7: Ouch. That hurts.

56 1 0
                                    

7: Ouch. That hurts.

"Sasama ka ba sa South? Dun na lang tayo maglunch." tanong sakin ni Tristan habang naglalakad kami to no specific place.

"H-hindi na. Ano... May gagawin kasi ako."

Hindi ko alam kung pano kami umabot na ganito kaclose na. Sabi ko nga, ilang ako sa mga lalaki. I don't want to repeat the past again. Pati mga barkada namin nagulat na lang na one day, ganito na nga kami kaclose. We spent our vacant time together. Sabay din kaming kumakain ng lunch. Kahit kaming dalawa lang palagi, okay lang naman sakin. But since the day na sinabihan ako ng barkada na I'm so close na daw, that's when I realized something.

I need to make a space between us.

Looking at him, I don't even know kung bakit ako naging close sa kanya.

"Ah. Okay. Text-text na lang." No Comm Arts for today kaya baka hindi na ulit kami magkita.

"Sige. Ingat."

"Yeah. Ingat din."

Spell awkward. Nakatingin lang kami sa isa't isa at naghihintay na may magsalba samin sa most awkward moment na yata namin.

Siya na ung unang umalis. I couldn't even understand his expression.

Nahalata na ba nya ung pag-iwas at pagkailang ko sa kanya?

Sana hindi na lang nya mahalata.

*sigh*

"Hoy, Ellaine naman! Buong araw ka na yata nagbubuntong hininga dyan." sabi sakin ni Mara. 

Throughout the whole day, parang wala akong gana. I hate myself for what's happening to us. Lalo namang naiinis ako sa sarili ko kasi in the first place, why am I so affected huh? "Wala. Pagod kasi ako." 

"Pagod sa? Love life?" – Clarence

"Stop it. Love life ka dyan." I ignored them na lang at pinasakan ng earphones ang tainga ko. Nakakainis! Lalo lang yata akong nainis dahil sa kanila.

"Nagtext si Ryan. Gusto nyo daw bang kumain later sa Pizza Hut? Libre daw ni Tristan." biglang sabi ni Claire.

Tinanggal ko naman ung earphones ko. "Huh? Libre nya?"

Lahat naman sila nagtawanan. O-kay! What did I say?

"El, di ko malaman kung sa libre ka ba interesado o sa tao eh." – Lovely

"Hahahaha!"

"Bahala nga kayo dyan!" Nagtanong lang naman ako ah. Pft!

In the end, after class eh pumunta na kami sa Pizza Hut malapit sa school. Nandun na silang apat.

Lahat ng barkada nag-upuan at dahil nasa likod ako, nagulat na lang ako nung makita ung isang vacant seat.

"Upo na, El." – Paolo

Sinamaan ko na lang sila ng tingin. Bwiset! Pinagtitripan na naman nila akong LAHAT. Umupo na ko sa tabi ni Tristan.

"Happy birthday, Tristan!"

I was shocked when they all greeted him in unison.

Oh my! I didn't know.

Nakanganga lang ako dun at tumahimik na lang the whole time. I feel so bad.

Why am I even avoiding him in the first place? Pati ung past ko dinadamay ko pa sa friendship namin. Now I feel so ashamed. Katangahan ko naman. Ano naman kung ilang ako sa mga lalaki tapos naging kaclose ko sya ng ganun? Bakit ba kasi binibigyan ko pa ng big deal un eh? (__ __ )

And just like what I said, pinagtitripan talaga nila kami. Iwan ba naman kaming dalawa lang. Mauuna na daw silang LAHAT. Umangal pa ko eh no use din naman.

Now we're both walking in silence. I know I should speak. It's my fault, after all. "S-sorry di ko alam. H-happy birthday."

"Okay lang. Hindi pa naman tayo ganun kaclose para mag-expect ako na malaman mo. Nalaman lang naman ng barkada mo kasi sinabi nila Ryan."

Ouch.

I don't know why but...

That hurts.

The Vacant SeatWhere stories live. Discover now