Chapter 5

7 2 0
                                    

Nakasimangot akong pumunta sa bahay na titirahan namin ni Alkenzo. I don't know kung lilipat din ba siya ngayon or kahapon pa siya nakalipat.

I'm still thinking about Dark, hindi niya ako pinatulog! Wala namang nangyari nung isang araw kasi pinigilan ko siya but he harassed me!

"Aren't you going to your new house?" Mom teased. Pinalobo ko ang pisngi ko at mariing pumikit. There she go again, palagi akong niloloko.

"Yeah mom. I'm going." Sabi ko at inayos na ang gamit ko. I showered before leaving. Pagkababa ko ay sinalubong nanaman ako ng dalawang magulang kong makulit.

"Don't forget to buy groceries, baka magutom ka." Paalala ni mommy. "Ako ba talaga iniintindi mo mom or si Alkenzo?" I sarcastically asked.

Nag-peace sign ito. "Both." Itinulak-tulak naman ako ni daddy papunta sa kotse, mukhang excited ang isang ito ah. "Go! Bumili ka ng grocery tska lutuan mo si Kenzo!" Bulalas nito.

Hinawi ko palikod ang buhok ko bago sumakay sa kotse, pumunta ako sa pinakamalapit na grocery store. Pumili ako ng mga kakailanganin kong gamit at mga pagkain.

Even though I live in a rich life, Mom trained me to cook so I can be independent in the future, buti nga tinuruan niya ako eh.

Nang matapos na akong pumili, binayaran ko na ito lahat sa counter, pinagtitinginan pa ako ng iba sa dami kong binili eh wala naman silang pake kahit buong store na ang bilhin ko eh.

Tinulungan ako ng isang staff na ipunta sa sasakyan ang mga binili ko. I don't need to buy furnitures or anything na pang design sa kuwarto dahil naayos na raw ito noong isang araw.

Pagdating ko doon ay bukas ang bahay, so nandito siya. Dalawa-dalawa kong binuhat ang mga supot ng groceries papasok ng bahay.

Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang nakaupo sa couch at nagbabasa ng hindi ko alam na libro, I think it's about business.

Nang mapansin niya ako ay lumabas siya na ikina-kibit balikat ko, pumunta ako sa refrigerator at nilagay ng maayos ang mga binili ko.

I was about to get the milk out of the plastic bag nang dala-dala na ni Alkenzo lahat ng binili ko papunta sa akin.

I just thanked him at itinuloy na ang pag-ayos. Kumuha na din ako ng mga putahe dahil mag-luluto ako ng pananghalian. Siya ang unang nilutuan ko na hindi ko gaano kaclose, except kay mom and dad, di sila counted.

Nag-luto lang ako ng adobo at rice. Nagluto rin ako ng soup since hindi masarap ang kanin para sa akin kung walang sabaw.

I placed all the dishes on the table and put two glaze plates and two glasses of water. Tinawag ko na siya dahil tapos na ako mag-luto, mabuti naman at sumunod agad ang aso.

Umupo lang ito at tumingin sa pagkaing nakahain sa lamesa. "Oh bakit ayaw mo?" Tanong ko, eh parang ayaw niya kasi eh.

Naningkit ang mata nito at tumingin sa akin. He grab a spoon and taste. "Pwede na." He commented.

Ang saklap ng dila nito ah, ano bang klase ang dila niyan, high class? Umirap na lang ako at umupo na rin.

"Kung ayaw mo edi akin na lang." Sambit ko bago tinikman ang luto ko.

Masarap naman ah, sadyang wala lang talagang lasa ang lalaking yan. Sinamaan ko lang siya ng tingin at ibinalik na ang atensyon sa pagkain.

Hanggang sa natapos ang hapagkainan, hindi kami nag-pansinan, dumiretso agad siya sa taas at ako ang pinag-hugas ng plato, ginawa akong katulong ng hayop.

Umupo muna ako sa couch at nanood ng movie, after an hour bumaba si Alkenzo. Mukhang kagigising niya lang. Tinapunan lang ako nito ng tingin at dumiretso sa kusina.

Cross of Paths (Mafia Series#1) ON GOINGWhere stories live. Discover now