SEVENTEEN

60 2 0
                                    

Part Seventeen
SHAUN's pov
It's been two months nung makalabas si Amber ng ospital, but it lasted for a month para naka-alis si Amber sa bed rest. About my foster mother Angelique, hinayaan muna namin siyang tumakas. Hindi pa 'yon ang tamang oras para mamatay siya, but I'm going to make sure she'll suffer enough.

"Hoy, nagugutom ako." Ayan na naman siya. Alas-tres ng madaling-araw, ang hilig ipaluto, Kare-kare. Tumayo na ako sa kama at inalalayan rin siyang tumayo. Buntis na siya't lahat, dala pa rin niya ang kaartehan niya.

"Hoy, malinis ba 'yang kamay mo, ah?!" 'Nampaka-ingay.'

Araw-araw siyang nagpapaluto sa'kin ng Kare-kare lasa alas-tres ng madaling-araw. Walang palya. Kahit nung mga panahong nasa ospital pa siya. Pinaapuwi niya pa ako Dito sa bahay kada madaling-araw para magluto. Kailangan pang naka-video call para makita niya na ako mismo ang nagluto.

"Bilisan mo nga, gutom na 'ko!"

***
"Uhh, have you seen Grayson?"

"Hindi," sagot ko sa tanong ng Queen of Spades.

"Ah okay, thank you," sagot niya. Maglalakad na sana ako paalis para hanapin 'yung babaeng maarte dahil wala sa kwarto nung makarinig kami ng tawa, ng...babaeng maarte. Nagpunta kami sa balcony at doon namin sila nakita. Magkasama 'yung babaeng maarte at 'yung gago niyang ex na Jack of Hearts. Magkasama sila at magkausap. Nakangiti 'yung Jack of Hearts habang may sinasabi tapos 'yung babaeng maarte naman, tawang-tawa. Psh, bahala siya diyan.

"Hoy, anong problema mo?" tanong sa'kin nung babaeng maarte pagkapasok niya ng kusina at tsaka kinuha ng mangkok ng strawberries sa ref. "Hoy, ano kako problema mo?!"

"Wala," sagot ko.

"Tanginang 'to, tinatanong ng maayos, eh. Ano nga?" tanong niya.

Kinunutan ko siya ng noo ko. "Bakit hindi doon sa gago mong ex ka magtanong?"

Mas kinunutan niya pa ako ng noo. "Tangina mo ba?" Nagsimula siyang mag-lakad paalis nang bigla siyang dumating ha ang hawak ang tiyan niya.

Agad ko siyang nilapitan. "Bakit?"

Pero agad niyang winaksi ang kamay ko. Aba't. "Ewan ko sa'yo tangina ka. Pupuntahan ko si Grayson, bahala kasa buhay mo!" sabi niya at tsaka siya umalis.

Napahilamos na lang ako ng kamay ko sa mukha ko. 'Tanginang buhay 'to, ako pa manunuyo.'

Alas-diyes na ng gabi at tulog na 'yung babaeng maarte. Tinitigan ko siya at hinaplos ang buhok niya, ganun din ang tiyan niya. Nakatalikod siya sa'kin ng higa so I just kissed the side if her head instead. 'I love my family, and I won't let anyone hurt 'em.'

***
Matapos ang isang buwan oa ay napagdesisyunan na nila Mama na umuwi na sa kanila. Hahayaan na daw nila kami Dito. Tulog pa ngayon 'yung babaeng maarte kaya gaya ng usual routine, dinala ko 'yung almusal niya sa kwarto para doon na siya kumain, tapos lalabas kami para maglakad-lakad kasama sila Pucci't Fifi. Minsan nags-shopping siya ng mga kung anu-anong mga kaartehan niya sa katawan. Nagsisimula na rin kaming mamili ng nga gamit ng kambal. Our children is a boy and a girl. Si Amber ang madalas mamili ng mga gamit na gusto niya at hinahayaan ko na lang.

Nanganak na si Mika-chan and gladly the enemies haven't done something up to now. 'Wag muna ngayon. Ilang buwan lang rin ay nanganak na 'yung Queen of Spades. Isang buwan lang rin, 'yung babaeng maarte naman.

Hawak ko lang ang kamay niya sa loob ng delivery room buong oras na nanganganak siya. And I can't explain the feelings I had the first time I heard my kids crying. The doctor handed the babies to us. Ngumiti 'yung babaeng maarte habang hawak ang babae naming anak, at tsaka namin sabay na inusal ang mga pangalan Nila. "Amberaine..."

"Shinichi..."

MHIAMB Encounter: ShauBerWhere stories live. Discover now