Prologue

23 1 0
                                    

Pumasok ako sa loob ng bus.

Puno na ito at wala akong choice kundi ang tumayo. Pakshit na buhay 'to! Pagod ka na, tatayo ka pa. Hapakamalasssss!

Pumunta ako sa may bandang gitna at doon tumayo. Take note, ako lang mag-isa ang nakatayo. Putspa! Nakakahiya.

Napatingin ako sa tig-dalawang upuan na nasa right side ko. May isang lalaking nakaupo sa dulo malapit sa bintana at yung katabi naman nito ay medyo may katandaan ng lalaki samantala yung dito naman sa left side ko dalawang matandang babae tsaka isang matandang lalaki din.

Ano meron? For senior citizen na bus ba 'tong nasakyan ko at naligaw lang ako?

"Ineng, dito ka na maupo."

Napatingin ako doon sa matandang lalaki na nasa right side ko ng biglang magsalita ito.

"Naku! Wag na ho, tatang. Okay lang ako dito!"

Sinungaling! Hindi ka okay.

"Bababa na din naman ako kaya maupo ka na dito."

"Okay lang ho talaga! Pag-alis niyo na lang ho!" pagtanggi ko pa.

Tumayo na siya at hinila 'yung kamay ko para paupuin ako. "Tangina...."

Hala, desisyon 'yan?

Saktong huminto na din 'yung bus at nakita ko siyang natawa sa akin bago bumaba.

Luh, bat may pagtawa? Di kaya type ako no'n ni tatang?

Pakshit, kadiri ah! Kinilabutan ako sa naisip ko, baka kala niya may asim pa siya?

Umayos na lang ako ng upo at napatingin dito sa katabi kong mukhang nagsesenti at lamig na lamig dahil sa suot nitong jacket, sumbrero at facemask na itim. Take note, naka-shades pa siya at lahat ng suot niya color black.

San lamay?

Pero puta, ang init! Pano niya kinakaya yung ganyang damit sa ganitong kainit na panahon? Hindi ba namamasa kili-kili nito?

Yung akin feeling ko basa na, eh.

"Ehem, pwede po pabukas ng bintana?" tanong ko pero hindi siya nasagot. Bingi ata 'to.

Putspa! Ang init talaga! Wala na ngang aircon 'tong bus tapos sarado pa yung bintana.

Dito masasabak ang tagal ng deo na nilagay mo.

"Naririnig mo ba ko?" tanong ko pa ulit pero no response pa din. Hayop na 'to.

Kakalabitin ko na sana siya pero nakita kong may nakapasak na earphone sa tenga niya. Kaya naman pala! Hinila ko yung isa at—"Pwede pabukas ng bintana?"

Nagulat siya at tinignan ako ng masama. Oo, ramdam kong masama kahit naka-shades siya. "What?"

Problema nito? Pinapabukas ko lang naman 'yung bintana.

"Cotton buds, babyflo!" pamimilosopo ko at lalong kumunot ang noo niya "Yung bintana kako pabukas." ulit ko.

Hindi siya sumagot at padabog na binuksan 'yung bintana.

Napairap ako. "Tangina, bubuksan din naman pala."

Ang Babaeng Hindi Mahilig MagmuraWhere stories live. Discover now