Chapter 5

13 1 0
                                    

Pinagmasdan ko mula dito sa labas ang gate ng bago kong school. Hindi ako mabilis maka-appreciate ng mga bagay-bagay pero putspa! Di hamak na mas maganda naman ‘to kesa sa dati kong school. Sana nga lang maganda din ang pag-uugali ng mga studyante dito.

"Miss, nasan ang student ID mo?" pagharang sakin nung guard. Kinuha ko ito sa bulsa ko at pinakita sa kanya. "Isuot mo kaya." dagdag pa niya.

"Okay!" tipid kong sagot at sinuot ito sa harap niya.

Tinignan niya ako ng mabuti na para bang kinakabisado niya ‘yung mukha ko at saka nagsalita—"Sige, pasok na."

Hindi na ko sumagot pabalik at dire-diretso ng pumasok sa loob. Hindi ko na ide-describe ‘tong King's College dahil masyado ng common ‘yun at isapa tinatamad na ko magsalita. Basta isipin niyo na lang medyo sosyal lang siya kesa sa public. Malamang, private school nga. Taena, basta mas maganda at sosyal siya.

Mukhang hindi pa ko late at start pa lang ng klase dito dahil may mga dalang gamit din ‘tong mga students na kasabayan ko. Pinagkaiba nga lang sila mga naka-luggage ako naka malaking backpack. Pinagtitinginan tuloy nila ako at mukhang nilalait-lait na ko dahil sa tawanan at bulungan nila.

Wala kong pake! Mga pakshit!

Tinatamad akong magbitbit at isapa damit lang naman dala ko kaya bakit pa ko mag-luggage. Pabigat lang ‘yan! Eh kasya din naman dito sa bag ko ‘yung mga dala ko. Yung uniform naman namin ay libre daw at nasa kanya-kanyang locker namin. Sossy, ha?

Tinignan ko ‘yung papel na hawak ko at ng makita kong number 69 ang room number ko ay kaagad ko ng pinuntahan ‘yun. Mukhang madali naman matunton dahil doon din papunta ‘tong mga babaeng kasabay ko kaya sinundan ko na lang sila.

Kinuha ko ‘yung duplicate key na meron ako at binuksan ang pinto dahil alam kong may kasama ako dito sa room na ‘to. Kaagad akong pumasok at nilapag ang dala kong bag sa lapag katabi ng kamang pinili ko though same lang naman ang design dun sa isa. Buti naman magkahiwalay ang dalawang kama hindi katulad sa mga usual na baba at taas. Kakapagod kaya mag-akyat baba.

Dahil na din sa sobrang pagod sa byahe ay nakaidlip ako at nagising na lang ako ng may maramdaman akong yumugyog sakin ng bahagya.

"Tangina, istorbo!"

"Hala! Sorry!"

Napakunot-noo ako at dahan-dahan  minulat 'yung dalawang mata ko. Nakita ko siyang nakatingin sakin. Infairness, maganda siya. Singkit at maputi, parang si Julz lang.

"Hi! Uhmm, di ka pa ba bababa? Hapon na kasi and you know, baka nagugutom ka na or may gagawin ka pa?"

Nagkusot ako ng mata. "Anong oras na ba?"

"Its already 3 in the afternoon." sagot niya.

Napabalikwas ako at bahagyang nag-unat-unat bago tumayo. Medyo napahaba pala ‘yung idlip ko. Pakshit! Kukunin ko pa naman ‘yung uniform ko tas mag-aayos pa ko gamit. Tulog pa more!

"Ganon ba? Sige salamat! Bababa na ko."

"Sabay na tayo, gusto mo?" offer niya.

Tumango na lang ako. "Sige!"

"I'm Joan by the way!" pagpapakilala niya habang naglalakad na kami palabas.

"Archie." tipid kong sagot. "Ikaw na ba roommate ko?" tanong ko.

"As of now, yes!"

"Bakit may as of now? Temporary lang ba ‘yan?"

"Sa pagkakaalam ko, oo. Kasi may chance pa na mabago ang makakasama mo or ako since di pa finalize ang number of enrollees. May mga humahabol pa kasi." paliwanag niya.

"Ah, okay din pala na hindi muna ko nag-ayos ng mga gamit ko."

"Yes, kasi may chance pa na ikaw 'yung malipat or ako."

"Ay, ganon?"

Tumango siya. "Yes!"

"What the—Anong ginagawa mo dito?" biglang may sumigaw sa gilid ko kaya napatingin ako doon.

Nanlaki ang mata ko. "Sunny? Tangina, malas!"

Ang Babaeng Hindi Mahilig MagmuraWhere stories live. Discover now