5: The Payment

50 1 0
                                    

5: The Payment

"Tristan, sige na. Please?" Kanina ko pa siya kinukulit pero ayaw naman nya akong pagbigyan.

"Ayoko nga eh. Ang kulit mo. Bakit ko naman idodrawing yang lalaki mo? Mapagkamalan pa kong bakla nyan eh."

"Ang OA mo! Bakla ka dyan. Edi sabihin mo nagpapadrawing lang ako sayo. Sige na. Ang galing mo kayang magdrawing. Aba kung may 1% na talent ako sa pagdodrawing edi sana di na napapangal bunganga ko sayo kakakulit dito."

"Panong di ka mapapangal eh dada ka ng dada dyan?!"

"Pre, nag-lLQ na naman kayo?" – Ryan

Oh. My. Gosh. What did he just say? I almost puked hearing that one. "Please, kadiri ah!"

Sinamaan lang ako ng tingin ni Tristan. "Talagang kadiri! Magdrawing kang mag-isa mo."

"Hala, Tristan naman!"

Since that time, hindi nya na ko pinansin throughout the whole subject. Eh sa Comm Arts ko lang naman sya kaklase kaya hindi pwede. Dapat talaga mapapayag ko na sya.  Sinusundot-sundot ko na sya pero dedma pa rin. Ang sama na nga ng tingin sakin. Why he's so sunget? Parang magdodrawing lang naman eh obvious naman na hobby nya ang pagdodrawing.

"Class dismissed." At laaaaast!

"Tristan!" Hinawakan ko ung braso nya kasi aalis na sana kagad sya.

"Wag ka nga magulo. Pupunta pa ko sa library." Umalis na sya.

At dahil uwian na naman namin ngayon... "Guys, di na muna ako sasabay ha? Ingat."

They were all looking so weird at me. Sanay kasi ang barkada na sabay-sabay kami palagi. It's so unusual for me na humiwalay sa kanila.

Well... I'm on a mission.

Sinundan ko kagad si Tristan papuntang library. Grabe. Ang bilis maglakad. Parang tumakbo nga yata sya eh.

Okay na naman kami ni Tristan eh. After all, 'friends' na nga kami. But of course, di mawawala ung times na hindi talaga kami nagkakasundo. Besides, ilang pa rin ako sa kanya. Hindi na siguro mawawala sakin ung pagkailang ko sa mga lalaki.

Nagswipe na ko ng ID after i-check ung bag ko then sinundan ko na sya sa table na pinuntahan nya. Iniwan nya ung bag nya dun kasi bawal ang bags sa Filipiniana section. Kaya umupo na lang ako dun para hintayin sya.

How am I supposed to convince that jerk? If I am not too desperate to have that drawing edi malamang hindi ako namomorblema ng ganito. >_<

"What are you doing here?" inis na bungad nya sakin after niyang makabalik.

"Drawing mo na kasi ako." I pouted.

"Ayoko nga. Dun ka na. Mag-aaral pa ko." Umupo na sya sa harap ko.

"Wow. Ikaw nag-aaral?"

He just glared at me.

Kasi naman... Sorry ah. He doesn't look like the studious type noh. Besides I always see him drawing in Comm Arts instead of listening to the discussion eh.

"Tristan."

"..."

"Huy!"

"..."

"Sige na."

"..."

"Isa lang talaga."

"..."

"Tristan naman eh!"

At last, tumingin na din sya sakin! But when I looked around, oh geez! Napayuko na lang ako. Ang daming taong nakatingin sakin. Shame! TT_TT

"Ang ingay mo."

Di ko na lang sya sinagot. Kasalanan nya un eh. Ayaw nya akong pansinin.

"Tss. K fine. I'll do it. Dodrawing ko na ung kinaaadikan mong T.O.P na yan."

Bigla akong napatingin sa kanya at nanlaki mga mata ko. "O.M.G! Talaga?" I can feel na namumula na ko sa tuwa and nagsparkle na ung mga mata ko. Did I hear him right? Pumayag na sya? (*O*)

"But I need a payment for that."

"Eh? Payment?" Hala! Naghihirap na ba sya. So he needs money? Pagkakakitaan nya pa ung pagdodrawing nya?

"Yeah."

"Eh magkano?"

"Hindi magkano. Ano dapat."

"Oh eh ano?" Di pa kasi sabihin eh. Daming arte.

"Date me."

The Vacant SeatWhere stories live. Discover now