Chapter O.5

3.9K 70 25
                                    

Senyora


***

NAKAKAINIS 'yong mga taong  paulit ulit. Kapag sinagot mo nang seryoso, "We?" ang balik-tanong. Kapag kinausap mo, parang shunga—SLOW?


"Facundo!"


Siya ang aking dakilang utusan. At kayo ang aking mga alipin. Kung ayaw mo ma-fire pag nagtrabaho ka sa 'kin, bilisan mo ang kilos. Intendes?


Nang makarating si Facundo, he was catching his breath. "Senyora! Ano'ng iuutos mo?"

 

Ang gusto ko, "within" five seconds after kong mag-utos, nandito ka na kung ayaw mong i-fire kita. Intendes?


Tinaasan ko siya ng kilay. "Lumagpas ka nang isang segundo. Saan ka galing?!" Nakapa-mewang akong tumayo. Ito ang tindig nang magaganda, ito akomaganda, um-epal ipasa-salvage ko!


"Nagdidilig ako ng halaman, Senyora," sagot niya.


Siya si Facundo, ang aking dakilang utusan. At ni minsan, hindi pa siya pumapalya sa aking mga utos! Minsan, nale-late nang 1 or 2 seconds, but still, ayoko siyang palitan. Ang gwapo niya kaya! Natawa ako sa naisip ko. Kinikilig ako. Sheeeyt!


Naglakad ako palapit sa kanya. "Aalis ako ngayon. Ihanda ang airplane!" Utos ko.



"Bakit? Saan kayo pupunta, Senyora?" Tanong niya.


Inilagay ko ang isang daliri ko sa labi ko, kunyari nag-iisip. "Sa oceana?" I sarcastically smiled. Pero, siyempre, hindi ko pinahalata. Nang makita kong hindi niya nga talaga na-gets ang sarcastic kong sagot, nagbago ang mukha ko. "Hindi ba airplane ang pinapahanda ko? Alangan lumipad ako sa dagat? Huwag kang shunga! Ihanda na! Magmadali ka!"



"Masusunod, Senyora!" Mabilis niyang sagot at agad na tumalima.



Diyos ko po! Tao nga naman. Bakit gano'n si Facundo? Habang tumatagal, nagiging shunga na rin? Hay, nahawa na sa mga alipin.


"Handa na senyora!" Malakas na sigaw niya mula sa labas.


"Good." I mumbled.


Lumabas na ako ng aking mansyon. Nakita ko si Facundo sa may open area sa labas ng aking mansyon.


Lumapit ako sa kanya. "Dalhin mo ako sa lugar na tayo lang ang nakakaalam," sabi ko. Malambing kong hinawakan 'yong pisngi niya. I was seducing him. Sana lang, effective.


"A-anong ibig mong sabihin, Senyora?" kandautal na tanong niya sa 'kin.


COMPLETED: SENYORA (Vice Ganda) - Ian Joseph Barcelon (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon