Kabanata 20

1.8K 111 22
                                    

What happened during breakfast was just the start of something worse. Naging rebelde sa mga sumunod pang araw si Gino. Hindi lang sa mansyon. Pati na rin sa ibang lugar tulad sa paaralan.

He skipped subjects several times that irked our professors, kasi kung nasa classroom man madalas namang nakikitang tulog o maingay. Namimilosopo rin ng mga guro at nang-iinis ng ibang kaklase. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang tumawag sa amin si ninong para ipaalam sa tatay ko ang mga ginagawa niya, especially that one time he was caught drinking liquor just outside school.

Hindi na rin siya nakakasabay sa amin kumain tuwing hapunan. Gabi na kasi siyang umuuwi at isang beses pa lang yatang bumalik nang 'di nakainom. Hindi naman siya masita ni Papa kasi sa kada pagsasabihan niya si Gino parating nangbubulyaw at gawa ngang nakainom kaya nauuwi sa pagbabasag ng mga gamit tulad ng ginawa niya noong una.

I was so guilty! I knew I am accountable for his change of behavior. Naalala ko na 'yung nangyari sa amin noong gabing malasing ako. I blamed him for something he wasn't even responsible. Wala siyang kasalanan sa nangyari sa akin pero sa kaniya ko binuhos ang lahat. I even cried I should have never met Gino. Hindi na lang sana siya nanghimasok sa buhay namin, at ngayong nangyayari na nga ang hiningi ko halos lamunin ako ng konsensiya, kasi kung alam niya lang nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nagkakaganu'n. Hindi siya ganu'n. Hindi ganu'n si Gino!

Tahimik kong binuksan ang pinto ng home office ni Papa. Sumilip ako sa siwang. Nakita kong tahimik siyang nag-iisip sa kaniyang upuan. Nakaharap sa direksyon ng bintana habang nakapahinga ang likod sa sandalan.

"Pa?" mahinang tawag ko.

Umikot ng kaunti ang swivel chair ni Papa. The afternoon sunlight from his window gave a solemn ambiance. Nababalot sa anino ang tatay ko gawang nakatalikod siya sa liwanag ng araw.

"Can I come in?"

Hindi siya sumagot. Hindi rin naman niya ako sinabihang umalis. Huminga ako ng malalim atsaka tinipon ang lakas ng loob na harapin siya. Pumasok ako sa opisina niya at tahimik na sinarado ang pintuan.

I'm still suspended. Wala akong ginawa sa mga nakalipas na araw kundi ang mamalagi lang rito sa mansyon, at sa pamamalagi ko ngang iyon kaya nasasaksihan ko kung gaano naaapektuhan ang tatay ko sa nangyayari. Papa opted working at home for the past few days. Dumadaan na lang ang sekretarya niya para ihatid at kunin ang mga dokumento na kailangan niyang mabasa at mapirmahan.

Tumungo ako sa desk niya at nang makalapit sa gilid isang matipid muna ang ipinakita.

"How's work, Pa?" tanong ko.

Napatitig siya. Nakita ko sa mga mata niya ang kawalang-interes. Nangirot ang puso ko pero naintindihan ko naman. Pareho naming alam kung gaano ko kinasusuklaman ang trabaho niya.

"Work is fine, hijo. I was just taking a break.. contemplating over something.. someone." sagot niya kalaunan at bumuntung-hininga.

"Si Gino ba?" I asked. I cannot blame my father turning hesitant. Huling beses na pinag-usapan naming mag-ama ang binatang iyon nauwi lamang sa pagtatalo. Humarap uli ang tatay ko sa direksyon ng bintana.

"Your ninong just called an hour ago. Gino had a fist fight with a student from another school yesterday. Nakipagsuntukan. Na naman. Nagrereklamo ngayon 'yung magulang nung nakaaway niya."

Nanikip ang dibdib ko sa narinig. This is the third time we received a call regarding his square fights. Ano bang nangyayari sa'yo, Gino?

"May nagawa ba kong mali, Rhiannon?" tanong bigla ni Papa.

Napabaling ako sa kinauupuan niya. Nakaharap pa rin sa bintana si Papa. The specially made basketball court was in full view from this window.

"Napakaraming panahon ang ginugol ko para hanapin siya. Napakatagal kong naghintay. Napagbigyan naman ako sa hiling ko pero parang unti-unti na uling nawawala. Was I wrong for fulfilling that dream I so desire?"

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now