Chapter 4

10 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko ng biglang pabalibag na bumukas ‘yung pinto ng kwarto ko.

"ARCHIEEE! LILIPAT KA NA DAW NG SCHOOL?" malakas ang boses na tanong ni Julz. Malungkot ang mukha niya at mangiyak-ngiyak. OA naman nito, kala mo naman mangingibang bansa na ko kung mag-drama.

Tumango ako. "Oo."

"Saang school ka ba lilipat? Bakit biglaan naman kung kelan one week na simula nung pasukan natin."

"Ewan ko ba dyan sa nanay ko kung ano nanaman ang trip." Kinuha ko ‘yung envelope at tinignan ‘yung pangalan nung school na papasukan ko. "King's College pangalan nung school. Private daw ‘yan at wag mo ng tanungin kung paano ko nakapasok dyan dahil hindi ko din alam."

"Hala, lilipat na din ako. Ayokong mag-isa." parang batang sabi nito.

"Parang tanga ‘to! Hoy, first year college ka na, hindi elementary na kailangan lagi ng kasama."

Hinawakan niya ‘yung kanan kamay ko kaya natigil ako sa pag-eempake ng mga damit ko. "Ayaw mo na ba kong kasama? Grabe ka naman! Ako na lang yata may gusto na magkasama tayo."

"Syempre gusto ko. Kahit maarte ka, ayoko naman humiwalay sayo kaso isipin mo din ‘yung gastos at tuition doon." tapos ay hinila ko ‘yung kanang kamay ko pabalik at tinuloy ang pag-eempake ko.

Naka-dorm daw kasi doon kaya kailangan ko talagang mag-baon ng mga damit na gagamitin ko. Kahit pang isang linggo lang daw kasi every week pwede naman daw umuwi kaya talagang saktong pang-isang linggo lang ang kinuha ko. Syempre gusto ko pa din naman umuwi para makita ang nanay ko lalo pa't mag-isa na lang siya dito.

"Wala naman problema sa gastos at tuition. Kaya naman bayaran ‘yun!" sagot niya.

"Edi kayo na mayaman. Tanginang ‘to mayabang."

"Haha! Mayaman din naman kayo, ah? Tignan mo nakapasok ka nga dyan sa school na ‘yan, eh."

"Malay ko ba kung nag-magic lang ‘yung nanay ko para makapasok ako dito. Baka mamaya nga scholar lang ako dito sa King's College na ‘to kaya nakapasok ako." reason out ko. Hindi ko din naman natanong pa sa nanay ko kung paano ko nakapasok dito pero feeling ko sa scholarship talaga.

Tumango-tango naman siya. "Hmm, pwede din. Pero kakausapin ko si Papa para ilipat din ako ng school."

Napabuntong-hininga na lang ako. "Kulit mo! Bahala ka sa buhay mo." sumusukong sabi ko. Hindi naman ako mananalo sa kulit nyan.

Kung tutuusin gusto ko talaga na magkasama kami kaso baka magalit naman sina tito at tita sakin. Baka sabihin nangti-trip nanaman ‘tong si Julz. Putspa naman kasi ‘tong babaeng ‘to. Dapat talaga sa private ‘yan mag-aaral kaso dahil nga sa public ako, ayun sumunod sakin. Tapos ngayon naman na nilipat ako ng nanay ko sa private ganon pa din. Nakakahiya naman sa mga magulang niya.

Pakshit naman kasi. Ewan ko ba dito sa nanay ko at bestfriend ko. Parehong may katok sa ulo. Sila ata talaga ang mag-nanay, eh.

Napa-pout siya sa sagot ko. "Ah, basta. Lilipat din ako. Period!"

"Oo na, oo na!" sagot ko na lang para matapos na.

Napa-yes naman siya sabay ngiti ng malapad. "Yiee! Gusto niya din magkasama kami, kunwari pa. Sige na ba-bye na! Kakausapin ko na si Papa." paalam niya at nagmamadaling umalis.

Natawa na lang ako. "Last mo na ‘yan, ah? Sabihin mo sa Papa mo." pahabol kong sigaw.

Ang Babaeng Hindi Mahilig MagmuraWhere stories live. Discover now