Maling-mali, pero nandi-
yan na iyan, ituloy na natin.
Gusto ko rin naman ito e. "
Kung ilang beses na lihim na
nagtalik sina Jeremias at Irene.
Mabuti na lang at hindi nag-
buntis ang babae.

Araw ng pag-uwi ni Irene sa
Pilipinas. Inihatid siya ni Jere-
mias sa airport.
" Anong binabalak mo pag-
uwi mo sa Pinas Jeremias, "
tanong ni Irene
" Balak kong hiwalayan ang
asawa ko at tayong dalawa na
ang magsama sa probinsiya
natin Irene. "
" Ikaw, payag ako. Natutuhan
na rin kitang mahalin hindi lang dahil sa sex kundi yun ta-
laga ang naramdaman ko sa iyo at hindi ka naman iba sa
asawa kong namayapa, Uncle
mo naman siya di ba? "
" Kapag nagsama na tayo ay
payag ka bang sa atin titira ang lima kong anak? "
" Walang problema. Pero ikaw na lang ang babalik dito dahil walangibang mag-aalaga sa
nag-iisa kong anak at sa mga anak mo. Ituturing ko silang tunay na anak at ganoon ka rin sa anak
kong si Denise. "
" Walang problema. Kahit
ilang beses ako dito sa abroad
hangga't kaya ko ay gagawin ko
alang-alang sa mga anak natin
Irene. "
    Nawala na sa paningin ni Je-
remias ang eroplanong sinak-
yan ni Irene pauwi sa sariling
bansa. Nadama niya na tala-
gang umibig siya kay Irene. Pa-
reho silang 40 anyos na dahil
magkababata sila sa Cagayan.
Hihiwalayan na niya talaga si
Tessie dahil ayon kay Leni ay
nakauwi na raw si Jovito sa
Albay. Ang pera diumano na
ibinibigay ni Tessie sa lalaki
niya ay nakaipon ito ng mala-
king halaga kaya nakabili ito
ng kalabaw sa Bikol. Hindi nai-
balita ni Leni kay Jeremias ang
tungkol sa anak nilang si Mag-
na. Ang huling pagkaalam ni
Leni ay sa Marikina na daw
nakatira ang mag-asawang
umampon kay Magna, ang anak nila ni Magno. Si Magno
ay nakapag-asawa ito ng isang
factory worker sa Pateros.

Lumipas ang isang taon bago
umuwi si Jeremias ay nagpada-
la siya ng voice tape ( hindi pa uso ang celphone noon ) kay
Tessie. Sinabing maghihiwalay
na sila. Tutal wala naman daw
pagbabago ang asawa. Hindi
ito nakukuntento sa isang lala-
ki. Wala na ring mukhang iha-
rap si Tessie. Inaamin naman niyang siya'y marupok. Sex ang kahinaan niya. Nakadala-
wang lalaki siya habang nag-
papakahirap sa trabaho ang asawa sa abroad. Gugustuhin
man ni Jeremias na sila pa rin sa kabila na nadungisan na ni-
ya ang pagkalalaki ng asawa ay ayaw na rin niya. Itinuring ni-
yang isa siyang maruming ba-
bae dahil pumatol siya sa hin-
asawa na alam niyang kasala-
an ito sa Diyos.

     Isang araw ng Linggo ay ni-
yaya ni Sarah na isang Born
Again Christian si Tessie na du-
malo sa kanilang fellowship sa
Pasig. Hindi siya nagdalawang-
isip. Gusto na niyang magbalik-
loob sa Panginoon. May nagawa siyang kasalanan sa Diyos na dapat niyang pagsisihan, ang pakikiapid sa hindi asawa.
    Bago matapos ang panananba-
han na iyon ay nagtawag ang
Pastor na si Dennis. Kung sino
daw ang gustong magbalik-
loob sa Diyos ay inaanyayahan
sa may altar upang manala-
ngin ng panalangin ng pagsisi-
si sa kasalanan at pantanggap
Kay Cristo bilang Diyos, Pangi-
noon at Tagapagligtas ng kan-
yang buhay. Ilang sandali pa
ay natapos ang panalangin sa
pangunguna ni Pastor Dennis.
Ilang sandali pa ay pauwi na
sina Sarah at Tessie. Pakiram-
dam ni Tessie ay parang may
tinik na nabunot sa kanyang
dibdib pagkatapos ng fellow-
ship na yaon. Taos-puso niyang
pinagsisihan ang kanyang ka-
salanan. Kung dumating ang
araw na magkita sila ng asawa
ay hihingi din siya ng kapata-
waran dahil dalawang beses
niyang niloko ang asawa.

JEREMIASWhere stories live. Discover now