<Part 4>

50 1 0
                                    

"Bakit hindi mo po sila I r3p0rt sir?" tanong ko
"O-okay lang naman eh, masaya sila at gusto nila yon.." saad ni Sir at napapikit huminga sya ng malalim.
"Matagal k-ko nang gustong maging guro, at hindi pala ganon kadali.. ung kahapon kahit bastusin nila ako at batuhin sa first day ko ayos lang eh.. Pero ung kanina hindi ko matiis eh" saad ni Sir.
"Pinaghandaan k-ko yon.. Unang presentation ko bilang isang guro. Parang gusto k-ko nalang sumuko eh" saas ni Sir.

"N-naisip ko nga, pangit ba akong maging guro kasi inaayawan ako? S-sinubukan ko naman lahat ng kaya ko eh.. Ung b-best ko binibigay ko" saad nya at pumatak nanaman ung luha nya.

"Halos hindi ako makatulog kakaisip, na matutupad na ung pangarap ko na makapag turo at maging isang guro, kayo ung una kong estudyante at inaasahan ko na magiging memorable ung schoolyear ko kasama kayo pero, gusto ko na sumuko eh.. mali. Matatanggal ako sa trabaho sa isang iglap" saad ni Sir at napahawak sa mukha nya.

"Gusto kong sumuko na Kyle, kasi masakit pala ung pinapangarap ko, pero naisip ko.. Madami pala kayong estudyante na naghihintay sakin. Nag hihintay kayo na turuan ko.. Ang sigawan ako, batuhin ako.. At sayangin ung bawat efforts ko. Kahit nga nahihirapan akong isa isahin kayo kasi inalis nila ako sa GC hindi ko magawang sumuko eh.." saad nya at tumungo. Ako ung nasasaktan para kay Sir. Kahit kaunting respeto at pag galang wala ung mga kaklase ko.

" Sir, kakausapin ko po ung principal.. Huwag po kayong susuko ha.. Huwag po kayong aalis" saad ko.

"Ikaw po ang best teacher namin Sir" saad ko at nginitian nya ako.

Pumasok na ako ng room, at parang nahihiya si Sir na pumasok.

Hindi naman nagtagal ay naupo sya sa table nya. Hindi nya tiningnan ang mga kaklase ko na tahimik lang. Tumayo si Sir at nginitian kami.

"S-sir, sorry poo" saad nila.
"Grabe sila Theo sir, pasensya na po napahiya po kayo" saad pa ng iba kong classmate pero nginitian pa rin sila ni Sir. Kahit mugto na ang mata ni Sir.
"A-ayos lang yon, maglesson na tayo" saad ni Sir at garalgal ang boses nya.

Inexplain na muna samin ni Sir ung Science at saka sya umupo sa table nya.

"Mag aral kayong mabuti class ha? Mag papaquiz kasi ako next time eh.." saad ni Sir.
"Next time?Teacher ka pa rin namin?" pabalang na sagot ni Theo.
"Manahimik ka nga Theo, konting respeto. Nag tuturo si Sir oh?" saad ni Diana.
"M-madali lang naman yon eh, sigurado akong kaya nyo kasi magagaling naman kayo.." saas ni Sir. Hindi na sya nagsalita pa. Napaka hinhin ni Sir.

"Sige na, sagutan nyo na ung 1-5 question tapos checkan natin mamaya" saad ni Sir at ngumiti.

Ipinasa na namin ang mga sinagutan namin paunahan at checheck-an na sana namin.
"Sir, mag oovertime kung mag checheck pa. Ikaw na lang mag check" saad ni Kaede.
"O-okay sige, Uwi na kayo huh.. Take care" saad ni Sir at bumuntong hininga.

Nagsiuwian na ang mga kaklase ko at kami na lang ni Sir ang naiwan.
"Sir tutulungan ko na po kayo" saad ko. Inabot naman sakin ni Sir ung mga papel at chineck-an namin ni Sir yon.
"Salamat Kyle ha" saad ni sir pagkatapos nyang irecord ang score namin.

Pumasok ung principal sa classroom namin.
"Ma'am, si Sir pa rin naman po ang teacher namin diba?" tanong ko.
"Sorry but no, ung kanina hindi yon tama eh.." saad nito.
"Kasalanan po yon ng kaklase ko ma'am, mag stay po si Sir namin. Bibihira na po ng katulad nya eh. Please naman po" saad ko.
"Hala sya sige na nga, isang try pa" saad ni Ma'am.
"Salamat talaga Kyle" saad ni Sir.

- FAST FORWARD -

Isang linggo na rin samin si Sir, napagtiisan nya ang ugali namin sa loob ng isang linggo na yon. Kahit pagod na si Sir ay desidido pa rin syang turuan kami. Iniintindi nya kami, kahit na suwail ang iba samin.

The BEST Adviser (©Franz lourdes from fb)Where stories live. Discover now