NINETEEN

50 2 0
                                    

Part Nineteen:
AMBER's pov
"ANO 'YAN?"

Dahan-dahan kong ibinigay 'yung papel sa hampaslupang burara na lumapit sa'kin.

"Tangina," sabi niya. Tangina talaga, kapag may nangyaring masama sa mga anak ko, uubusin ko lahi nila, tangina nila. Maghahalo ang balat sa tinalupan.

"Anong gagawin natin?" halos pabulong na tanong ko. Joker ako pero hindi ako makapag-isip ngayon ng matino at maayos.

"Tawagan mo muna ang Hidden Queen," sabi nung burara kaya tumango ako.

Kinuha ko ang iPhone 12 pro max ko sa lamesa at tsaka idinial ang number ni Mama na agad naman niyang sinagot. "Ma..."

"Ano?" sagot ni Mama sa kabilang linya.

"Sila Astrid at Alex, ma..."

***
"Wala na sila sa Japan, Master Shinji, Amber."

Napahilamos ako sa mukha nung marinig ko 'yung sinabi ng dugyot na chikadora. "Punyeta, saan pupunta 'yung mga 'yon?"

Naramdaman ko namang hinawakan nung hampaslupang burara 'yung isang kamay ko pero hindi nabawasan non ang pag-aalala ko, at galit.

"Bakit naman kasi sa Japan ninyo hinahanap eh kakakuha pa lang nila sa mga bata, malamang andito lang 'yon sa Pilipinas," sabi ni Mama.

"Hidden Queen." Napatingin kami nung pumasok sila Kyoto at Tora sa loob ng mansyon. Sila ang mga pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ni Mama kaya nakikita nila ang mukha niya. May iniabot silang cheap na card kay Mama. "Nakita po namin sa bahay kung saan nag-stay si Angelique Birkins."

"This is an exclusive village outside the city. Pwedeng nandito sila."

***
"Mababawi natin sila."

Napatingin ako sa hampaslupang burara  nang hawakan niya ang kamay ko. "Alam ko." Dapat lang, dahil kapag hindi, manghihiram silang lahat ng mga mukha sa daga. Hampaslupa na nga, mang-aagaw pa ng mga anak.

Magkasama kaming dalawa sa kotse niya papunta sa exclusive village na nakita nila Kyoto at Tora sa bahay ng pisting si Angelique Birkins. Nasa dulo ng village ang bahay niya. Talagang pinalayuan niya pa, ah? 'Kala naman niya hindi namin siya matutunton, hampaslupa siya.

Pagkababang-pagkababa namin ng sasakyan ay agad kaming pumasok sa loob ng gate. Gabi naman ngayon, wala nang mga tao. Gamit ang customized Holland & Holland Royal Deluxe Double Rifle with gold's and diamonds na may silencer, nauna kong pinaputukan 'yung mga hampaslupang tauhan ng mas hampaslupa nilang amor. Ang 12th joker ang kumuha sa mga anak ko, pero malinaw pa sa diamond earrings ko na na Kay Angelique Birkins sila Astrid at Alex. Anong trip niya? Hindi ko trip.

Ilang mga tauhan na rin ng pisting si Angelique Birkins ang napatay namin nung hampaslupang burara, Azure, Mama, Papa, at ng mag-aamang Birkins. Sumama sila Ryuu, Shinji, Lovelle, at Tito Louie dahil baka madaan pa daw nila sa pakiusapan 'yung hayop na 'yon. Tsk! 'Yon? Madadaan sa pakiusapan? Ulol. Hindi nadadaan sa pakiusapan ang mga hayop, duh!

Agad na kaming pumasok sa loob ng cheap na bahay na 'yon at pinaputukan ang mga lalake pa sa loob. Tangina nilang itago ang mga anak ko. Hinayaan na naming ng burara sila Mama doon at inikot na namin ang bahay. Sa balcony, kitchen, pati na rin sa ibang areas dito sa first floor pero wala! Tangina!

Umakyat kami sa 2nd floor at napatigil ako nung may marinig akong iyak ng mga bata kaya agad namin 'yong pinuntahan.

"Astrid! Alex!" Tangina talaga.

Nakalapag lang 'yung mga bata habang si Alex ay nasa pinakagilid na at malapit nang malaglag! Nampakahayop talaga! Hinayaan niyang ganito lang ang mga anak ko at muntik pang malaglag si Alex. Sa impyerno talaga ang bagsak niyang tangina siya.

"Mommy, what did you do!?"  Napatingin ako sa may pintuan nung marinig ko 'yung babaeng mukhang bunga ng malunggay mula sa baba. Kinuha nung burara si Astrid at sabay kaming bumaba para lang magulat sa mga nakita namin. Sila Ryuu at Shinji na hawak sa magkabilang braso 'yung pisting si Angelique, si Papa na naka-antabay sa tabi, at si Lovelle na kumawala sa hawak ni Mama at tumakbo papunta kay...

Tito Louie. Na ngayon ay makahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo habang may tama ng bala sa ulo. Bala mula sa baril na hawak ni Angelique Birkins.

"DADDY!!!"

MHIAMB Encounter: ShauBerWhere stories live. Discover now