Kabanata 43

1.7K 127 59
                                    

The weeks flew swiftly until the wedding of Kuya Jonas and his bride, Sofiel. Maaga kaming lumuwas ng San Bartolome para pumunta sa isang sikat na five-star hotel sa Bayshore. Nandoon kasi ang team ng makeup artist na hi-ni-re ni kuya para sa mag-aayos sa bride niya, sa mga bridesmaids nito, pati na rin sa magiging maid of honor.

Gawang ako lang naman ang aayusan roon, nagpaiwan si Papa at tanghali na raw siya luluwas ng bayan kasi hapon pa naman gaganapin ang kasal. Gino came with me. Maski sinabihan ko na siya kagabing ayos lang na mag-isa ako, sumama pa rin siya sa akin at hinatid ako.

"Okay. You're all done," sabi ng babaeng makeup artist sa akin.

Nakatingin kaming pareho sa harap ng salamin. Nakahawak ang babae sa magkabilang balikat ko at namumuri sa kung paano bumagay sa akin ang outcome ng gawa niya. She glammed my makeup in an almost no-makeup look. Maging ang buhok ko inayusan rin ng team niya. I fashioned a low bun hairstyle with strands of my natural wavy hair on the sides.

"Thank you," ngiti ko rito.

She showered me with another praises before finally letting me go. Umalis na ko roon para maayusan naman ang iba pang bridesmaid na nandito. Dalawang dalaga ang pumasok at nang madaanan ko, naghahagikhikan sila at nagbubulungan kesyo ang guwapo raw ng nandoon sa labas.

Nang lumabas tuloy ako ng silid, at nakita ko nga ang damuho na nakatiklop ang mga kamay sa dibdib niya habang nakasandal sa gilid, napailing ako.

"I told you to wait for me in the lobby. Naghintay ka tuloy d'yan," banggit ko pagkasarado ko ng pinto.

Wearing already that dark-blue suit which was tailored specifically for his built, Gino glanced at me sideways. A white buotonnier pinned on his right lapel.

Tumindig siya nang malapitan ko. "Hindi ka naman ganu'n katagal."

Nakipagbolahan pa nga sa akin iyong makeup artist, hindi matagal? Kung alam ko lang na hindi siya bababa sa lobby gaya ng suggestion ko kanina, umeskapo na ako pagkatapos maayusan.

Nakapamaywang ko siyang tiningala hanggang sa makalipas ng ilang sandali, napangiti na lang ako. This savage.

"Gutom ka na ba? Gusto mo kain muna tayo sa restaurant nitong hotel. Nag-message si Papa kanina kaaalis niya pa lang ng San Bartolome," mungkahi ko kasi maaga siyang nagising kanina.

Tumango siya. "Sige."

Naglakad na kami sa pasilyo nitong palapag. Nasa baywang ko ang kamay ni Gino at sa unang beses, hindi ako nahiya o nailang na baka may makakita.

The elevator reached our floor and we've both found out that it's vacant. Mas gusto ko iyon kasi pribado. Pumasok kami sa loob at pumuwesto ako roon sa dulo. Nasa harapan ko naman si Gino at siya na ang nagpindot ng button. Ngunit imbis na lobby ang pindutin niya, basement ang umilaw nang diinan niya iyon.

Nagtataka man at napapakurap ang mga mata, napatingala ako sa kaniya nang harapin niya na ako.

"Ah, okay. Hanap na lang tayo makakainan sa daan?" I asked Gino.

But instead of answering me, he held my chin and slowly neared himself towards me. Inipit niya ako sa kaliwang gilid at bago pa man ako makatanong ng panibago nang padampiin niya ang labi sa akin.

Namilog ang mga mata ko. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa malamig na handle habang ang kanang kamay naman nagamit ko panghampas sa braso niya. Susuwayin ko sana uli siya pero nadagit niya ang palapulsuhan ko ng isa niyang bakanteng kamay.

My eyes darted at the upper right corner of this elevator. Oh, my. There's a CCTV!

Pumikit ako ng mariin sa kahihiyan na baka nakikita kami ng nasa surveillance. Hindi man makikita nito ang mga mukha namin kasi nakatalikod ang damuho at natabunan ako ng malapad na katawan nito kaso nakakahiya pa rin.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now