Kabanata 23

1.6K 125 37
                                    

Few years back, lolo would always tell me that our family's humility caught the hearts and trusts of our townspeople—at ngayong malaki na ako, ganu'n din ang parating pangaral sa akin ng tatay ko.

The Fuegos will always stay humble. Na kahit nasa amin ang kapangyarihan mananatili kaming mabuti at hindi titingnan ng mababa ang mga nasasakupan. Na kahit may gumawa sa amin ng kasalanan mas pipiliin naming huwag gumanti para sa katahimikan ng lahat. Lumaki akong tinatanim iyon sa aking isip, at habang lumilipas ang panahon iisa at iisa lang ang napagtatanto ko. That I wasn't like them.

Mapanghusga ang mundong ito lalo na sa mga katulad ko. Maging mabuti ka man pero mayroon at mayroon pa ring kukutyain ka. Mama would always remind me that this life would be difficult, and that I should always stand firm as I face the world. Napakarami ng mga pangaral na narinig ko noong bata pa pero ang sa yumao kong nanay ang pinakatumatak sa akin. Hindi ko dapat hayaang tratuhin ako ng iba na mababa at hindi karespe-respeto.

Magawa man nilang mapatumba o mapaluhod, pero babangon at babalikan sila ng isang Rhiannon Engres Fuego.

"Bye, Pa. Have a good one at work," ang paalam ko bago kumiling sa shotgun para patakan siya ng halik sa pisngi.

Ngumiti si Papa. "Yours as well, 'nak. Umuwi ng maaga pagkatapos ng program, ok? Don't be late for dinner."

"Ok." Tumango ako sa paalala niya. Bumaba na sa itim naming kotse bago tumungo papuntang main gate ng paaralan. Tumulak rin kalaunan ang sasakyan namin na binuntutan ng mga convoy ni Papa.

Maingay sa loob ng campus at maski nandito pa lang sa entrance mababatid nang may event mamaya—one of the reasons why we were also allowed to sport any casual wears today. I was wearing a black pleated half skirt, black short-sleeved crop top, black pair of boots that made my milk-white complexion stand out. Hindi ko nga alam kung ito ba ang pinagbubulungan ng ibang mga nakapila ring estudyante, o dahil sadyang nakita na nila uli ako pagkatapos ma-suspend ng isang linggo.

Gustuhin ko mang pagpapatulan ang mala-bubuyog na bulungan nila pero inirap ko na lang. Papa just told me to have a good day. Hindi ko gustong mabuwisit ng maaga 'tsaka sinadya ko rin talagang magsuot ng itim ngayon kasi mamaya.. may paglalamayan kami ni Gino.

"Sandali, ano 'to?" Tanong ng guwardya nang inspeksyunin niya na ang sling bag ko. Lumukot ang noo niya nang angatin ang isang boteng may laman na likido ngunit walang label.

I knew this might happen. I wanted to curse myself. Sana pala pinadala ko na ito kanina kay Gino. Umaga pa lang kasi nang umalis na siya kasi may warm-up raw sila ng basketball.

Ugh. E di sana 'di ako nag-iisip ng maidadahilan ngayon!

"Uhm, it's my meds." alibi ko.

Tumitig lalo ang guwardya sa boteng hawak niya. Sumingkit ang mga mata nito.

"Ba't walang tatak.. atsaka ba't ganito amoy?" sabi niya nang buksan ito at itapat nga ang ilong—pero agad ring isinarado nang marahil masangsangan rito.

"E kasi nga gamot? D-duh." pamimilit ko pa rin na ngayon magkahalo na sa boses ang pagkayamot at pagkanerbyos.

"Pamilyar 'yung amoy; parang nagamit ko na 'to noon." ani ng guwardya.

Nangarera ang puso ko! Paano kung maisip niya bigla kung ano iyon?

The liquid was laxative. Pampapurga ika nga ni Gino. Siya ang bumili nito sa drugstore kahapon. Siya rin ang nakaisip nito nang pagplanuhan naman namin ang gagawin para kay Renzo. Naisip ko na kasi ang balak ko sa bruha pero wala pa para sa palikerong iyon. Nagulat ako nang may i-suggest bigla ang damuho, at hindi ko man pinahalata sa kaniya pero nagustuhan ko iyon. Pupurgahin namin siya. Renzo was a shit and shitting will be the only thing he will be doing during the championship.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon