Chapter 1

27 2 0
                                    

"Hoy Bobo!"

Pagkababa ko pa lang ng kotse ay sinalubong na agad ako ni Avianna ng  masamang salita, I just glared at her and ignored her.

"Seriously kahit nasa bar ang sungit mo!" Inirapan ko lang ito at umupo na sa table, We decided to have fun kasi kaka-graduate naming lahat.

Medyo marami-rami kami dahil thirteen kaming magba-barkada, sampung babae at tatlong lalake, I don't know kung lalake yung isa because he's acting like a lady.

Maya-maya ay dumating na sila, sa aming magba-barkada, si Ayumie, Via, at si Yvaine ang mga hindi masyadong umiinom ng alak, mababa ang alcohol tolerance nila.

Avianna is like a playgirl, I don't know, she's changing her boyfriend everyday, sometimes I found them doing a thing. Malala na talaga siya.

"Oh tulala ka sa akin? Ganda ko noh!" I rolled my eyes at Gwen, nananaginip nanaman ata ito.

Gwyneth Althea De Vera. She's always energetic. It's like she drank a full bottle of tiki-tiki.

"Masyado naman kasing tahimik itong apat na kasama natin, nakakatampo." Pagma-maktol ni Kia.

Ang drama nila parang di sanay sa ugali naming mag-babarkada. Ang iingay pa nila, I wonder bakit kami naging magba-barkada.

"Uy mga chix bro!" Napangisi naman ako ng dumating na ang tatlong lalake except dun sa isa.

"Duh! Chix din ako beh!" Sabi ni Zia or I should say Zion. He's really a gay, sayang ang guwapo ng isang ito eh.

Hinampas nito si Mason na umiinom na ng alak kaya naibuga niya ito sa amin.

"What the heck!" Bwiset na sabi ni Avianna pero tinawanan lang siya ni Mason.

Sari-saring reaksyon at hinampas-hampas nilang lahat si Mason na mukhang punching bag na sira. Good for him, he deserves that.

"Seryoso?! Ang sakit nun mga amazona kayo!" He looked at them with disbelief hanggang sa napako ang tingin niya sa akin.

Napataas ako ng kilay. Hindi ako kasali sa mga nanghampas sa kaniya.

"Except sayo Master, wag mo ko tingnan ng masama." Takot siya sa akin kala mo naman kung sinuntok ko siya.

"Pards baka suntukin ka niyan." Loko sa kaniya ni Khael, isa pa to, kung maka-loko wagas, siya kaya suntukin ko?

Silang dalawa together with Zion ang mga lalaki sa amin, nagkakilala kaming lahat dahil sa magka-kapit bahay kami noon, but they moved out, Isa-isa and then the rest was history.

"Want to drink?" Offer ng alak sa akin ni Harmony, I wonder kung okay ang relasyon nila nung hinahabol niya.

"Anong balita sa relasyon niyo?" Natigilan ito. Tila bang hindi mapakali, I'm sure hindi sila okay, palagi silang hindi okay. I know he's hurting Harmony.

"He doesn't love me." Napayuko ito, alam kong nasasaktan siya, simula noong highschool ay iisa lang ang minahal nito, pero hindi siya minahal pabalik and that man is a shit.

"Kung di mo kaya, bumitaw ka na, don't be stupid harmony, simula noong highschool mo minahal ang lalaking yun, ngayonng nakapagtapos na tayo, let him go."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil hindi siya makagalaw, maya-maya ay kumuha siya ng isang bote ng alak, ignoring me.

"Kasalanan ko ba ang rupok ko? May barkada kang marupok Ivy pero sinasabi ko sayo wag mo akong gagayahin, it's not worth it."

As if naman mai-inlove pa ako, they said kapag maiinlove ka dapat handa kang tanggapin ang lahat ng sakit and I'm not ready for that yet.

I just sighed at hindi na muna siya kinausap, I know she needs time and space but I'm worried, once na sinaktan siya ni Kiro, hindi ako magda-dalawang isip na kalabanin siya.

Cross of Paths (Mafia Series#1) ON GOINGWhere stories live. Discover now