Prologue

144 2 1
                                    

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa isang dressing room nang Katong-its network na EVS-ZBM, ang nangungunang t.v. network sa Pilipinas. Naghahanda ako para sa isang t.v. interview sa showbiz talk show na Chuva News hosted by Georgio Fakunda.

May konting kaba na tumatama sa akin habang hinihintay akong tawagin at normal lang naman ang ganitong feeling dahil first time kong ilalahad ang lahat ng saloobin ko tungkol sa isyu na bumabagabag sa bayan. Maraming katanungan na kailangan sagutin tungkol sa relasyon ko kay Savannah Kerry, ang sikat na aktres at isa sa mga pinakamagandang artista sa Philippine show business.

Hindi naman ako aktor, isa lang naman akong simpleng nilalang who happens to live an extra ordinary life nang makilala ko ang babaeng nasa poster na nakadikit sa dingding ng dressing room. Tinititigan ko ang perpektong mukha ni Savannah at narealize kong photoshopped ang litrato. Mas maganda siya sa personal.

Kung ikukumapra naman sa pagmumukha kong may malaking mata na sinakop ang noo ko, may matangos na ilong na sumobra naman ang tangos at may manipis na labi na parang ginuhit lang ng pentel pen. Pwede na yung mukhang tao kung idedescribe ko man ang sarili ko.

Pero itong mukhang toh, ito ngayon ang kinaiinggitan ng bawat Pilipinong mamamayan, akalain nilang asawa ko ang pantasya ng bayan na si Savannah. Belat silang lahat.

“Mr. Camacho, ready na po ba kayo?” tanong ng writer ng show.

Lumabas ako ng dressing room at itinuro ng floor director ang aking upuan.

“Akin na yung index card.” Utos ni Georgio sa may hindi kalayuan habang may dalawang babae aligaga sa pag-aayos ng damit niya.

Lumapit sa akin si Georgio.

“Welcome to our show.” Inabot niya ang kamay niya sa akin at nag-shake hands kami. “Wag kang nerbyusin, just be yourself.”

“Okay, stand by!” sigaw ng floor director. “In five… four… three…” bumulong nang.. “Two… one!”

“Magandang hapon mga katong-its!” panimulang bati ni Georgio sa harap ng kamera. “Mga kaibigan, ilang linggong pinag-usapan sa pahayagan, showbiz websites, social networking sites ang isang iskandalong kinasasangkutan ng ating katong-its star na si Savannah Kerry. Unang naging blind item, hanggang lumabas ang libro ng kanyang asawa na si Heath Camacho na The Falling Star, isang autobiographical book sa buhay niya kasama si Savannah. Maraming sekreto ang lumabas sa librong naipublish kamakailan lang. Tahimik si Savannah at hindi pa nagpapahayag ng kanyang panig. Ngayong hapong ito, makakasama natin sa isang one on one at exclusive interview ang kanyang asawa na si Heath pero bago ang lahat Happy Birthday kay Wobin Leyes, Shishi Truz at Riribeth Cantos.”

Sumimangot ang mga writers at floor directors sa pagbati ni Georgio.

“Magandang hapon, Heath!”

“Magandang hapon din po sa inyo Tito Georgy at sa lahat ng nanonood ng chuva news.”

“Maraming salamat dahil nagpaunlak ka ng interview sa amin dito sa Chuva news. Marami kang kailangan sagutin sa araw na ito. Ang iskandalong kinasangkutan ni Savannah, ang mga katanungan na nakasaad sa iyong libro na The Falling Star. Totoo ba lahat ng nabasa namin? Tama ba ang hinala namin? May mga nagsasabi na hindi kayo tunay na kasal at ginagamit niyo lang ang isa’t-isa. Pero once and for all, Heath, kasal ba talaga kayo ni Savannah?”

Ibinuka ko na ang bibig ko para sagutin ang straight to the point questions ni Tito Georgy pero biglang..

“Ang mga kasagutan sa pagbabalik ng….. CHUVA NEWS!”

Commercial break.

Catching a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon