KAHINAAN

0 0 0
                                    

     Samantala sa Riyadh, Saudi
Arabia ay nakarating sa kaala-
man ni Jeremias na hindi na-
ging tapat si Tessie sa pangako
nito sa kanya. Hindi pala lingid
sa kapitbahay niyang si Leni ang tungkol sa relasyon nila ni
ni Magno. Si Leni ang nagpapa-
rating kay Jeremias sa voice tape na si Tessie ay may kala-
guyo, si Magno nga. Kaya pala
nang bumakasyon si Jeremias
ay hiningi nito ang complete address ni Jeremias sa Riyadh. May alam na pala ito tungkol sa pagluluko ng asawa noong
unang dalawang taon ni Jere-
mias sa abroad, ang bawal na relasyon kay Magno. Si Leni na isa nang biyuda sa edad na 42
ay may lihim na pagnanasa kay Jeremias. Hindi lang pag-
nanasa kundi ang akala niya ay marami nang pera si Jere-
mias dahil OFW nga ito sa Sau-
di Arabia. Naniniwala si Jere-
mias kay Leni dahil kumare
niya ito at inaakala niyang hin-
di ugali ng kumare ang manira
ng kapwa.

    Isang balak ang nabuo sa isi-
pan ni Jeremias, hihiwalayan
na niya si Tessie pag-uwi niya
pagkagaling sa Saudi. Sa tingin
niya ay wala na sigurong pag-
asang magbago ang asawa. Ka-
lakip na siguro sa katauhan ni-
to ang hindi nakukuntento sa
isang lalaki. Ipinaalam niya ang balak niyang ito kay Leni. Tuwang-tuwa naman ang ku-
mare niya dahil puwede na ni-
yang masolo ang kumpare. Bi-
yuda siya at puwede na silang
magsama ni Jeremias kapag
hiwalay na ito sa asawa. Na-
kikita ni Leni ang pagkakasala
ni Tessie, samantalang naka-
tatlong lalaki na siya buhat nang yumao ang asawang si
Arturo na kasamang nasunog
sa pinapasukan nitong pabrika
ng karton sa Cainta, Rizal ilang
taon na ang nakararaan.

     Samantala ay lalong napa-
palapit ang loob ni Tessie kay
Jovito. Mukhang tinamaan nga
siya sa unang pag-uusap pa la-
mang nila ng maboladas na Bi-
kolano. Madalas na silang nag-
kukuwentuhan tuwing may bi-
nibili ito sa tindahan ni Tessie.
" Alam kong bawal sa mata ng Panginoon na ikaw ay aking
mahalin kahit alam kong may
asawa ka na. Pero anong maga-
gawa ko kung ito talaga ang
nararamdaman ko para sa iyo.
Sa totoo lang, inaamin kong nagkaroon ako ng girlfriend
noong araw sa Bikol. Ngunit
hindi kami nagkatuluyan da-
hil ayaw sa akin ng mayaman
niyang pamilya. "
" Marami namang dalaga di-
yan, bakit ako pa na may pa-
milya na ang pinag-uukulan mo ng sinasabi mong pagma-
mahal. "
" Totoo na maraming dala-
ga sa paligid-ligid, pero hindi
puwedeng turuan ang puso. "
" Gabi na, magsasara na ako.
Bukas na lang uli tayo magku-
wentuhan. Tulog na pati ang
mga anak ko. "
" Sige, sana bigyan mo ako
ng pag-asa Tessie. "
" Wala kang maaasahan sa
akin dahil hindi na ako mala-
ya, pamilyado na ako. Mahal
ko ang aking asawa Jovito. "
" Sige, magpapaalam na ako.
Sana'y huwag kang magsawa
nang pakikipagkuwenruhan
sa akin. "
" Kung kuwentuhan lang ay
walang problema, huwag lang
tungkol sa sinabi mong mahal
mo ako. "

     Sa halos araw-araw na pag-
uusap ng dalawa ay unti-unti
nang nade-develop si Tessie
kay Jovito. Mahal na rin niya
ito. Ngunit kailangan niyang
paglabanan ang damdamin.
Ayaw na niyang magkasala sa
Diyos at sa asawa. Tungkol kay
Magno ay nabalitaan niya na
ang umampon sa anak nilang
si Magna ay lumipat sa Mariki-
na mula sa dati nilang tirahan
sa Taytay, Rizal. May kaya sa
buhay ang mag-asawang Dino
at Myrna, ang umampon kay
Magna. Naniniwala si Tessie na
magiging maganda ang kina-
bukasan ng anak sa piling ng
mga umampon nito. Si Magno
naman ay istambay pa rin. Na-
ikuwento nito sa pinsang si Jo-
vito na madaling makuha si
Tessie. Walang inilihim ang
mapagsamantalang lalaki sa
pinsan. Si Jovito naman ayon
sa kuwento ni Magno ay nabu-
hayan ng loob. May pag-asa pa
pala siya kay Tessie. Patuloy
niyang susuyuin ang babaeng
ito na ang kahinaan ay about
sex. Isang tulog na lang, kanya
na si Tessie.

     At nangyari nga iniisip ni
Jovito dahil nang gabing nag-
usap sila uli ni Tessie ay bumi-
gay na ang babae.
" Pinaligaya mo ako Tessie.
Mamahalin kita nang higit sa
buhay ko. Ang pagkukulang ng
asawa mong nasa abroad ay
ako ang pupuno. "
Ilang sandali pa sa loob mis-
mo ng tahanan ni Jeremias ay
naganap uli ang isa pang kasa-
lanan na hindi nila ito maitata-
go sa mata ng Diyos. At inang-
kin nga ni Jovito ang pagkaba-
bae ni Tessie na tila tigang
na lupa na kailangang madili-
gan upang tumubo ang bawat
binhing maihahasik dito.
" Ito ang una at huli Jovito.
Pinutungan ko na nga ng ipot
ang ulo ng asawa ko dahil sa
relasyon namin ng pinsan mong si Magno, eto, naulit na
naman ang kasalanang naga-
wa ko sa asawa ko at higit sa
lahat, kasalanan sa Diyos. Alam kong sinabi sa iyo lahat
ni Magno ang tungkol sa amin.
Kaya please lang, huwag na na-
ting ulitin ito. "
" Kung hindi na natin ulitin
ito, papaano naman ang seksu-
wal mong pangangailangan? "
" Makapagtitiis ako, kaya ko
sigurong paglabanan ang sari-
li ko, ayaw ko nang magkasala
Jovito. Kasalanan sa Diyos ito. "
" Sa palagay mo ay makapag-
titiis ka? Hindi mo ba mami-
miss ang ginawa nating kani-
na? Di ba nag-enjoy ka naman
sa akin? "
" Oo nga, nag-enjoy nga ako.
Pero mali ito, maling-mali. "
" Sino bang mas magaling sa
aming tatlo, ang asawa mo, ang
pinsan ko o ako? "
" Ewan ko. Basta, huwag na
nating ulitin ito please. "
Tahimik lang si Jovito. Mu-
ling hinaplos ang mahabang
buhok ni Tessie. Hinawi ito pa-
ra mahalikan sa batok ang ba-
bae. Pakiramdam ni Tessie ay
tila may kuryenteng dumaloy
sa buo niyang katawan. Na-
ramdaman ito ng lalaki. Huma-
rap si Tessie. Nakahanda ang
mala-rosas na labi nito. Ilang
sandali pa ay muling naglapat
ang kanilang mga labi. Sumilip
si Tessie sa silid ng mga anak.
Tulog na tulog ang mga ito. La-
long nag-alab ang halikan na
iyon.
At naulit muli ang kasalanan
sa loob mismo ng pamamahay
ni Jeremias na nagbabanat ng
buto sa ibang bansa habang
ang asawa ay muling naglaro
ng apoy dahil sa hindi mapigi-
lang pita ng laman. Si Tessie
ang nakiusap kanina kay Jovi-
to na huwag na silang umulit,
pero eto na naman siya na hin-
di kayang paglabanan ang kan-
yang kahinaan, ang sex. At ini-
sip niya na muli siyang gaga-
mitin ng lalaking ito na tuwing
nagkikita sila ay hindi siya ma-
katanggi sa gusto nitong mang-
yari. Sa kanyang sarili, tumutu-
tol ang kanyang isip dahil alam
niyang kasalanan ito sa Diyos.
Subalit umaayon ang katawan
niya dahil nasa-satisfy siya nang lubos sa bawat pagtatalik
nila ni Jovito.





JEREMIASWhere stories live. Discover now