Thirty seven

149 4 3
                                    

Agnes' POV

After our exams, may schedule kami ng band practice para sa upcoming alumni party ng school. First time namin ma-invite sa ganung kalaking party kaya nag hahanda kami.

"Do you guys want to sing a new song?" Tanong ni Migs.

"Uy gusto ko yan. Never pa ako nakakapag compose ng new song" Sagot ni Andrew

"That's not a bad idea. Since this is our first performance as a 9 piece band for a very very large crowd, let's make it special" Keifer

"Medyo risky lang sya guys ha kasi madami tayong aayusin" Pao

"Sus kaya natin yan tayo pa ba?" Jam

"Oh since mukhang madami dami tayong gagawin, gusto nyo kumain muna?" Tanong ko. Nagugutom na rin kasi ako.

"I think tama. Nagutom din ako lalo na pigang piga utak ko kanina" Pat

"So saan tayo kakain?" Tanong ni Toni

"I know a food park near here. Kakabukas lang nila. You guys want to try it?" Poch

Lahat naman kami nag agree at sabay sabay pumunta sa food park na sinasabi ni Poch. Walking distance lang naman sya from our school so nag lakad na lang kami nang sabay sabay.

"Uy palit tayo dito ka sa kabilang side." Hinila ko si Pat papunta sa left side ko para hindi nya katabi yung daan. "Delikado dyan baka mapano ka pa"

"Respeto sa single please" asar ni Andrew na nasa harapan namin habang nag lalakad kami

"Ha eh paano ikaw? Hindi pwede" sabay lipat ulit ni Pat sa right side ko. "Kaya nga ako pumwesto dito para di ka mahagip ng mga sasakyan na dumadaan eh" Ang kulit naman talaga ni Lasaten

"Kulit naman neto oh delikado nga eh ako na lang dyan baka mapano ka pa" Sabay lipat ko ulit sa right side.

"Para kayong bulate dyan na papalit palit" sabi ni Poch habang nag lalakad sa may likuran namin. Katabi nya si Jam

"Eto kasi si Pat ang kulit eh"
"Ikaw nga yun eh" sagot ni Pat
"Ikaw kaya"
"Hoy ikaw"

"Sige ako na lang para matigil na kayo" asar ni Jam

Rinig ko namang natatawa sila Toni habang nag lalakad

"Ganito pala feeling ng may couple sa circle of friends no? Parang gusto ko na lang umuwi at kumain mag isa sa inggit" sabi ni Pao

"Hoy correction hindi pa kami couple okay" Sagot ni Pat

"Pa" sabay sabay silang lahat na nag salita. Natawa na lang kami ni Pat.

"Ayan na yung food park" sabay turo ni Poch

We went inside and kita naming madaming stalls na pwede pag pilian. May wings, may pasta, may sisig tapos burgers and pizza at marami pang iba. We decided na maglibot muna tapos mag tingin tingin kung anong gusto naming kainin. Nag hiwalay hiwalay kami para malibot namin lahat. Magkasama si Pao, Migs, Andrew, Toni and Keifer tapos kami naman nila Pat, Jam and Poch.

"So what do you want to eat, Jam?" Tanong ni Poch. Nagkatinginan naman kami ni Pat kasi alam namin na they're dating pero tahimik lang kami.

"Hmm I think I want burger and fries tapos siguro blue lemonade. You ba?"
"Mag shawarma rice na lang siguro ako." Sagot ni Poch
"Okay ako na bibili" sabi ni Jam.
"No, ako na. It's on me love" Nanlaki mata namin ni Pat sa narinig namin. Sobrang pinipigilan namin mag react. Na sa harapan kasi namin sila ngayon habang nag hahanap ng food kaya siguro hindi nila napansin na anduto kami. Pero after a few seconds bigla silang lumingon samin. Kitang kita ko yung gulat at kaba sa mukha nila nung na realize nila na sa likod kami ni Pat.

Sunsets and city lights with youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن