Kabanata 34

1.6K 123 25
                                    

"Ba't ka nandito?" tanong ni Gino nang makalapit.

Jealousy was welling up on me. Pakiramdam ko nu'ng mga sandaling iyon, lahat ng salitang maririnig ko sa kaniya kung hindi magpapairita sa akin, magpapahinala lalo sa mga naiisip ko sa kaniya. There was another girl in this room and Gino didn't even inform me that.

The latter thought dominated me, obviously. "Masama bang puntahan ko opisina ni Papa? I mean, he may be the mayor pero anak niya naman ako, right."

Napakunot ang noo ni Gino. Naglaro ang pagtataka sa mga mala-uling na mata. Mataman muna siyang tumitig ng ilang segundo bago nakuhang sumagot sa tanong ko.

"Hindi naman sa ganu'n pero sana nagsabi ka muna –"

"Para mapaghandaan mo?"

Naiwan sa ere ang dapat niyang sasabihin. Napansin ko naman sa likuran ang paglapit sa amin ng babaeng trainee. Nakiusyoso na rin marahil sa amin dahil siya na lang ang nasa sulok. It was then that the realization in his charcoal-black eyes became visible.

"Putang¡na," mahinang mura niya bago napahagod ng ulo.

I smirked. Nakuha na yata ng damuho ang pinaghuhugutan ng inis ko. Samantala, tahimik naman sa gilid namin ang sekretarya na si Vanessa. Pasalit-salit niya kaming tinitingnan ni Gino kanina. Hindi ko alam kung may namuong teorya sa isip niya habang nakikinig sa sagutan namin, at kung ganu'n man subukan niyang ipagkalat iyon sa iba at makakatikim talaga siya sa akin. Even the mayor won't stop me.

Bumaling na uli ako kay Gino nang parang may ibinulong sa kaniya ang dalaga. Nagtanong pero hindi ko gaanong narinig kung ano – basta pagkatapos siyang sagutin ng boyfriend ko, nakangiti niya na akong hinarap.

"Ikaw pala si Rhiannon? Oh, god. I heard lots of you!" sabi niyang masigla.

I cocked an eyebrow. "Really?"

Tumango siya. "Yes, really. Nakita ko na rin ng personal ang anak ni Mayor Jon. Oo nga pala my name is –"

"Rhiannon, siya nga pala –" sabat sana ni Gino kaso pinanilawan ko siya ng mga mata kaya nahinto rin siya.

Bumaling na uli ako sa babae. "Sorry. Sino ka ulit?"

"Yllana." pakilala niya. "Yllana Garcia."

Her surname rang a bell. Napatitig ako sa kaniya ng mas mabuti kasi naalala kong narinig ko na ang pangalang 'yan noon. Maganda si Yllana. Maputi at prominente ang pagiging Filipina. Matangos ng kaunti, manipis ang labi, maliit ang mukha.

Garcia.

"Sa inyo ba 'yung country club na katatayo lang months ago?" I remembered. Garcia ang apilyido ng mga may-ari nu'n sabi ni Papa. Tumango si Yllana.

"Right! Pero ba't wala ka nu'n noong pina-blessing namin ang club? Si kuya mo lang nandu'n kasama ni mayor, eh."

"U-ulitin mo nga sinabi mo?" nang parang may hindi ako nagustuhan sa sinabi niya roon.

"I mean, no offense meant, sis. Sayang lang kasi kung nandu'n ka din e di magkakilala na rin sana tayo like ng kuya mo." She giggled. Hindi nga talaga ako pinaglalaruan kanina ng pandinig ko. She did call Gino my brother.

I smirked. Kuya, huh?

Napatingin ako kay Gino. Nakabaling pa rin siya sa akin. Madilim ang mukha niya na para bang hindi niya na nagugustuhan ang nagiging topic namin. Iba rin pala. Nagkukunwari pang ayaw itago ang relasyon namin pero siya naman pala itong pinapakilala ako sa iba na nakababatang kapatid niya.

Humarap na uli ako kay Yllana. "Naku, sorry. Naging busy kasi ako last time pero narinig ko naman kay 'kuya' na nag-enjoy raw siya du'n."

His dark presence grew heavy after that. Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin ang pinagmumulan nu'n kahit parang tumutusok sa balat ang pagtitig na sa akin ng damuho.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now