Sixteen

148 6 0
                                    


Agnes' POV

Pinuntahan ko si mama sa office nya and then nag aya sya mag dinner kami. Treat nya rin daw ako kasi kakasahod lang daw nya, and since hindi pwede si Emil kasi may project sila, uuwian nalang namin sya ng food. Pag pasok namin sa resto ay kita ko si Pat pero parang paalis na sya.

"Pat?"

"Uy Agnes hello" Pat. Medyo matamlay siya ng slight. Ano kayang problema?

"Anong ginagawa mo dito? ay Pat oo nga pala si mama" nag bless sya at ngumiti

"Kumain ka na ba iha? bakit mag isa ka lang?" tanong ni mama

"Ay mag dinner po sana kami ng family ko pero di po sila makakarating eh so uuwi na lang po ako" I can see the sadness in her eyes

"Edi sumabay ka na samin mag dinner ni Agnes, tutal balita ko hinatid mo rin naman sya sa office nung nakaraan, para makilala and makapag pasalamat din ako" ay wow ma ano yan ha

"Ay tita wag na po nakakahiya, date nyo po ni Agnes ngayon eh" Pat

"Sige na Pat lika na para makakain ka na rin" pinilit ko sya and gumana hay iba talaga charms ko

After namin umupo sa table ay dinaldal ni mama si Pat

"So Pat how's school nga pala? balita ko transferee ka ah" mama

"Okay naman po tita, mahirap lang mag adjust pero thankful po ako kela Agnes kasi they are helping us lalo na po sa acads" Pat

"That's good. Pag pasensyahan mo na yung anak ko kung masungit minsan ha? Masyado kasi yang seryoso sa mga bagay bagay"

"Po? Hindi naman po masungit si Agnes. Approachable naman po sya tita hehehe" Nakita ko namang napangiti si mama

"Pat matanong ko lang, may boyfriend ka na ba?" nanlaki mata ko. Hay nako sensitive topic pa naman ata kay Pat yun.

"Ma????? bakit naman bakit ganyan"

"What? nag tatanong lang eh. Kasi tignan mo anak oh ang ganda nya and ang bait bait pa" napahawak nalang ako sa noo

"Okay lang Agnes hahahahaha" sagot ni Pat sakin. "Wala naman po tita"

"Ay ganon ba? sabagay 17 pa lang naman kayo, madami pang pwedeng mangyayare sa buhay nyo."

Akala ko tapos na mag tanong kaso may pahabol pa pala...

"Eh girlfriend?" nabitawan ko ata yung kutsarang hawak ko

"MA ANONG TANONG YAN NAKAKAHIYA"

Kita kong natatawa na si Pat.

"Sorry Pat I should not have asked that, you can Ignore the question if you're not comfortable"

Pat just smiled politely.

Mukhang magtatanong nanaman si mama buti na lang dumating na yung food

"Finally andito na. Kumain ka na lang ma ha? please?" jusko ako na yung nahihiya pero nakikita ko namang tumatawa sila ni Pat.

Pinaghihiwa ako ni mama ng porkchop at pati si Pat pinaghiwa nya

"Thank you po tita"

"So Pat-"

"Ma hayaan mo na muna sya kumain"

"De tita ano po yun sige lang po" okay sige hayaan ko na sila magdaldalan kakain na lang ako dito

"Kamusta ka naman? sa bahay ganon?"

"Okay lang naman po. Parang ngayon na nga lang po ata may nagtanong sakin kung okay lang ako or kung kamusta po sa new school ko, hehe medyo busy po kasi sila palagi kaya ayun, no time to talk" napatingin naman kami ni mama sa kanya. "Ay sorry masyadong sad yung nasabi ko" she smiled weakly. Kita kong hinawakan ni mama yung kamay ni Pat

"Nak pag may kailangan ka or need mo ng kausap, don't hesistate to call me or kahit pumunta ka sa office ha? I know naman na for your future yung ginagawa ng parents mo, pero I'll be here whenever you need someone to talk to." I can see Pat's eyes teared up pero pinunasan nya rin agad.

"Tita thank you so much po, ayoko po maging needy sa parents ko pero minsan po kasi gusto ko rin po talaga silang maka kwentuhan. Alam ko na po kung kanino nag mana ng kabaitan si Agnes hahahaha"

"Ay oo naman sakin yan nag mana eh, tamo parehas kaming maganda" kumindat si mama at nagtawanan sila

I looked at Pat and I signed kung okay lang ba sya, she nodded and smiled. It's a relief for me pero I know for sure na hindi pa talaga sya okay.

Sunsets and city lights with youWhere stories live. Discover now