<Part 6>

49 1 0
                                    

Bago kami mag lunch ay nagsilabasan na ang lahat. Papalabas na sana si Theo ng hawakan ko ang kamay nya.

Napatingin sya sa kamay namin.
"Anong kailangan mo?" tanong nya. Ang bigat ng aura nya, ayoko non.
"A-ayos na ba kayo ni Sir?" tanong ko.
"Uhm Kami? Ewan ko? Malabo ata yang gusto mo" saad nya pabalik.

"Makipag ayos ka na kay Sir ohh.. Malapit na magtapos ang schoolyear tapos hindi mo pa rinnsya nakakausap man lang. Hindi na natin sya teacher sa Grade 10" saad ko.

Matatapos na ang Third Quarter, malapit na kaming lumipat.

"eh ayoko nga eh, ayoko syang makita, ayoko sainyo okay" saad nito.
"ayaw mo ba kay Sir?" bulong ko..

"Ayoko nga, ang kulit mo. Huwag ka ngang mapilit dyan" saad nito at binitawan ang kamay ko.

"Hindi naman sa nag pipilit.. Gusto ko lang na lahat tayo malapit kay Sir.. Ayon kasi ung hiling ni Sir eh.. Makabonding tayong lahat" saad ko at bumuntong hininga.

"Wala nga akong pakealam pwede ba? Wala akong pakealam sainyong lahat, tabi nga" saad nya at nilampasan ako.

Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga na lang saka sumunod sakanila sa baba. Lumapit ako kay Sir at nginitian nya ako.

"Sir? Mukhang malabo na makipag ayos si Theo eh.. D3monyo talaga eh" saad ko.
"Hayaan mo, mahaba pa naman ang dalawang buwan. Siguro magugustuhan nya rin ako isa sa mga araw na yon. Ang importante sakin ay nakakasama ko kayo" saad ni Sir
"Salamat po talaga Sir ha.. Sana kayo pa rin ang teacher namin next schoolyear" saad ko at tumango sya.

Sabay sabay kaming kumain nila Sir at hapon nanaman, si Ma'am Vergara nanaman ung teacher namin.

Nagpasukan na kami sa classroom at si Sir nandon sa  tabi. Iniintay nya si Ma'am Vergara.

Nung dumating si Ma'am ay mukhang mainit ang ulo nya.
"open your books to page 102" saad ni Ma'am ng pumasok si Theo sa klase. Dere deretcho syang naglakad papunta sa upuan nya ng hawakan ni Ma'am Vergara ang kamay nya

"Why are you late?" tanong ni Ma'am.
"Uhmm so? Pakealam mo ba Ma'am?" saad ni Theo at pabatong binitawan ang kamay ni Ma'am.
"Bastos ka talaga kahit kailan ano? Lahat ng kaklase mo nagbago maliban sayo. Wala kang modo" saad ni Ma'am.
"Oh tapos? May magagawa ka ba?" tanong nya.
"I don't want you to be my student" saad ni Ma'am.
"I don't want you to be my teacher anyways, same lang tayo Ma'am" saad ni Theo. Bastos talaga sya.

"GET OUT! I DON'T WANT TO SEE YOU IN MY CLASS" saad ni Ma'am at itunulak si Theo palabas.

Kita ko naman ang titig ng mga kaklase ko pati na si Sir. Grabe naman si Ma'am. Lumabas si Theo sa klase at tumakbo pababa.

Mabilis namang tumakbo ang oras at umalis na sya. Si Sir na ulit ang magtuturo samin. Mukhang aligaga sya

"Sir? Hindi pa po ba tayo mag klaklase?" tanong ni Andrei.
"W-wala pa si Theo eh.. Dapat nandito na sya by now" saad ni Sir.
"Hayaan mo na po sya Sir, masanay na po kayo kay Theo" saad ko.
"H-hindi, intayin nyo ako class ahh? Babalik si Sir" saad ni Sir at tumakbo pababa.

Meron sa loob loob ko na gustong sumunod kaya naman kinuha ko ang phone ko at pumunta sa baba, nakita kong dinadala ng hindi kilalang lalaki si Theo.

Nagmadaling bumaba si Sir kaso naisakay na nila si Theo sa Van.

Tumakbo si Sir papunta sa parking, at binuksan ang kotse nya. Sumunod ako agad don.
"Sir! Saan kayo pupunta? Baka mapahamak kayo" saad ko.
"Intayin nyo ako, pupuntahan ko lang si Theo" saad ni Sir.
"Sama ako Sir, tara na baka hindi po natin sila abutan" saad ko at sumakay na kami sa kotse nya. Sobrang kaba ung nararamdaman ko ngayon. Ano kayang meron?

The BEST Adviser (©Franz lourdes from fb)Where stories live. Discover now