SIX

90 3 0
                                    

AMBER's pov

"AT BAKIT KASAMA 'YANG DUGYOT NA CHIKADORA?"

Kunot-noo akong tumingin sa dugyot na chikadora na pangisi-ngisi sa harap ng private plane na sasakyan namin nitong burara papuntang Japan. Tiningnan ko ang katabi kong hampaslupa pero nakangisi lang rin siya habang nakatingin sa kung saan. 'Akala naman niya ikinagwapo niya ang pag-ngisi, mas lalo siyang nagmumukhang uling.'

"Lodicakes Amber, syempre naman ako ang witness ninyo," sabi nung dugyot na chikadora at tsaka tumingin sa master niya. "Master Shinji, naipaayos ko na pala yung mansyon mo sa Japan."

"Bukas na ba yung ceremony?" tanong ko sa burara na bigla namang humawak sa bewang ko.

"Hapon pa bukas, wag lang excited," sabi naman niya.

"Ulol, asa ka naman," sagot ko naman sa kanya.

"Sus, master, lodicakes, mamaya na landian, alis na muna tayo." Sinamaan ko ng tingin 'yung dugyot na chikadora ng sumabat siya sa usapan namin nung negro.

"Tangina ka, alam mo 'yun?" sabi ko sa kanya pero ang hayop, tumawa lang wengya!

"Asus tama na 'yan, ang daming ebas," sabi nung negro at tsaka ako biglang hinila. Aba't!

***
Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan eh naituro naman na sa akin lahat ng kailangan kong gawin kagabi. Shinto wedding daw or traditional wedding 'yung gagawin namin. Wengya! Pinagsuot nila akobng kimono!

May kasama akong dalawang babae na tumutulong sa aking isuot ang mga kailangan kong suotin. Mabuti naman st Filipina yung isa dahil kung hindi, baka masungalngal ko 'yung negro. Napakunot ang noo ko nung may ilagay silang kung anong cheap na headdress sa'kin.

"Excuse me? Ano 'tong nilalagay nyo sa'kin?" tanong ko. Kasi naman duh, mukha namang hindi dadagdag sa kagandahan ko 'to.

"Tsunokakushi po, Ma'am," sabi niya at mas lalo namang napakunot ang noo ko.

"Tsuno-ano? Ano 'yon?" Bakit ang hirap namang banggitin?

"It is a headdress po to protect the wife from growing horns and turning into a demon whenever they're getting angry or jealous," sabi niya at nanlaki ang magaganda kong mga mata!

"Ano?! Wengya!" Tangina nung hayop na 'yon ah! Dali-dali kong kinuha ang iPhone 12 pro max ko sa center table at ni-dial ang number 'nong negro. Hayop na 'yon, ginawa pa 'kong demonyo!

[Oh?]

"Anong oh?! Hayop ka, ano 'tong headdress na pinapasuot mo sa'kin?! Protect the wife from growing horns and turning into a demon whenever angry or jealous?! Gago ka ba?!"

[Medyo.] Nampakagago talaga. [Tsk! Bilisan mo na lang magbihis dyan, ang dami mong ebas, eh.]

Napairap naman akin "alam ko namang atat na atat ka nang makita ang kagandahan ko at pakasalan ako, pero pwede bang maghintay ka?"

[Ulol.]

"Ka," sagot ko at tsaka ko ibinaba Ang tawag. Duh! Alam ko namang miss na miss niya na ang kagandahan ko. Pero hayop pa rin sya.

***
Hindi na ako nagsalita nung magsimula na 'yung ceremony sa Shinto Shrine. Nasa harap namin nung hampaslupang burara yung Shinto Priest at dalawa pang babae. Nasa likod naman yung dugyot na chikadora at yung mga matitino at tapat na tauhan ng Yamaguchi.

Ginawa na kanina yung purification at nag-alay na rin ng dasal yung Shinto Priest kanina. Ngayon naman ay words if commitment daw. 'Wengya naman! Ang daming hanash!'

Unang nagsalita yung hampaslupang burara. "Watakushi wa kono josei to kekkonshi,
Fufu to narou to shite imasu,
Watakushi wa kenkouna tokimo,
Kono hito o aishi,
Kono hito o uyamai,
Kono hito o nagusame,
Kono hito o tasuke,
Watakushi no inochi no kagiri,
Kataku sessou o mamoru koto o
Chikai masu."

(This woman, I marry,
No matter what the health situation is,
I will love this person,
Console this person,
Respect this person,
Help this person,
Until death,
Protecting fidelity,
I swear.)

Bumuntong-hininga ako nung akk na 'yung magsasalita. Naituro naman na ang lahat ng 'to sa'kin pero dahil direktang nakatitog sa'kin 'yung burara eh kinakabahan ako. 'Kalma Amber, wedding vow lang 'yan, maganda ka.'
"Watakushi wa kono dansei to kekkonshi,
Fufu to narou to shite imasu,
Watakushi wa kenkouna tokimo,
Kono hito o aishi,
Kono hito o uyamai,
Kono hito o nagusame,
Kono hito o tasuke,
Watakushi no inochi no kagiri,
Kataku sessou o mamoru koto o
Chikai masu."

(This man, I marry,
No matter what the health situation is,
I will love this person,
Console this person,
Respect this person,
Help this person,
Until death,
Protecting fidelity,
I swear.)

Pagkatapos naman 'non ay ginawa na namin yung san-san-kudo. Three sips from three different sizes of cup. Sinunod na 'yung pag-aalay ng mga bulaklak at yung ring wearing.

Hindi ko na naman alam pero...parang bahagyang bumilis 'yung tibok ng puso ko nung ngumiti sa'kin yung negro habang isinusuot niya sa akin 'yung singsing kaya... Napangiti rin ako habang sinusuotan siya ng singsing.

"Yamaguchi-san, ohanashi shimasu. Anata wa ima, hanayome ni kisu o suru koto ga dekimasu."

(I now pronounce you, Mr. And Mrs. Yamaguchi. You may now kiss the bride.)

At doon...nya inilapat ang mga labi niya sa'kin.

***
Ikinumot ko ang infairness, medyo mabangong comforter nung negro hanggang sa bewang ko habang nakasuot ng Derek Rose Silk Pyjamas ko. Maya-maya lang rin ay lumabas na 'yung negro mula sa loob ng banyo niya habang may nakapulupot na puting cheap na tuwalya sa bewang niya.

"O bakit di ka pa natutulog?" tanong niya.

"Hindi pa ako inaatol eh, paki mo ba?" sagot ko sa kanya at tsaka kinuha ang iPhone 12 pro max ko. Wengya! Ano bang pwedeng gawin?! Pumikit na lang ako habang nakaupo pa rin, baka antukin ako. Pero wengya! Wala pa rin! Nagulat na lang ako nung pagdilat ko ay ga-dangkal na lang 'yung layo nung mukha nung burara sa'kin. "Wengya naman Shaun Birkins! Bakit ka ba nandyan?!"

"Kung sila mama't papa ang inaalala mo, ako nang bahala magpaliwanag sa kanila," sabi niya na halos bulong na lang pero rinig ko pa rin. Oo nga pala, hindi ako nakapag-paalam kala mama't papa, kay Azure lang.

Hindi ko na naman alam pero... "Bakit mo gagawin 'yon? Mahal mo ba 'ko?"

"Paano kung sabihin kong..." sabi niya at mas lalong lumapit. "...oo."

Muli niyang inilapat ang mga labi niya sa'kin.

***
Unti-unti kong iminulat ang mga magaganda kong mata at tsaka ko naaninag 'yung negro na payapang natutulog. 'Maitsura din naman pala 'tong hayop na 'to, eh.'

"Kaya naman pala hindi kayo sumasagot sa mga tawag ko." Dali-dali akong napaupo at inayos ang comforter sa dibdib ko at tsaka ako lumingon sa likuran ko.

'Anak ng puta!'

"Mama?!?"

MHIAMB Encounter: ShauBerWhere stories live. Discover now