Chapter 12

1 0 0
                                    

Acer's POV

"YES! Dumating na ang pinaka iniintay kong araw." Sabi ko at tumawa nang nakaka loko.

Bumangon na agad ako at saka nagmadaling maligo. Maaga akong nagising dahil friday na ngayon at ibig sabihin non ay ang buong araw namin ngayon ay puro club lang.

Pagkalabas ko nang banyo ay sinuot ko na agad ang pe shirt at shorts namin tapos ay nagdala narin ako nang pamalit at saka lumabas para kumain.

"Oh ang aga mo ata ngayon?" Bungad sa'kin ni my at saka ako kiniss sa pisnge.

"Opo my, club po kasi namin ngayon medyo excited lang." Sabi ko habang naka ngiti.

"Kaya naman pala ang saya saya nang baby ko." Sabi n'ya sabay pisil sa pisnge ko kaya naman napa hilot ako doon.

"Oh s'ya sigi kumain kana at ako nang maghahatid sayo sa school."

Hindi na ako umangal kay my tutal ayoko rin naman magcommute at saka para naman fresh ako pagpasok sa school.

Pagtapos naming kumain ni my ay agad na kaming umalis kasama nang driver namin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na ang sign nang dyllan high kaya naman isinukbit ko na agad ang bag ko pero agad kaming lumagpas don.

Teka...

O_O

LUMAGPAS?!

Agad akong lumapit kay my at saka sinabing lumagpas na kami sa school ko.

"Alam ko Ace... relax ka lang d'yan ok? may dadaanan lang tayo saglit tutal maaga pa naman." Sabi ni my kaya naman agad akong bumalik sa pagkaka sandal ko sa likod at saka sumimangot. Wala pang limang minuto ay huminto na agad kami sa isang malaking bahay. Mas malaki pa ito sa bahay namin mala mansion ang datingan.

"Wow ang ganda, ang laki rin nang bahay sino kayang nakatira dito." Sabi ko sa isip habang nakatitig parin sa bahay.

Maya maya pa ay napansin kong bumukas na ang pinto at doon lumabas ang isang babae nakatulad ko rin ay naka pe uniform.
Teka pe namin yon Ahh?

Agad kong kinusot ang mga mata ko at saka tinignan nang mabuti yung babae. Potek ba't nandito yan?

"Hi good morning Tita and Ace!" Masiglang bati n'ya na hindi ko naman pinansin.

"Iha tabi na kayo ni Ace tapos sa kan'ya ka narin sumabay sa school para alam mo kung saan kang room papasok." Sabi ni my na mas lalo kong ikina inis.

- _ -

Pagdating sa School...

"Ace ikaw nang bahala kay Stacey mag iingat kayong dalawa." Sabi ni my at tumango naman ako at saka sila umalis.

Agad akong naglakad pa pasok sa school at syempre naka sunod parin s'ya sa akin. Pagdating ko sa pinto ng room namin ay kaagad akong huminto dahilan para mauntog s'ya sa bag ko.

"Ouch! Why did you stop?" Maarteng sabi nito habang hinihilot ang noo n'ya.

"Eh ikaw ba't ka naka sunod? Dito ka ba sa section namin." Sabi ko sabay turo sa "CHARITY" section namin. Sana hindi,  nag guess lang naman ako pero sana tama.

"A-ah hindi, honesty daw section ko." Malungkot n'yang sabi kaya naman natuwa ako at saka ngumit sa kan'ya at agad na itinuro ang room n'ya.

'WHAHHAHAHA BUTI NAMAN AT WALA NANG BWISIT'

^_^

Kaithlyn's POV

Friday na ngayon at mamaya lang ay magkakasama na ulit kami ni Lee.

YYAAAAHHHHH!

>O<

Agad akong naligo at nagbihis pagka tapos ay nagpabango ako nang onti at saka nagsuklay. Bumaba na ako at nakita ko na din doon si kuya, aba mukhang excited rin ang mokong. Hindi na ako kumain at agad nang sumakay sa kotse. Maya maya pa ay dumating na kami sa school. Sa daan ay naghiwalay na kami ni kuya kaya dumeretso na agad ako sa room at saka inilapag ang mga gamit ko.

"Aga natin today ahh" sabi sakin ni zaira.

"Oo HAHHAHA"

Pagtingin ko sa kaliwa ay nandoon nadin si Cy at kumaway pa sakin.

"Goodmorning Kaithlyn" masaya n'yang bati.

"Goodmorning rin" bati ko.

Aba ayos pala kapag friday ang aaga nang lahat tapos puro goodmood pa, nice. HAHHAHA

Maya maya pa...

"Oh nand'yan na pala si dre." Sabi ni cy at alam ko namang si ace yung tinutukoy n'ya kaya naman napa tingin kami sa may pinto.

May kasama s'yang babae at mukhang naiinis s'ya rito. Nagusap pa sila at nung sumagot na yung babae ay biglang ngumiti si Ace at saka may itinuro don sa babae at pumunta naman s'ya roon.

"Trip n'yan kanina lang inis na inis tapos ngayon ay naka ngiti na." Sabi ko sa isip.

"Weird..." Rinig kong sabi ni cy at sang ayon ako ron. Nababaliw na ata 'to eh.

Wala pang sampong minuto ay nag ring na ang bell, ibig sabihin ay pwede na kaming pumunta sa mga club namin.

Nagpaalam na sa akin si zaira at cy at tumango naman ako, maya maya pa ay naalala ko nga pala na hindi sa'kin na banggit kahapon ni annica kung saan room yung music club.

"Luhh paano na'ko n'yan"

T_T

"Kate? Bakit kapa nandito start na nang club ahh"

Agad ko itong nilingon at saka nakitang si Lee ito.

"Ah eh kasi naman hindi nasabi sa'kin ni annica kung saan room yung club kaya eto hindi ko alam kung saan pupunta." Nahihiyang sabi ko.

"Ahh ganon ba? Sigi sabay kana sa'kin tutal papunta naman nadin ako doon sa club." Sabi nito at saka ngumiti.

PAKSHET ANG GWAPO TALAGAAA! >O<

Acer's POV

Tumunog na yung bell kaya naman agad na kaming umalis ni cy.

"Dre si stacey ba yung kanina?" Tanong nito.

"Oo"

"Eh ba't nandito yon? Akala ko ba ay nasa canada s'ya? Dito naba s'ya ulit mag aaral? Sabay pa kayong pumasok... Kayo naba ulit?" Sunod sunod nitong tanong.

'Tss ano 'to Q and A portion?'

"Kakauwi lang n'yan, mga 3 weeks na siguro s'ya dito sa pilipinas. Dito narin s'ya mag aaral pansamantala at saka hindi kami. Okay na ba? Wala nabang pahabol na tanong?" Sabi ko.

"Wala na AHHAHA" Sabi nito. Pasalamat ka at kaibigan kita kun'di kanina pa kita sinipa tss.

Pagdating namin sa gym ay nandoon nadin ang ibang mga students. Naka ayos na ang ring at net para sa Basketball at Volleyball. Dalawa kasi ang court namin dito sa Dyllan High kaya naman malaki ang pwesto namin at hindi na kami maabalang maghiraman sa court. Sa stage naman ay naka ayos nadin ang mga tables para sa table tennis.

"Mukhang magiging masaya 'tong araw na-

Agad akong napa hinto sa sasabihin ko nang makita ko si kenneth na kasama si stacey.

'Huwag mong sasabihin sa'kin na magiging ka club ko 'yan...'

~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ChangeWhere stories live. Discover now