EIGHTEEN

66 2 0
                                    

Part Eighteen
AMBER's pov
"ASTRID... ALEX..."

Maganda akong nakangiti nung lumabas ako ng banyo. Nakita ko 'yung dalawang gwapo at maganda kong mga anak na, syempre, mana sa'kin, katabi ang ama nilang, jusko wala man lang kahit na anong pinamana sa kanila. Lahat, sa akin namana.

Eight months na mula nang manganak ako at buti na lang eh wala pang ginagawa 'yung tanginang Angelique na 'yon at 'yung mga kasamahan niyang hinayupak siya, pati ang pisteng 12th joker.

Dumapa ako sa kama habang pinapanood silang tatlong matulog. Shinichi Alexander and Amberaine Astrid Yamaguchi, my two little angels, and Shaun Birkins, my uhh, nevermind. Umagos na ako ng higa katabi nila. Napapagitnaan namin nung hampaslupang burara ang kambal habang nakadantay 'yung pareho naming kamay sa mga hita nila.

Gumising ako ng 4 am, pero 'wag ka, maganda pa rin ako. Nagtimpla ako ng gatas ng kambal para ipa-dede sa kanila. Maya-maya lang rin ay nagising na 'yung hampaslupang burara pero hindi ko na siya pinansin. Malaki na siya,  bahala na siya sa buhay niya. Pero nagulat ako nung lumabas 'yung siya ng walk-in closet habang may dalang Isang cheap na brown luggage, dalawang Chanel luggages ko, at dark blue and purple bags nila Astrid at Alex.

"Hoy, anong gagawin mo diyan?" pabulong kong tanong sa kanya. Pabulong lang dapat, baka magising 'yung mga bata.

"Aalis tayo," sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Saan?" Ano na namang plano nitong burara na 'to?

"Basta," sagot niya at tsaka bumaba.

'Anong plano n'yon?'

***
"Look, Astrid o..." sabi ko sabay turo sa dagat sa harap namin. Dinala kami nitong burara sa isang private beach resort, kasama sila Pucci't Fifi. Hawak ko si Astrid habang hawak naman nung burara si Alex.

Nilibot ko ang tingin sa buong lugar at nakita ko sila Pucci't Fifi na nagpapagulong-gulobg sa buhangin. 'Mga naghaharutan, amputa. Magkapatid kayo, ulol!'

Inalalayan naman naming maglakad sila Astrid at Alexa sa buhanginan. Inilabas rin namin ang mga laruan nila na binili nung hampaslupang burara at binili ko pa out of the country at nilaro sila. Ang sarap kurutin ng mga pisngi nila, ang ku-cute! Manang-mana talaga sa'kin! Walang namana sa ama nilang hayop, negro, at hampaslupang burara! Buti na lang!

Nung mag-tanghali na at bumalik na kami ng hotel room kasunod sila Pucci at Fifi para patulugin sila Astrid at Alex. Nung makatulog na sila ay nagpunta ako sa terrace at sumandal. Naramdaman ko naman ang mga braso nung hampaslupang burara sa bewang ko mula sa likuran.

Alam kong pareho kami ng iniisip. At gagawin namin ang lahat para mangyari 'yon. We'll do anything to stop this war. May mga bata na na pwedeng madamay. We can't afford to lose tegm. Mas hinigpitan nung hampaslupang burara ang yakap niya sa likod konkaya hinawakan ko naman ang mga kamay niya.

Kinabukasan ay nag-swimming kaming apat. Tuwang-tuwa sila Astrid at Alexes kaya naman mas lalong lumalabas ang kagandahan nila na namana nila sa'kin. Panay tawa 'yung dalawa na nagtatampisaw sa dagat habang hawak namin sila kaya natatawa din kami. Ganito pala 'lang ang feeling n'yon. Kapag may sarili kang pamilya. Motherhood. Mas nakakadagdag gandang saya.

Maya-maya rin nama'y umahon na kami. 'Yung hampaslupang burara na Ang pinagluto ko dahil duh, busy ako magpakain sa kambal. Dalawang baby spoons ang salitan kong hinahawakan dahil alangang maghawaan ng laway 'yung dalawa. Ang cu-cute talaga!

Patuloy kang ako sa pagpapakain sa kanila nung marinig kong parang umiingit si Alex kaya napatigil ako. "M..." Nanlaki ang mga mata ko nung may marealize ako. "M...mama." Punyeta!

"Hoy Shaun Birkins, halika dito, bilis!" sigaw ko kaya napatakbi 'yung burara papunta sa'min.

"Ano ba 'yon? Makasigaw ka naman, akala mo--"

"Nagsalita si Alex!"

Napakurap-kurap 'yung burara sa sinabi ko at tsaka tumingin kay Alex. Binuhat niya si Alex mula sa upuan at binuhat ko rin naman si Astrid. "Alex, what did you say?"

"M...mama!"

Natawa ako nung hindi maipinta ang mukha niya nung marinig niya ang sinabi ni Alex. Tumingin siya sa'kin nang nakakunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. "Bakit Ikaw?"

Inirapan ko siya habang tumatawa pa rin. "Aba malay ko, duh! Baka kasi mas gusto raw nila ako kesa sa'yo!"

"Mama!"

Napatingin kami kay Astrid na karga ko nung...putangina, siya naman ang nagsalita. Natawa rin ako kasi mas lalong hindi maipinta ang mukha nung negro, putangina.

***
Matapos ang tatlong araw namin doon ay umuwi na rin kami agad. Binihisan ko agad 'yung kambal at tsaka sila inilapag sa mga cribs nila para patulugin ulit. Hindi namin sila inihiwalay ng kwarto kasi naman, duh, bata pa sila.

"Ma'am... Sir..."

"O bakit?" tanong ko sa kasambahay na pumasok sa loob ng kwarto namin.

"Tubig po muna?" Napatingin ako sa tray na hawak niya na may dalawang baso ng tubig. Well, nauuhaw na rin naman ako, so...

"Erkey," sabi ko at tsaka kumuha ng isang baso at uminom, ganoon rin 'yung hampaslupang burara. Nung matapos akong uminom ay ibalik ko na 'yun sa tray at tsaka naman lumabas 'yung kasambahay.

Maya-maya lang ay bigla ko nang naramdaman ang antok. Tiningnan ko ang kambal at tulog naman na sila. Matutulog lang ako saglit. Humiga na ako sa kama. 'Saglit lang.'

***
Napakurap-kurap ang magaganda kong mga mata nung magising ako. Kinuha ko ang iPhone 12 pro max ko para tingnan ang oras.

"Tangina," bulong ko nung makitang ala-sais na. Oras na ng pagkain ng mga bata. Dali-dali akong tumayo para i-check sila. "Astrid? Alex?" Tangina. Bakit wala sila dito sa crib? Lalabas na sana ako para itanong sa mga kasambahay kung kinuha ba nila 'yung kambal o ano nung may mapansin akong puting papel sa lamesang  pinagpapatungan ko ng mga gatas nila. "Shit," sabi ko nung mabasa ko ang nakasulat.

'Don't worry, we can take care of your children.'
                                                  -12th Joker

MHIAMB Encounter: ShauBerWhere stories live. Discover now