Chapter 14

4 0 0
                                    


Wala kaming ginawa ngayong araw kundi nag-swimming at ngayon naman ay hinahanda namin ang higaan dahil sa labas na talaga kami matutulog.

We'll have a night party, pero walang alak sa malamang na dahilan.

"Vyy! Pic kayo ni Kenzo!" Kira said at hinila si Kenzo papunta sa akin. Nakakunot lang ito ng noo pero nang makita niya ang hawak na camera ni Kira ay tumabi siya sa akin.

"The walang lebel!" She said and happily snapped a pic on us. Tuwang-tuwa naman kasi hindi pa kami nakangiti sa picture at siguro epic ang mukha namin doon.

"Yung naka-smile! Puro kayo nakasimangot!"

Pilit kaming ngumiti ni Kenzo, he showed his cute and tiny dimples while I just smiled a little, not showing my teeth.

"Ayan! Sa susunod label muna ah?" She rolled her eyes and flipped her hair bago kami nilampasan.

Agad-agad naman akong pinalapit ni Kenzo sa kaniya at inamoy-amoy ang leeg ko. Ang baho ko ba? Kakaligo ko lang eh

"Smells good." He seductively said and face me. "Bab-"

Bago pa niya maituloy ang sinabi niya ay tinakpan ko ang bibig niya. "Wag kang malibog." Bulong ko at sinamaan siya ng tingin.

"I'm not. You're seducing me." He defended.

Tumaas ang kilay ko. "So ako pa yung may kasalanan?"

"Hindi, ako. Ako yung malibog. Your baby is f*cking horny." Uyam nito. Yan gusto ko eh, yung umaamin.

Maya-maya ay dumaan si Clyde sa tabi namin, he stared at us at bigla siyang kumanta.

"I am Under." Kanta niya na may bahid na panloloko. Kenzo raised his middle finger at him and about to chase him nang tumakbo agad si Clyde palayo.

"That b*stard! What a lunatic man." Inis na sambit nito at masamang tumingin kay Clyde na bine-belatan siya ngayon.

"Hoy! Mamaya na ang landian! Tumulong kayo!" Saway ni Avi kaya pumunta kami agad sa kaniya para tumulong.

They prepared so many foods na hindi naman namin kayang ubusin lahat pwera na lang kung malalakas sila kumain.. No doubt kay Clyde, sampung tiyan ang meron yan.

"Gusto mong buhatin na kita? Baka mahulog ka diyan sa hagdan." Hinawakan ni Kevin ang hagdan habang nakatingin kay Avy o sa pwet ni Avy.

"Wag mong hawakan ang hagdan at wag kang titingin dito! I'll kick you Garcia!" Banta naman ni Avy at tumingin ng masama kay Kevin.

This two...walang araw na maayos sila mag-usap. Meant to be enemies. Hindi ko naman masisisi si Azy, she hates playboys dahil sa past niya.

"Ang sungit mo naman! Pasalamat ka maganda ka!" Binitawan na nito ang hagdan at tumulong na lang sa pag-aayos ng higaan at unan.

Saktong pagkatapos namin ay gabi na rin. Umupo kami muli pabilog dahil may game daw uli kami pero hindi na  truth or dare.

"We'll play..."

"Put your finger down!" Avi playfully exclaimed. "You all know the rules pero sa mga hindi pa alam ay ie-explain ko."

"So you'll raise your ten fingers syempre! Then we'll say a statement na maaaring nagawa niyo na o hindi pa."

"If you have done the statement each of one said, you have to put your one finger down, one only ha!"

"And if you haven't done what we said, wag kang magbababa ng finger mo."

Aaminin ko, hindi ko siya masyadong naintindihan pero nagets ko naman agad. Mukhang naintindihan din ng iba at mukhang alam din ng iba kaya nagsimula na kami.

Cross of Paths (Mafia Series#1) ON GOINGWhere stories live. Discover now