Chapter 2

13 1 0
                                    

"Class dismissed."

"Nice!" nakangisi ako habang mabilis na nag-ayos ng mga gamit ko. Hindi ko na inayos, basta isinuksok ko na lang sa bag ko lahat. Mamaya ko na lang aayusin pag-uwi.

"Chie, bakit ba madaling-madali ka umuwi ah?" nagtatakhang-tanong ni Julz habang nag-aayos ng bag niya. 

"Wala naman!" nakangiti pa din sagot ko.

"Anong wala? Alam ko 'yan mga ngiti mong ganyan."

"Bakit? Ano bang meron sa ngiti ko?"

"Mukha lang naman may binabalak na di maganda." sarcastic na sagot niya at saktong tapos na din siya mag-ayos ng bag niya.

"Ano? Tara na?"

Kumuha siya ng face powder at nagsimulang magpahid sa mukha niya habang nagsasalita. "Wait lang naman! Mag-retouch lang ako. Ang haggard ko na, eh."

Napakamot ako sa kilay ko. "Ano ba yan! Uuwi na lang sa bahay kailangan pa magpaganda."

"Halerrr! Dadaan pa tayo sa labas, baka may makakita sa akin na ang haggard haggard ko. Nakakahiya!"

"Alam mo?"

"Hmm?" habang naglalagay naman ng liptint.

"Ang arte mo!" komento ko. "Bilisan mo na nga dyan! Baka mamaya di ko na maabutan 'yung tae na 'yon."

Mabilis niya naman tinago 'yung liptint niya at kumuha ng suklay. "Bakit ano meron sa ex ko? Bakit kailangan mo abutan?" nakakunot-noo na tanong niya.

Napatawa ako. "See? Kilala mo na ngayon si tae. Haha!"

"Baliw ka kasi! Tae ka ng tae. Ayan tuloy nasanay na din ako." natatawa din sagot niya.

"Eh mukha naman talaga siyang tae."

Sige na ako ng mapanlait. Badtrip kasi ako do'n. Tanginang 'yon!

"I'm done!"

Napabuntong-hininga ako. "Hay! Salamat naman! Oh, baka gusto mo pa maglagay ng eyeshadow? Baka may nakalimutan ka pa?" biro ko sa kanya.

"Wala na! Napaka-mainipin mo talaga. Tara na nga!" umangkla siya sa braso ko at sabay kami naglakad palabas. Siya lang nakakaganyan sa akin. Pasalamat siya bestfriend ko siya.

Nang malapit na kami sa gate ay hinila ko siya paliko sa parking lot.

"Hoy! Teka, bakit dyan tayo? Wala ka naman motor, ah!"

"Ako wala, pero 'yung tae na 'yon meron!"

"Hoy, Chie. Ano bang binabalak mo?" tanong niya.

"Basta! Huwag ka nga tanong ng tanong." di nakatingin sagot ko sa kanya habang busy sa paghahanap nung motor ng tae na 'yon. "Gotcha!" nakangising sabi ko ng makita ko na ang hinahanap ko.

Hinila ko siya palapit do'n at nagpahila naman siya. "Para kang tanga, Chie. Ano ba talaga gagawin natin? Kanina pa ko tanong ng tanong di ka sumasagot dyan!"

Hindi ko siya pinansin at kinuha 'yung martilyong maliit sa bag ko na dinala ko kanina. Hindi 'to mabigat, sakto lang pero alam kong nakakasira 'to.

"ARCHIEEEE, KANINA PA KO DITO SALITA NG SALITA. BAKA GUSTO MO NAMAN SUMAGOT NOH!?"

"Ang ingay mo, Julz!" saway ko sa kanya.

"Eh, pano naman kasi! Kanina pa ko tanong ng tanong di ka man lang sumasagot dyan. Tsaka kelan ka pa nagkaroon ng martilyo dyan sa bag mo, ha?"

"Ngayon lang!"

Naparoll-eyes siya sa sagot ko.

"Salamat sa sagot ha? Ano ba gagawin mo dyan sa martilyo—PUTANGINA!" napasigaw na mura niya ng pukpukin ko 'yung isang side mirror ng motor. Ayun natanggal at hindi ko alam kung saan tumalsik. "Gago ka, Chie! Haha!" natatawang mura niya sakin.

"Gusto mo i-try?" alok ko. Inabot ko sa kanya 'yung martilyo at mabilis niya naman kinuha 'yon.

Binasag niya 'yung salamin nung isang side mirror at pinukpok pa 'yung harapan nung motor kaya nagkaroon din ng crack.

"Gigil na gigil, ah!" natatawang comment ko.

"Ngayon lang ako makakaganti sa tae na 'yon. Sasagadin ko na, noh!"

Binalik niya na sakin 'yung martilyo. Tinago ko na ulit 'yon sa bag ko at kinuha naman 'yung dalawang pako na malaki. Inabot ko sa kanya 'yung isa. Nagkatinginan kami at nagkaintindihan, alam nanamin kung anong gagawin. Mabilis namin 'yon tinusok sa magkabilaang gulong at tinanggal.

Tignan natin kung magamit mo pa tong bulok mong motor. Gago kang tae ka, ah!

Ang Babaeng Hindi Mahilig MagmuraWhere stories live. Discover now