LUST OF THE FLESH

0 0 0
                                    


    Riyadh, Saudi Arabia. Pinag-
buti ni Jeremias ang pagtatra-
baho bilang bulldozzer opera-
tor sa isang Filipino Construc-
tion Company. Kung mahigpit
ang mga Pilipinong Boss, mas
mahigpit ang mga among Ara-
bo. Puro Pilipino ang contract
workers dito. Gumagawa sila
ng 30 stories building na pag-
aari ng isang negosyanteng
Arabo, si Khad Shallam Amir.
Si Amir ay isa sa mga pinaka-
mayamang Arabo.

    Ang sabi ng isang manunulat
na Amerikano kung isasalin
natin sa wikang Pilipino: Ang
demonyo daw ay wala na sa
impiyerno kundi nasa lupa na.
Sumasang-ayon ako sa manu-
.nulat na ito dahil isang araw
ay may isang binatang umaa-
ligid-ligid kay Tessie, si Magno.
Kagagaling lang nito sa Bikol.
Napunta siya sa Maynila upang
maghanap ng trabaho. Sinubu-
kang umaplay sa isang pabrika
ng tela sa Rosario, Pasig at na-
tanggap naman. Sa spinning
department siya. Walking dis-
tance lamang ang tirahan ni
Magno kina Tessie. Nagkakila-
la ang dalawa nang minsan ay
bumili ng sigarilyo si Magno sa
tindahan ni Tessie. Nakapagpa-
tayo si Tessie ng maliit na tin-
dahan mula sa perang padala
ng asawa na nasa Riyadh. Bu-
hat noon ay naging malapit ang loob ni Tessie kay Magno
palibhasa'y magkasing-edad
lang sila. Ang lalaki naman nang malaman nito na nasa
abroad si Jeremias ay nagka-
roon ng pagnanasa sa babae.
Maganda kasi ang hubog  ng
katawan ni Tessie. Hindi hala-
tang tatlo na ang anak nito kay
Jeremias. Sa mahalay niyang
pag-iisip, si Magno ay inaaka-
lang sabik si Tessie sa maka-
mundong bagay. Inisip niyang
sa edad ni Tessie na 23 lang ay
kailangan niyang may kayakap
sa gabi lalona kapag buwan ng
Disyiembre. Uhaw ito sa sex at
hindi kayang ibigay ng asawa
dahil nasa ibayong dagat. Siya
ang tutugon sa seksuwal na pa-
ngangailangan ni Tessie.

    Sinubukang ligawan ni Mag-
no si Tessie. Mabuladas ito. Ma-
tamis ang dila 'ika nga.
    " Alam mo namang may asa-
wa ako. Kasalanan sa Diyos
kung  papatulan kita. Maliwa-
nag na pagtataksil ito sa kanya
kaya maghanap ka na lang ma-
laya pa, isang dalagang mama-
halin mo nang legal tutal bi-
nata ka naman. "
    " Wala akong pakialam kung
may asawa ka o wala. Ikaw ang gusto ko, Ikaw ang mahal
ko Tessie. "
    Unti-unti nang bumibigay si
Tessie. Matagal pa ang isang taon para ibigay ni Jeremias
ang seksuwal niyang panga-
ngailangan. Nararamdaman
niyang umibig din siya kay  Magno. Bagama't alam niyang
bawal sa mata ng Panginoon
kung bibigay siya kay Magno
ay wala siyang magawa sa ta-
wag ng pita ng laman. Tao lang
siya, marupok pagdating sa
makamundong bagay. Hinawa-
kan ni Magno ang malambot
niyang kamay. Lumingon siya
sa silid ng tatlo niyang anak,
tahimik na ang mga ito. Natiti-
yak niyang tulog na ang mga
ito. Hawak pa rin ni Magno ang
kamay niya. Tila may kuryen-
teng gumagapang sa buo ni-
yang katauhan. Inilapit ng la-
laki ang bibig nito sa mukha ni
Tessie. Hindi alam ng babae
kung bakit hindi niya kayang
tutulan ang ginagawa ng lala-
king ito na nagsasamantala sa
kanyang kahinaan. Ilang san-
dali pa ay magkalapat na ang
kanilang mga labi. Marahan sa
simula ngunit habang tumata-
gal ay lalong umaalab ang pag-
hahalikan ng dalawang taong
ito na naglalaro ng apoy. Big-
lang kumalas si Tessie sa ma-
higpit na pagkakayakap sa
kanya ni Magno. Habol ni Te-
ssie ang hininga nang magka-
hiwalay ang kanilang mga la-
bi ni Magno.
     " Huwag dito Magno. Sa la-
bas kahit bukas ng gabi. "
    " Sige, may alam akong mo-
tel malapit lang dito sa Boni. "
    Pagkaalis ni Magno ay na-
guilty si Tessie sa sarili. Panga-
ko niya sa sarili noon na mag-
papakatag siya habang malayo
siya sa asawa. Subalit hindi ni-
ya kayang tanggihan ang ta-
wag ng pita ng laman. Anong
magagawa niya? Bata pa siya.
Normal na kailangan niya ang
sex. Sa kabilang dako, mali pa
rin siya. Nagkasala siya sa asa-
wa at higit sa lahat ay sa Diyos.
Nasa ibayong dagat ang asawa.
Natiis nitong lumayo sa kanila
ng mga anak para sa kinabuka-
san nila. Pero ano itong ginaga-
wa niya?Hindi ba siya maka-
pagtiis? Isang taon na lang, da-
dating na ang asawa para sila
ay masilayan at pagkatapos ay
balik uli sa Riyadh. Hindi na si-
ya nakatulog. Iniisip niya kung
makikipagkita ba siya kay Mag
no sa motel o hindi. Nanaig ang
pita ng laman. Bahala na si
Batman.

    Alas-5:00 pa lamang ng ha-
pon ay nakapaligo na siya.
Nagwisik ng paboritong paba-
ngo na iniregalo sa kanya ni
Jeremias noong huling kaara-
wan niya. Muli siyang na-guil-
ty sa sarili. Naalaala uli ang
asawa dahil sa regalong paba-
ngo. Alam din niya kung saan
ang motel na sinasabi ni Mag-
no. Nag-usap sila noong nagha-
likan sila nang gabi bago umu-
wi ang lalaki. Nag-usap sila na
sa motel na sila magkikita.

    Nasa loob na sila ng motel.
Naalaala niya ang mga anak na
inihabilin sa Nanay niya. Idina-
hilang may pupuntahan lang
siya sandali kahit dalawang
oras lang.   
    " Alam mo Magno, mali itong
ginagawa natin. May asawa akong tao, nagtitiis ng init at
lamig ang asawa ko sa abroad,
pagkatapos lalagyan ko ng ipot
ang ulo niya ng dahil sa
kalokohang ito. "
    " Teka lang, isang tanong,
isang sagot: mahal mo ba tala-
ga ako o hindi? "
    " Mahal na sa mahal, pero
bawal e, mali, maling-mali. "
    " Siya, tama na. Simulan na
natin. Ano pang hinihintay mo?
    Atubili man si Tessie ay wala
na siyang magagawa. Mas na-
nanaig ang tawag ng pita ng la-
man. Napasubo na siya. Isa pa,
mahal din niya ang lalaking
ito. Love nga ba o lust of the
flesh ang nararamdaman niya
sa lalaking ito? Mga ilang san-
dali pa ay nairaos ng dalawa
ang bawal na pag-ibig, hindi
lang isang beses kundi nakada-
lawa pa.
    " Love, may problema nga
pala ako. "
    " Anong problema Magno? "
    " Yung lupa kasi ng Tatay ko
sa Bikol ay nakasanla. Isang
linggo na lang ay mareremata
na. Kaya baka pwedeng maka-
hiram sa iyo kahit limang libo
at maipadala ko sa Tatay ko. "
    " Wala akong ganyang kala-
king pera. Pero baka magpada-
la ang asawa ko this week. "
    " Sige, aasahan ko iyan a. "
    Ilang minuto pa ay lumabas
na ang dalawa sa motel na yaon. Nilingon ni Tessie ang
lugar na kung saan ay nakaga-
wa sila ng kasalanan sa Diyos.
Hindi nga alam ng ibang tao at
lalona kay Jeremias ay hindi
naman sila makapagtatago sa
Diyos na nakakaalam ng lahat
ng bagay.


   

JEREMIASWhere stories live. Discover now